Chapter 7

86 8 1
                                    

     "ano bang nangyayare sayo ken , hindi ka naman ganito dati ha ? babae lang siya , i mean hindi siya yung tipo ng babaeng lang lang kasi may mga katangian siyang wala sa iba pero ken hindi siya yung babaeng pinapangarap mo . hindi siya para sayo kaya hindi ka dapat mag ka ganito" paulit ulit kong sinasabi yan sa sarili ko ngayon , hindi ko kasi alam kung anong nangyayare sakin pero hindi ko gusto kung ano man to .

     "oo nga pala , kesa kung anu-ano pinag iiisip ko dito gagawa na lang ako ng assignments ko" tumayo ako mula sa pinag hihigaan ko at umupo sa tapat ng computer . bubuksan ko na sana yung visual basic application sa computer ng naisipan kong mag open ng fb . matagal tagal na din kasi akong hindi nakagamit ng fb eh . nilog in ko ang fb ko at nag umpisa ng mag scroll down sa news feeds . 

     "siguro naman may fb siya , tao siya't sabay sa uso kaya malamang may fb siya . teka ?! wag mo sabihin ken na ia-add mo siya ?! umayos ka nga !" mukha na ba kong tanga kaka-kausap ko sa sarili ko ? (-__-')

     "ano bang big deal kung ia-add ko siya ? ia-add ko lang naman eh . hayst , ken wag ng pabebe hindi ka chicks" sinearch ko ang pangalang princess reinalyn laurenciana pero hindi ko siya nakita sa mga lumabas na account . i tried nalyn laurenciana and tried princess laurenciana pero wala paring lumabas . 

     "hayst , bakit wala siyang fb ?! tao ba siya ?!"


riiing riiing riiing

(tumunog yung cell phone ko at nakitang hindi registered yung number na tumawag)


     "hello ? hindi ko po kayo kilala wrong number po kayo , ibababa ko na"

     "sinesearch mo fb ko no ?"

     "huh ? sino to ?"

     "tingin ka sa bintana"

pagkatingin ko nakita ko si nalyn na nakangiti ng nakakaloko't nakatingin sakin .

     "huh ?! wag kang assuming hindi ikaw hinahanap ko !"

     "talaga lang ha ?" ngumiti lalo ng nakakaloko

     "oo , feelingera ka . hindi mo nga nakikita yung sinesearch ko sa sobrang layo mo eh"

     "wag kang tanga" sabay nag labas ng mini telescope

     "t-teka? iniistalk mo b-ba ko ?"

     "ikaw ang assuming" sabay sinara na ang bintana at tinakip na ang kurtina 


medyo ang awkward ng nangyareng yun kaya wala akong nagawa kundi matulala sa monitor (-__-)

punong puno talaga ng misteryo yung babaeng yun . "bakit may hawak siyang mini telescope ? atsan niya nakuha number ko ?!"


1 friend request and 1 message 


     "uy may nag add at pm! ano kayang uunahin kong buksan ? siguro baka may nacool-an sa dating ko sa school at inadd ako para makipag kilala tapos magkakadevelopan kami tapos magiging kami . mwhehehe , yung message nga muna ng makita ko yung makabagbag damdamin niyang mensahe"

binuksan ko yung message at nagulat ako sa pangalan na nakita ko 

NALYN :

  Ako na nag add sayo , nakaprivate kasi account ko kaya hindi mo basta basta makikita pag sinearch mo kahit abutin ka pa hanggang bukas . accept mo nlang wag ka ng pabebe

Not a Dream But a Gift [EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon