inumpisahan ko ng bendahan ang nalinis kong sugat niya . binaba niya na din yung damit niya't humarap na sakin .
"anong dala mo ?" tanong ni nalyn habang nakatingin sa lunch box
"ah yan ? adobo yan luto ni mama"
"anong adobo yan ?" sabay ngiti
"sapatos"
"luh ?" tinignan niya ko ng nakataas yung isang kilay
"ikaw nag suggest ng adobong sapatos diba ? tikman mo" kinurot ko ang pisngi niya at ngumiti
binuksan niya ang baonan at binatukan ako
"aray ?! para san yun !"
"paborito ko tong adobong manok eh" ngumiti siya't kumuha ng platong gagamitin namin
"uhm , ken ?"
"ano ?"
"ulyanin ka talaga no ?"
"bakit ? ano nanaman bang nakalimutan ko ?" napakamot ako sa ulo't inaalala kung ano yung nakalimutan ko
"may ulam tayo , anong kulang ?"
pisti , yung kanin (-__-)
"ay , sorry ha ? kala ko kasi may sinaing ka kaya ulam lang dinala ko"
may kumatok sa pinto niya't tumayo siya para buksan to .
"ate nalyn , hinatid ko na dito yung isang baonan ha . naiwan kasi ni kuya eh , yung ulam lang dinala niya nakalimutan niya yung kanin" inabot ni sandy ang isang baonan at umalis agad
"akala ha ?" ngumiti siya ng nakakaloko
"oo na oo na nakalimutan ko na" (-__-)
hinanda niya na yung pagkakainan at kumuha ng dalawang choc-o sa ref niya . sinandukan ako't nilagyan ng ulam yung kanin sa plato ko
"salamat"
hindi siya sumagot at ngumiti lang
"anong laman ng ref mo ?" lumapit ako para buksan yung ref niya at nagulat ako sa nakita ko
"ngayon alam mo na ?"
hindi ako nakapagsalita dahil yung baba ng ref niya punong puno ng choc-o , kung tatantsahin ko mga 6 na dosena to . yung pinakataas puro chocolate at may nakahiwalay na sponge cake sa gilid . at ang lubos na kinagulat ko ?
"b-bakit may .." hindi niya ko pinatapos sa sinasabi ko
agad niyang sinara yung ref niya't pinaupo ako .
"ikaw ha" ngumiti ako ng nakakaloko
"b-bakit ?! anong masama ?!" bigla siyang namula sa sobrang guilty
"pa ayaw ayaw ka pa meron ka naman palang vita milk sa ref mo . HAHAHAHHAHA"
"si-sinabi ko bang ayoko ?!"
"oo na oo na kumain na tayo . hahahaha"
kumain na kami ng nanatili yung katahimikan , hindi siya nakapag salita't nanatiling namumula habang kumakain . pano ba naman kasi ? ayaw ayaw siya sa vita milk kasi sinasabi niya na pampalaki daw yun sa babae tapos siya meron din pala sa ref . hahahahahha
"malapit na test ha ?" isiningit ko habang nasa kalagitnaan kami ng katahimikan habang kumakain
"ano ngayon ?"
BINABASA MO ANG
Not a Dream But a Gift [EDITING ]
Romance"Even when you'd lost everything you thought there was to lose, somebody came along and gave you something for free." ― Jenny Valentine, Broken Soup