TVOS 07- Father knows Best

108 9 2
                                    

Kuro Kasai


Tumikhim si sir Iruka at inayos ang mga dala nya. Naroon sya sa unahan at pinadaanan nya ng mata ang lahat ng estudyante. 

"Ngayon." Napangiti pa ako ng maupo ako sa tabi ni Kaze. Kita ko kasing namumula pa rin sya sa ginawa ko. 

Secret muna kung anong nasa isip ko kung bakit ko ginawa yun pero may clue naman. Four letters, one word nagsisimula sa N nagtatapos sa I. Tama. Si Neji. Ginawa ko iyon para kay Kaze. May gusto sya kay Neji at nalaman ko kaninang umaga sa tulong ng magaling kong kapatid na tinakasan ang pagpunta sa ibang bayan para din sa parehong dahilan ang magpropose si Neji kay Kaze. Pero tanga lang talaga itong si Neji dahil kahit na may nararamdan sya para kay Kaze ay nagawa pa nya itong pag-isipan ng masama.


Siguradong papagalitan ako ni Sonata nito mamaya pero bahala na. Ayaw ko namang nakikitang nasasaktan itong si Kaze lalo pa ngayong wala ang mga magulang nya. 


"Mayroon akong mga balita. Nasa Inyo kung matutuwa kayo o hindi." tumingin sya sa gawi namin ni Kaze at napaayos naman kami ng upo. "Hmm.. Una, mayroon tayong gagawing play patungkol sa isang action film. Ninja ang theme at manunuod ang Hokage sa atin. Sa kasamaang palad kahit action ang theme kailangan ng romace at dahil nga may couple tayo dito sila ang main atraction ng romance na iyon." Lahat ng babae ay umapila dahil sa akin at ang mga kalalakihan naman ay nainis dahil bakit daw magiging gay themed ang film. "SETTLE DOWN!"sigaw ni Sir tapos may biglang pumasok.

"Sya na ang bahala sa inyo. Lagot kayo." pananakot pa nya sa amin at lahat naman ay napalunok at tumahimik ng pumasok si sir Kakashi at tumabi kay sir Iruka.


"Gay themed nga ang film. Ito ay dahil sa request ng Kazekage sa kabilang bayan. Sa ating main theater ang labas nito at kailangan ang lahat ng partisipasyon ng klase. Ang Kazekage ay bata pa at gay. Kaya kung may reklamo kayo bukas ang opisina ng Kazekage at dapat bukas din ang isip nyo sa digmaan dahil sa mga reklamong ibibigay nyo." lahat kami ay nagkatinginan.

"Hindi ba't sobra naman po ata yan para sa aming mga bata? Sampu pa lang kami sir at wala kaming magaling na script at director para sa ganitong uri ng pakikipaglaban. Dagdagan nyo pa ng bata pa lang kami kaya posibleng may stage fright kaming lahat." si Shikamaru iyon. Sya ang pinakamatalino sa amin.

Siya lagi ang top one kaya nagkakaroon sya ng extra time para maglaro sa mga kaibigan nya dito.

"Matalino ka naman at magaling sa estratihiya. Bakit hindi ikaw ang magdirect?" Parang nainis doon si Shikamaru. Alam nya ang kakayahan nya kaya alam nya ring hindi nya kaya. "Dahil ikaw ang unang sumalungat sa akin, ikaw ang stage manager. Ikaw ang magmomonitor. Kapag nagkamali ka at ang team mo, magkakaroon ng gyera. Sa'yo nakasalalay ang lahat kaya umaasa kami sa'yo. Kasunod. Meroon ng kwento at director. Pagsisikap nyo lang ang kulang. Tandaan nyong para ito sa kaligtasan ng buong bayan." doon na natigil si Sir Kakashi at humakbang patalikod.


Tumikhim si sir Iruka dahil halata namang natatawa sya kanina pa. "Ngayon para sa pangalwang balita, sila... ang director at manunulat. Dalawang araw na ang nakakaraan pinatawag sila ng Hokage para sa pangyayaring ito. Ginugol nila ang araw na iyon para pagbutihin ang script at mangalap ng crew at sa matuwa kayo o hindi, heto na sila."


Pumasok ang dalawang tao at humarap sa aming lahat. Ang babae ay kumaway pa at ang lalaki naman ay kumindat. Lahat kami ay hindi nagsalita maliban kay Kaze.

"ANONG GINAGAWA NYO DITO?!!!" sigaw nya sa dalawang tao sa unahan. Ang mama at papa nya.



Two Voices One Song [Tear Chronicles]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon