Pumunta kami ulit sa food court ng mall , wala na sila sa inuupuan nila kanina . buti naman para makapag usap kami ng maayos .
"uhm nalyn ?"
"o?"
"tigilan mo nga yung kakasagot mo ng O nakakainis yan"
"di wow"
"isa pa hindi na kita ililibre !"
tumahimik siya at nag kalumbaba , tumingin sa malayo na parang may iniisip na malalim .
"anong gusto mo ?" tanong ko sa kanya para hindi naman siya maboring
"kahit ano" nag buntong hininga siya at kinuha ang cellphone sa bag niya , nilagay yung earphone sa tenga at pumikit .
bibili na nga lang ako ng pagkain .
pumunta ako sa iba't ibang store para tignan kung anong pwedeng kainin . syempre palipat lipat ako para may choice .
"eto na lang kaya ?"
nakita ko yung bundle ng fried tilapia and fried rice with soup sa 89 pesos lang . diba ? ganyan pag naninigurado ka muna bago bumili , makakamura ka .
binili ko yun . malamang 2 binili ko para samin at nag lakad na pabalik sa upuan namin
"oh kumain ka na"
binuksan niya yung mata niya't tinignan yung pagkain sa harap namen
"ken"
"hindi mo na kailangang mag pasalamat , ok lang natalo din ako sa pustahan eh"
"hindi yun"
"hindi sige ok lang , balak ko din naman talagang ilibre ka"
"ken"
"ano ba yun ? oo na you welcome na nalyn kumain ka na"
hindi na siya sumagot at tumingin na lang sa pagkain
"bakit ayaw mo pa kumain ?"
"allergic ako sa isda eh"
"ay pisti , anong gagawen natin dito ? sayang yung pera"
lumingon siya sa likod namin at nakita ang mag nanay na kumakain ng junk foods , nag labas ito ng pagkain na nakalagay sa baunan at pinakain ang kanyang 3 anak . tumayo si nalyn at kinuha ang tray sa harap namin at ibinigay sa kanila
"pakainin niyo po ng maigi si bunso , ang payat niya na" sabay ngiti sa kanila
"salamat iha , napaka bait mo . birthday kasi ng anak ko kaya naisipan kong ipasyal sila dito sa mall" ngumiti yung babae at muntik ng maluha sa tuwa .
"ganun po ba ? wait , ken !"
tinawag niya ko ? ako ba ?
hayst . as usual luapit ako para alammin kung ano yun . wala na kong pera , baka mag papalibre nanaman siya (T^T)
"umupo ka dito samahan mo si ate"
agad agad siyang umalis ng hindi man lang sinasabi kung saan siya pupunta .
umupo ako sa harap nila at tinignan silang kuakain , tuwang tuwa ang 3 niyang anak habang kinakain yung bigay ni nalyn sa kanila . huminto si ate sa pag subo sa bunso niyang anak at huarap sakin
BINABASA MO ANG
Not a Dream But a Gift [EDITING ]
Romance"Even when you'd lost everything you thought there was to lose, somebody came along and gave you something for free." ― Jenny Valentine, Broken Soup