TVOS 03- The Buenaventuras

243 11 7
                                    

Kuro Kaze's PoV


"Hoy, walang kwentang hangin. Tatayo ka ba dyan o iiwan na kita? Tandaan mong may Klase pa tayo." saway ko sa kanya. Naglalaro pa rin kasi sya noong video games na dala ko. Sobrang boring kasi dito sa kanila kay may dala talaga ako nyan pero hindi ko naman inakalang ngayon lang sya nakakita ng ganyang klase ng laruan kaya ayan, hindi maawat sa paglalaro.


"Ha? Pwede bang umabsent? WHOA!" napailing na lang ako habang nakahawak sa sintido ko. tatanda ako ng madali sa pusang ito. 

"Hindi. Kaya tara na. Tigilan mo na yang pagsabay mo sa kotse sa tuwing kakaliwa at kakanan!" saway ko pa at kinuha ko na ang bag nya. Ang masama lang natawa ako ng lumiyad sya dahil tumalon yung kotse na sa screen.


"Wow! Ang galing nito Kuro tingnan mo! Tingnan mo!" gusto ko pa sanang magtimpi eh kaya lang hindi na kakayanin kahit na sampung limeter pa ang gagamitin ko.

"Ta-Ra-NA!!" hinugot ko ang plug mula sa saksakan at hinikit sya mula sa likurang collar ng suot nyang damit. "Hindi ka man lang ba naiinitan sa suot mo?" tanong ko. Curios lang.


Ngumiti sya. Sheyt. Ngumiti sya!! di ko tuloy napigilang iiwas ang tingin ko sa kanya kaya agad syang nagtaka doon.


"Low blood ako eh. Madali akong ginawin pero hindi naman ako kailangang mapainitan. Alam mo na, basta ganoon. Kung ayaw ko pang mamatay, dapat hindi ako masobrahan sa lamig at hindi rin sobra sa init. Tulad ngayon tag-ulan kaya dapat talaga ganito ang suot ko. Nakasanayan ko na rin dahil sa labas ako lagi natutulog." nakangiti pa rin sya ng sabihin nya iyon. Bahagya ko lang iyong nakikita dahil hindi ko sya matingnan ng harapan. "Huh? Bakit hindi ka nagsalita?" tanong ulit nya at nagpunta pa sa harapan ko.


At dahil nga ang ngiti nya ang nasa isipan ko, agad akong nagulat at napatalon patalikod. "Subukan mong may gawin, hindi ka na sisikatan ng araw." Nagpout sya. Ang cute. 

Ano ba itong sinasabi ko? Anong cute? Sya kyut? Sabagay, pusa naman sya kaya siguro cute sya. 


"Ang sama mo talaga!" inis nya akong binelatan at naunang maglakad papunta sa school. Nasa entrance na kami ng magtanong sya. "Bakit nga ba nagpunta ka ng bahay?"


Hindi ko iyon sinagot hanggang sa makaupo na kami sa sarili naming upuan kung saan kami ang magkatabi. Narito na kami sa classroom. Wala na talaga akong balak sagutin iyon pero nagtanong ulit sya. "Ano nga?!!" Niyugyug pa nya ako sa braso at dahil naiinis na ako, sinagot ko na sya.


"Trabaho, galing sa Mayor. Sa Hokage." simpleng sabi ko.


"Ano? Tss.. Bumalik ka na sa inyo. Hindi kita kailangan!" tinalikuran nya ako. Bwisit. 


"Hindi ako aalis sa tabi mo." parang nagulat sya doon at dahan-dahan syang lumingon na may....


.. nakakabwisit na tingin at ngiti. Sobrang comical, gugustuhin mong sapakin na lang sya hanggang sa walang matira sa mukha nya. Pang-asar din ito kahit na nakukyutan ako sa kanya, may pagkakataon pa ring nakakabwisit sya!


"Ayaw mong umalis sa tabi ko? Sabihi mo nga Kuro~~.." napatingin ang lahat sa amin lalo pa ng lumapit ito sa akin naganoon pa rin ang tingin at ngiti. Hindi ko naman maialis sa ganoong sitwasyon ang sarili ko. Lalo pa't nangaakit ang mgalabing iyon. Pinkish na labi na parang sobrang lambot gugustuhin mong hawakan gamit ang hinlalaki mo. 

Two Voices One Song [Tear Chronicles]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon