"Ma ! pasok na po ako ha" sigaw ko habang palabas ng pinto
"kakagaling mo lang sa ospital nak ha ? papasok ka na agad ?" sagot niya habang nag lalaba
"naku Ma , nahimatay lang naman si kuya nung nakakita nung dugo eh , hindi naman siya yung nasaksak" sagot din ni sandy habang nag aayos ng sarili sa harap ng salamin .
"opo nay , alis na po ko . last day din po ng project namin sa visual basic kaya kailangang mapasa ko to"
lumabas na ko ng pinto at huminga ng malalim . napakagandang araw nito at napasarap pa yung tulog ko .
"kuya ! sabay na ko sayo" pahabol ni sandy ng isasara ko na yung pinto
"sige , pero wag mong sirain araw ko ha ? "
"speaking of sirain yung araw mo , kuya ? diba siya yung gf mo ?" sabay turo sa bahay ni nalyn
nakita ko si alex na nag aantay sa pinto ni nalyn at wala pang ilang segundo ng lumabas si nalyn mula sa bahay niya . kinuha ni alex ang gamit niya at sumakay na sa motor , umangkas si nalyn at umalis na sila .
" oops , mukhang nasira ko ata araw mo ? hehe"
sabay biglang tumakbo si sandy
"una na ko kuya ha ! have a nice day kung nice pa yan !" sabay ngumiti ng nakakaloko .
ano tong nararamdaman ko ? nag seselos ba ko ? hayst ..
nag lakad ako mag isa papasok ng nakita kong mag kasama si benjie at jenalyn
"hoy kayong dalawa ?! pasabay ako !" sinigaw ko pero mukhang wala silang narinig
"HOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOY" sinigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kanila
"ano ba yun ? ang aga aga ang ingay mo ?" tanong ni benjie habang nakataas yung kilay
"ano ? nag kakilala lang kayo nung nakaraan sabay na agad kayo pumasok ? ano to ? instant noodles ? lagyan mo lang ng mainit na tubig at mag antay ng ilang minuto pwede mo nang kainin ?"
"ano ba dinadrama mo ken ? masama ba mag sabay kami ?" tanong ni jenalyn sakin
"wala lang . masama ko lang bang sabihin?"
inakbayan ako ni benjie at binulungan
"mukhang nag kakamabutihan na kayo ni ms. ufc boxer ha ?"
"k-kame ? h-hindi aa !"
"sus , bakit nabubulol ka ?" sabay ngiti ng nakakaloko
"h-hindi nga ang kulit mo ha !"
"bakit siya namumutla benjie ? ano ba yung tinatanong mo ?" singit ni jenalyn
"ah ? ewan ko ? bakit ka nga ba namumutla ken ?" sabay tawa ng malakas
"CHE ! trip niyo ko mauna na nga ako !" tumakbo ako papalayo sa kanila at mag isa na lang pumasok .
papalapit na ko sa gate ng school ng makita ko si nalyn sa tapat ng gate at may inaantay . yumuko ako at nag madaling pumasok .
"ken" sinabi ito ni nalyn sa malambing na paraan .
"h-huh ?"
"sabay na tayo pumasok"
"a-ako ?"
"oo mag assume ka na , ikaw nga sinasabihan ko"
hinawakan niya yung kamay ko't hinila papasok .
BINABASA MO ANG
Not a Dream But a Gift [EDITING ]
Roman d'amour"Even when you'd lost everything you thought there was to lose, somebody came along and gave you something for free." ― Jenny Valentine, Broken Soup
![Not a Dream But a Gift [EDITING ]](https://img.wattpad.com/cover/47203445-64-k649321.jpg)