TVOS 09- the Glass Wall

84 8 1
                                    

Kuro Kasai

Tumingin ako sa kalangitan. Myerkules ngayon at binalak kong iwan si Kaze sa bahay. Tinakasan ko sya. Ilang araw na rin ang pagdikit-dikit nya sa akin. Hindi ko malaman kung bakit. Hindi ko maintidihan kung bakit naging ganoon na lamang sya. Hindi na sya yung dating pusang hangin na sinabi sa aking pagtanda namin ay mauungusan nya ako sa paramihan ng chicks.

Hindi na sya yung dating Kaze na isang ngiti nya lang, magagawa na akong gamitin ang lahat ng kapangyarihan ng limiter ko para lang maitago ang mamumuong ngiti rin s amukha ko dahil sa kanya.

Nahiga ako sa paborito kong tambayan. Ito ang ilog na may mahabang kahoy na daungan. Dito ako unang natuto ng fire ball na magmumula sa bibig ko. Tinuruan ako ni papa at noon, hindi pa nauuso ang mga tao na dumadaan malapit dito kaya madali naming nagagamit ang kapangyarihan namin.

Kung pwede lang bumalik sa dati ang lahat. Yung panahong narito pa sina papa at hindi pa ganoon si Kuya Ikutzu. 

"Kuya!" napatingala pa ako kahit na nakahiga ako ng marining ko iyon. "Uhmm.. Anong ginagawa mo dito k-kuya?" napakunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Sonata.

Napansin ko pang medyo kinabahan sya ng ginawa ko iyon.

"May masakit ba sa'yo Sonata? Bakit parang mahiyain ka ngayon saka hindi ka sanay natawagin akong kuya?" tumayo ako para lapitan sya.

"A-Ano bang pinagsasabi mo dyan kuya Kuro? Mahiyain? Namamalikmata ka lang kuya." sabi nito at hinikit ako para maupo sa pinakadulo nitong lumang daungan. "Kuya, noong bata pa ako.. dito ba kayo nagsasanay ni kuya Ita--?" napalunok sya doon at para talang may kakaiba dito kay Sonata.

"Sonata. Kung may period ka ngayon, sina Sakura na lang ang tanungin mo." Biro ko sa kanya pero namula lang sya ng husto. Mukha ring hindi nya nagustuhan ang biro ko pero hindi ako magsosorry sanay na naman sya sa akin eh. Ako nga itong hindi sanay sa kanya. "At tungkol sa tanong mo. Oo. Dito kami nagsasanay ni papa dati. Minsan si Kuya Ikutzu ang kasama ko rito."

"Ikutsu?" parang iyon ang bulong nya pero hinayaan ko na lang.

"Bata ka pa noon kaya siguro hindi mo na sya matandaan. Pero kulang na isang taon lang naman ang tanda ko sa'yo Sonata kaya bakit ganon na lang ang pagtatanong mo?" tiningnan ko sya sa kanyang mga mata.

"A-Ano kasi.." Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya dahil dumating si sir Kakashi.

"Sonata, pinapapunta ka ni Sakura sa bahay nila. Mabuti pang puntahan mo muna bago pa yun magwala." sabi ni sir na kaagad kong ipinagtaka.

"Opo sir." sabi naman ni Sonata at agad na tumakbo palampas dito.

"May problema ba?" kaswal na tanong nito at naupo sa tabi ko.

"Siguro. Ewan." Napatingin sa akin si Sir dahil doon, sandali lang tapos nagbasa ng libro nya. "Sir, hindi ba tayo mageensayo ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Gusto mo ba?" doon ako labis na nagtaka. Noon naman sya pa itong ginagarote ako sa pag-iensayo. 

"Bakit? balak mo nanamang hawakan ang kapatid ko, kahit na alam mong wala kang panama sa lakas nya?" natawa lang doon si sir Kakasi.

"Tama ka nga." sagot nya sa akin. "Sige na. Pag-tuunan mo muli ng pansin yung bagong technique na nadiskubre mo." tumango ako doon tapos tinanggal ko ang mga limiter ko.

Itinutok ko ang daliri ko sa unahan at doon ko inipon ang lahat ng lakas ko. Naramdaman ko muli nag nakakasuka at nakakahilong pakiramdam, tapos nagkaroon ng bilog sa dulo ng daliri ko. Pero hindi katulad ng dati na kulay violet ito; ngayo'y purong itim na ito. Inipon ko pa ang ilang sandali matapos ay aking pinakawalan ang kakaibang lakas.

Two Voices One Song [Tear Chronicles]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon