TVOS 02- The Santillians

278 19 10
                                    

Two Voices One Song

-c2. safe with me

The Santillians


Neko's PoV


Patakbo akong umuwi ng bahay. Naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang. Walang nagtatapon ng tingin sa akin sa mga nakakasalubong ko sa daan. Wala rin silang paki-alam sa akin pero kapag tumitingin na sila naroon na ang galit, pandidiri at marami pang iba kaya talagang hininihiling kong wag na lang nila akong pansinin. Ganoon pa man, kapansin-pansin naman talaga ang dilaw kong buhok at mga balat ko sa mukha dahil sa galit sa akin ng aking lola noong bata pa ako. Kinalmot daw nya ako sa mukha sabi ng mama ko kaya naman ganito na lang ang itsura ng mukha ko. Ito rin ang dahilan kaya walang babaeng lumalapit sa akin. Im alone. Ako lang mag-isa. Pero pinagsisikapan kong maging magaling sa klase kahit hindi ko naman kaya.

Ang mga ibang lengwahe nga lang ang nagiging lamang ko sa kanila dahil hindi sila marunong magsalita ng russian, italian, at ng salita ng Quatar. Pero kahit na marunong akong gumamit nyan, hindi ko naman nasasanay ang sarili ko dahil walang marunong magsalita nyan, wala akong nakakasalamuha kaya hindi ko rin mahasa ang pagsasalita ng tatlong lengwaheng iyan. Pero ang nahahasa ko talaga ngayon ay ang japanese language. Sa lihim na tulong ng aking magiting na gurong si Sir Iruka. Si Sir Iruka lang ang nagtyagang magturo sa akin dahil tulad ko, bakla rin sya. Sa kasamaang palad walang nakaka-alam kundi ako lang. Kung may labasan man ang balitang iyon siguradong pagagalitan nya ako't kamumuhian kaya I'm just keeping my mouth shut and not interacting with other people in that language.

Matalino naman daw ako sabi ni sir pero nasasamahan lang ng kakulitan at pagiging bata. Ang sama naman kasi ng laging seryoso, ako ako si papa na lasengero at palaging seryoso? Pasalamat na nga lang ako't hindi ako minamaltrato. 


Nakarating ako ng bahay at kung normal lang ang pamilya namin, sasabihin kong, "Tadaima.(I'm back)" tapos mamano ako at sasabihin ni mama na. "Okaeri (welcome back)"  hang nagluluto sya sa aming kusina. Si papa naman ay ibaba ang dyaryo sa halip na bote ang hawak ng mga kamay nya at guguluhin ang buhok para ipaalam na natutuwa sya't nakabalik na ako.


"Tatayo ka na lang ba sa labas ng pintuan natin halimaw na bata?" agad akong napapitlag ng marinig ko ang boses ni papa. Agad kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Oh, ba't pumasok ka pa? Labas. Bumili ka ng maiinom kong vodka. vodka ha. Huwag kang magkakamali." Medyo natakot ako doon dahil noong nagkamali ako sa labas ng bahay nya ako pinatulog nadatnan lang ako ni mama doon at sinipa sa tyan tapos hinagisan ng mainit na kape na nasa lata. Gayon pa man dahil parusa iyon ni papa hindi nya ako pinapasok at napilitan lang akong painitan ang sarili ko noong sumisikat na ang araw.


Tumakbo kaagad ako sa tindahan at bumili ng vodka. Suka naman ang ibinigay sa akin pero inulit ko at binasa ang nakalagay sa bote at ng mapagtanto kong tama na ang boteng hawak ko dali-dali akong bumalik sa bahay. Subalit nanalangin ako ng sandaling iyon na hindi na sana ako bumalik kaagad. Nakita ko nanaman kasing may kasamang lalaki sa loob ng bahay si mama at si papa naman ay panay lang ang inom at hinayaang magentertain ng mga lalaki si mama sa loob ng bahay namin.


"Mukhang maganda ang anak mo Tsunade." narinig ko ang sabi ng lalaking taga level 13. Natatakot ako dahil baka malaman nilang isa ako sa may mga kapangyarihan na kung tawagin nila ay 13th.

"Psshh.. huwag na yan ang pansinin mo. Lalaki yan at wala sya nito oh." Halos masuka ako ng ipahawak ni mama ang dibdib nya sa lalaki. Nakakasulasok dahil kahit na hindi ako nakatingin ay parang nakikita ko ang araw-araw na ginagawa ni mama sa loob ng bahay namin.

Two Voices One Song [Tear Chronicles]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon