Chapter 5

108 9 4
                                    

     Nasa bubungan ako't inaabangan ang meteor shower na nabasa ko sa isang article sa science daily. Excited ako kasi bukod sa anime at kung ano-anong misteryo, hilig ko ding manuod ng mga heavenly activities gaya nito. 10:30 pm mag uumpisa ang meteor shower at base sa article 3 shooting stars per minute ang makikita so medyo unique to kasi sunod-sunod.  

10:27 na. 3 minutes na lang at makikita ko na yung pinaka aantay ko, nasa Orions belt daw mangyayari ang once in a century heavenly activity na to kaya napaka swerte ko't isa ako sa makakasaksi . 


riiiiiiing riiiiiiing riiiiiiing


     "Sino namang tatawag sakin ng ganitong oras"

sinagot ko ang cellphone ko at naintriga. Wala naman kasing tumatawag sakin ng ganitong oras at actually? Wala namang tumatawag sakin. oo na?! ako na mag isa! ako na walang love life! 

     "Hello? Forever ka ba?" inunahan ko na mamaya forever ko na to eh 

     "Forever ka dyan?! Mama mo to may nag hahanap sayo! Nasaan ka ba?!"

     "Ay ma! sabihin mo wala ako, nandito ako sa bubong" kala ko naman kung sino na (-__-) umasa pa man din ako </3

     "Babain mo to, wag mo pag antayin tong gf mo dito"

     "HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA?!" 

     "BAKIT KA SUMISIGAW ?! PARANG TALO KA PA SA GANDA NITONG BABAENG TO?! BABA NA!"

agad agad akong bumaba para alamin kung sino yun. 

Sino kaya yun?

     "Siguro si jhonna ! kaso hindi niya ko kilala , baka si khaye ! ay hindi niya pala ako pinapansin , ay baka si stef ! ay.. busted na pala ako sa kanya last week"

Pababa na ko ng hagdan pa second floor ng natapakan ko bigla ang sapatos ng kapatid ko, ayun napa x2 yung bilis ng pag baba ko.  


     "Yan tanga, nakakahiya sa gf mo. Pinakita mo pa kung gaano ka kalampa"

Ng dahil sa pag kakahulog ko sa hagdan hindi ako makatayo dahil nakanto yung tagiliran ko.

     "Maiwan ko na kayo, kukuha ko lang siya ng makakain" 

Umalis si mommy nang makita ko kung sino siya .

     "Anong ginagawa mo naman dito?" umasa nanaman ako </3

     "Bait pala ng mama mo"

Diba? Angas niya no? Hindi man lang sinagot ang tanong ko't pumasok pa sa bahay. Pinuntahan niya si mommy sa kusina. 

     "Ano naman kayang gagawin nito kasama si mommy sa kusina?"

 mahigit limang minutong tumahimik ang paligid. 

Teka anong gagawin niya dun? baka murdurin niya nanay ko (o_____o)

ng biglang ..

     "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!" sigaw ni mommy sa loob ng kusina 

Agad-agad akong tumayo at pumunta sa kusina. Sabi na walang magandang madudulot tong babaeng to sa bahay namin eh!

     "MY ANO YON?!"

     "ANG SWERTE MO NAK! NAGKA JOWA KA NG MARUNONG MAG LUTO"

     "Hindi ko siya jowa"

     "ANO NAK TALO KA PA? JOWA MO NA SIYA! MAG HANDA KA NA NG MGA PLATO DUN SA SALA !"

Not a Dream But a Gift [EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon