TVOS 05- Panaginip at Pangako (part 1)

166 14 5
                                    

Hi  sa inyong lahat!!

Pansin nyo naman po ang picture tama? Ang bawat numero ang syang pagkakasunod-sunod sa mga kaganapan. Pangit diba? Pinagdikitdikit ko lang kasi hindi ko na makita ung nararapat na picture para sa chapter na ito. Pero sana, kahit papaano Magustuhan nyo.

WARNING!! Ang kabanatang ito ay may ilang parte na tanging mga mag-asawa lamang ang gumawa kung ikaw na aking mambabasa ay hindi pa labing walo(18)ng taong gulang. Maari pang iwasan mo agad ang scene na iyon kung kailan sila magkatabi.

Please watch the video. Kasi may part 2 yan sa next chapter. :)

-----------------------------------

Kuro Kasai's PoV


Masarap akong natutulog. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa kapaguran at pag-aalis ko ng limiter ko sa laban. Isang katangahan pero nagawa ko namang makabuo ng isang bagong technique dahil doon.

Dinala ako ni sir Kakashi sa ospital. May malay na ako ngayon at hindi na muna sya umalis sa tabi ko. Siguro dahil wala na naman akong guardian kaya hindi sya pinayagan ng mga espesyalista na umalis sa tabi ko.


"Hindi ba't may date kayo ngayon?" tanong ko sa kanya na pinag mukha kong hindi ako concern sa nararamdaman nya. Alam ko naman kasing nanghihinayang sya sa date nila ng girlfriend nya na hindi naman natuloy.

"Hmm, oo meron nga pero dahil sa inyong mga bata hindi na natuloy pa." sabi lang nito na nakatingin sa kanyang libro.

Ganyan naman sya eh. Masyadong cool. Walang paki-alam, laging late at laging nagbabasa ng libro.

"Galit ka?" tanong ko na hindi nya agad nasagot. Ibinaba nya ang libro nya saka tumingin sa akin.

"Bakit nag-aalala ka sa isang unwanted na tulad ko?" tanong nya lang.

Gusto kong sagutin sya ng pabalang sa tanong na iyon ang sabihing, tanga ka ba? Syempre guro kita kaya kita kailangang alalahanin at ikaw ang nagsabing kasalanan ko kaya hindi natuloy ang date mo tapos itatanong mo sa akin ang ganyan?! Sana hindi na lang ako nagtanong pa!! Pero hindi ko nasabi ang lahat ng iyon.

"Unwanted? Paano mo naman nasabi yan? Ikaw na tinitilian ng kababaihan? Ikaw na hinahangaan ng lahat magiging unwanted?" hinimas lang nya ang ulo ko saka tumayo.

"Nag-alala ka nga. Hayaan mo na yung date nakita ko naman sya sa bahay nyo pero hindi namin nagawang magusap dahil sinundan nya agad si Neko Kaze." Nagiba ang tibok ng puso ko ng sabihin nya iyon.

Ngayon nag-aalala na talaga ako para sa kanya. Para kay Sonata. Nagawa nya kayang bawiin ang kapatid ko?

"Mukhang gusto mo rin namang malaman ang nangyari dahil hindi ka rin makakatulog tama ba?" noon ako tumingin sa kanya.

"Okay. Nakarating ako sa bahay nyo dahil nag-alala kami ng kadate ko. Hindi sya sumipot sa dating place namin kaya hinanap ko sya at nakita ko syang sinusundan kayo sa itaas ng mga bubong."

"Teka? Itaas ng bubong? Bakit sya naroon? Paano?" takang tanong ko na ikinatawa nya sandali.

"Tingin mo ba talaga matino ako Sas---Kuro Kasai? Ang kadate ko ay isa rin sa atin at matagal ko na syang nililigawan. Bonus part na lang yung pareho kaming lalaki." Hindi ko napigilang magulat at mamula sa huling sinabi nya.

Kung ganoon lalaki ang kadate ni Sir? Pero bakit ganoon na lang sya kung umatake kay Sonata? Imposible namang lalaki din ang kapatid ko? Siguro ay binibiro lang nya ito. oo tama. imposibleng lalaki si Sonata. 

Two Voices One Song [Tear Chronicles]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon