"kamusta nga pala yung result ng scholarship exam mo ?" tanong ni nalyn habang nag lalakad kami palabas ng school
"sa friday pa malalaman yung result , so after test titignan ko na"
"ah ganun ? tingin mo papasa ka ?"
"uhm . oo ?"
"bakit parang nag aalangan ka ata ?"
"hindi ko kasi sigurado kung pasok ako , ang hirap kasi nung test"
"aa"
nakalabas na kami ng school building ng makita namin si alex kasama yung mga tropa niya na may dala-dalang .. d-du-duguang lalake . tinakpan ni nalyn ang mata ko't pinatalikod
"tumalikod ka ken" sabay nilagay ang mga kamay niya sa bulsa ng suot niyang uniform
lumapit siya kela alex at hindi ko narinig kung anong pinag uusapan nila .
"babe , eto ba yung sumaksak sayo ?" inangat niya yung ulo nung lalake at natanaw ni nalyn ang mukha nitong punong puno ng pasa at wala ng ngipin sa harap , hindi niya na madilat yung mata niya sa laki ng bukol sa kilay nito at bakas sa mukha niya ang iyak ng sobrang pag mamaka-awa
"oo , baket ?"
mula sa pag kakahawak ay initsa niya ito't tinadyakan , sumindi siya ng sigarilyo't hinithit ito . "anong gusto mong gawen sa kanya ?"
hindi sumagot si nalyn at ipinikit ang mga mata
"gusto mo bang tuluyan na siya ?"
inangat ni nalyn mula sa pag kakahiga yung lalake at binulungan "umalis ka na"
"s-salamat po" paiyak na sinabi ng lalaki at agad agad tumakbo palabas ng gate pero bago pa siya makalabas ng gate , isang lalaki ang humambalos sa tyan niya't namilipit siya sa sakit .
hindi nakapag pigil si nalyn at sinugod ang lalaking humambalos sa nangsaksak sa kanya , hinawakan ang kwelyo nito't sinapak sa mukha
"DIBA PINAALIS KO NA ?! HINDI MO BA NAINTINDIHAN ?!"
"pa-pasensya na nalyn , hindi ko narinig eh" hawak ang mukha niya na nag kulay ube sa suntok ni nalyn
"ah ganun ?" tumalikod na si nalyn at nakahinga na ng maayos yung lalake .
pero ang inaakala niyang pag papalampas ni nalyn sa ginawa niya ay isa palang bwelo . sinipa siya ni nalyn rekta sa tenga na naging dahilan ng pag dugo nito .
"sa susunod na hindi mo sundin kung anong sinabi ko ? ako na mismo dudukot ng eardrums mo para tuluyan ka ng hindi makarinig"
napahawak ang lalake sa tenga niya't napansing dumudugo ito . inangat ni nayln yung lalakeng sumaksak sa kanya't tinanong
"ok ka lang ?"
hindi nakapagsalita ang lalake dahil namimilipit ito sa sakit .
"siya ba nalyn ?" sabay napatingin sakin si alex at nalyn
hindi sumagot si nalyn at tinignan lang ng matalas si alex
"yan ang nagustuhan ko sayo , yang matatalas mong tingin" ngumiti siya't hinawakan sa pisngi si nalyn "makikilala ko din siya"
sumakay na sa motor si alex at isa isa na silang nag alisan . inalalayan ni nalyn yung lalakeng sumaksak sa kanya mula sa pag kakahiga nito sa sakit at kinamusta kung ayos lang ito .
"kaya mo pa ba mag lakad ?"
"o-opo salamat talaga , pa-pasensya na sa ginawa ko s-sayo" umiiyak na sinabi ng lalake
BINABASA MO ANG
Not a Dream But a Gift [EDITING ]
Romance"Even when you'd lost everything you thought there was to lose, somebody came along and gave you something for free." ― Jenny Valentine, Broken Soup
![Not a Dream But a Gift [EDITING ]](https://img.wattpad.com/cover/47203445-64-k649321.jpg)