chapter 4

127 10 2
                                        

     "Ano nga ba ulit mga sangkap ng adobo? Suka, toyo, sibuyas, bawang, magic sarap at.. Ah! Asukal !" nasa grocery ako habang inaalala ang mga sangkap ng adobo. About sa asukal ? May sweet tooth kasi ako kaya mahilig ako sa matatamis sa pagkin. Kinuha ko na ang lahat ng nilista ko sa listahan at kumuha na rin ako ng pang midnight snack. Kung ano? well V-cut at Vita milk lang naman ( - w - )

     "Oy"

Napalingon ako at nakita ko siya sa likod ko. Sa dinami-dami ng makikita ko dito bakit siya pa? (-__-)

     "Multo ka ba?! Kung saan saan ka sumusulpot ha!" 

     "Umiinom ka nyan??" nag tatakang tanong niya habang nakatingin sa hawak ko ng Vita milk 

     "bakit masama?"

Tinignan niya ko ng masama at ayun tiklop nanaman agad ako ( ' A ' )

     "Ay sorry, Oo umiinom ako neto. Infact favorite ko nga to eh, ba't mo naman natanong?"

     "Wala ka ng pake" bigla siyang tumalikod at nag lakad palayo. 

Tignan mo yung babaeng yun. Ayaw na ayaw ng binabasag siya pero pag siya mambabasag yung tipong hindi ka na talaga makakabawe (- __ -) Ano kayang meron sa vita milk at ang sama ng tingin niya? Nakakalason kaya to? (- __ -)

     "Ay oo nga pala" lumingon siya at ngumiti 

gusto ata ako neto eh. ayaw lang umamin ( - w - )

     "Ano nanaman yun?"

     "Anong iaadobo niyo? Sapatos? hahaha" sabay talikod ulit. Bastusin eh no ? 

Binayaran ko na lahat ng binili ko at lumabas na ng grocery store. Nakita ko siyang nag aantay sa labas at tinatawanan ako, baliw na ata tong babaeng to. Feeling niya ata sasabay ako sa kanya eh, pwes manigas siya. Dumere-deretso ako ng hindi siya pinapansin kahit alam kong sumusunod siya. Ayaw pa kasing umamin na type niya ko eh, pakipot pa. Medyo naawa na ako kasi parang ang hard ko na masyado sa kanya at since kahit papaano may puso din ako, nilingon ko na siya.

     "teka? Nasaan siya?"

At ayun, nakita ko siya sa tapat ng grocery store na umangkas sa motor ni Alex. Satin-satin lang yung mga sinabi ko ha (- __ -)

. . . .

     "Nay ito na yung pang adobo" inabot ko yung supot at sawakas makakapagpahinga na din ako.

     "Nak?"

     "Alam ko ma lagyan mo ng asukal para medyo matamis"

     "Nak"

     "Yung bawang  my patusta nlang para hindi malasa"

     "Nak"

     "Oo ma maraming sibuyas lagay mo lahat"

     "NAK!"

     "Ano ba yun my?"

     "Anong iaadobo nten ? sapatos ?"

     "Hindi ah?! di tayo abnormal para mag adobo ng sapatos no! Adobong ano yan.. wait ano nga ba?"

Panandaliang katahimikan ..

     "WAAAAAAAAAAAAAAAH ! NAKALIMUTAN KONG BUMILI NG BABOY !"


Not a Dream But a Gift [EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon