"Ken may assignment ka ba? Pakopya naman please hanggat wala pa si sir!" nag mamadaling sabi ng kaklase ko. Sorry kung hindi ko siya kilala ha? Hindi kasi ako friendly masyado tsaka 2nd day pa lang naman.
"Uhm? Meron"
"Pakopya please"
Binuksan ko ang bag ko para kunin yung notebook ng biglang pumasok si Mr.Santiago sa silid. Nag madaling mag si upo ang buong klase ko sa takot.
"Ilabas niyo lahat ng assignments niyo ngayon na"
Inisa-isa ni Sr.Santiago ang bawat desk at pinatayo ang mga walang gawa.
"Ikaw nasan ang gawa mo ?"
"Eto sir" sabay abot ng notes ko bilang patunay.
Nilagpasan niya na ko at pumunta sa likuran.
"Wag kang matulog dito, paaralan to hindi hotel. Nasaan yung gawa mo?"
Tumingin ako sa likuran at nakitang nasa desk na siya ni Nalyn .
"Wala" sagot niya sa prof namin
"Sige tayo, pumunta ka sa harapan"
Natapos nang umikot si Sir at apat na istudyante ang napatayo niya sa gitna. Inuna niya si Nalyn at pinataas ang kamay nito. Sa kabutihang palad, sumunod si Nalyn ng hindi sumasagot. Kinuha ni sir ang meter stick niya't hinambalos ang kamay nila ng sampung beses. Tinanggap ni Nalyn ang parusa ng hindi umaangal. Hindi ko maiwasang mapatingin sa mata niya habang nakayuko siya't tulala sa sahig. Mga mata niyang walang emosyon, ano ba talagang gusto mong iparating ?
. . . .
Vacant na namin, nakita ko siyang natutulog parin sa upuan niya.
"Princess ?"
Tumayo siya bigla't sinuntok ako.
"Aray! Para san naman yun?!" para talagang professional UFC boxer tong babaeng to (πーπ)
"Wag na wag mo kong tatawagin ulit sa pangalan na yun"
"Oo na pasensya na" mahinhin kong sinabi habang hawak yung braso ko na sa sobrang sakit pakiramdam ko nabali buto ko.
Umupo na ulit siya't sumandal sa upuan niya.
"Oh eto, uminom ka muna" inabot ko yung Choc-O na baon ko sa kanya . "Ito lang kaya kong ibigay eh, salamat nga pala sa pag tatanggol mo sakin kagabi"
Nanlaki mga mata niya't biglang hinablot yung Choc-O sakin at binuksan ito sa gilid gamit yung mga ngipin niya. Seriously? Anong ugali meron tong babaeng to ? (-__-)
"Nasaan yung straw?"
"Ay oo nga pala!" bumalik ako sa upuan ko para kunin yung straw, kinuha ko na din yung baon ko para may kasabay akong kumain.
"Eto"
Nilagay niya yung straw at ininom ito. Umupo na ko sa tabi niya at binuksan ang baonan ko.
"Ano yan?" tanong niya habang nakatingin sa pagkain ko.
"pagkain? Kanin itlog tska longganisa" sagot ko.
"Ibig kong sabihin, dito ka kakain?"
"Bakit? Bawal bang kumain dito Prin..." hindi ko pa nakukumpleto yung pangalan niya tinignan niya na agad ako ng masama. Parang K-9 nag aantay na lang ng go signal ng amo niya para kagatin yung target. Nakakatakot talaga tong babaeng to (T_T)

BINABASA MO ANG
Not a Dream But a Gift [EDITING ]
Romansa"Even when you'd lost everything you thought there was to lose, somebody came along and gave you something for free." ― Jenny Valentine, Broken Soup