TVOS 08- Ang Dula

110 7 6
                                    

PLEASE!!! PAKIPANUOD NUNG VIDEO!!!

Mangyayari yan sa Play. :D

Tatlong bwan. Iyan ang ginugulo namin sa play na ito. Lahat ay nagkagulo pati na si Shikamaru ay halos mabaliw sa play na ito.

Maasahan naman ang lahat, huwag lang sina mama at papa. Bakit? Dahil balik bisyo nanaman sila. Ang pag-inom.

Oo, isang bayaran si mama at manginginom si papa pero sa kabila ng lahat, pervert si papa at lasenggera din naman si mama. Ganyan ang pamilya namin, nagtataka na nga ako kung bakit hindi ako katulad nila. Siguro dahil bakla ako o talagang ayaw ko lang gumaya sa kanila.

"Oi pusa. Hali ka nga dito? Ano bang klaseng artista ka ha? Tinginan mo nga yang suot mo? Mamaya pa yan sa huli eh." Agad nyang inilihis ang ulo nya para tawagin si Ino. "Ino, paki-ayusan na ito oh. Malapit na tayong magsimula ang sabi paparating na daw ang mga mayor." sigaw pa muli ni Shikamaru at nagmamadali namang tinapos ni Ino ang make-up ni Sakura tapos lumapit na sa akin.

Inayusan na nya ako tapos isinuot ko yung bagong isusuot. Tatlo kasi yung isusuot ko at dapat pala itong armor muna.

"Oh ready na ha!" sigaw naman ni Shino habang hawak yung script. At nasa audio visuals sya. Sya ang bahala sa lights, sounds at mics namin.

Ang kulit kasi nina sir Kakashi eh. Kailangan daw may ganyan dahil matutuwa lalo ang mga manunuod. At tama. Marami ang mga manunuod. Ito na yung tatlong linggo naming pinagpraktisan sa harap ng mga tao. Nagawa kasi naming ipahiya ang mga sarili namin sa harapan nila dahil sa galit sa amin ni sir Iruka.

Nawala nga yung stage fright naming lahat pero nawala na rin kami ng kahihiyan.

Huminga ako ng malalim. Ito na kasi yun. Ito na ang pagkakataong hinihintay ng lahat. At ang mga galit na kababaihan sa akin ay nagalit pang lalo dahil may kissing scene kami dito. Oh mahiwagang bangga, tulungan mo sana akong hindi na mapahiya.

"Sa tagal ng paghihintay natuloy din ang pinakahihintay. Para po ito sa inyo mahal na Kazekage. Ang lahat po ng ito'y alay sa inyo ng aming pinakamamahal na mayor." 

Doon na nga nagsimula.

Sa isang bayan na puno ng mga kaguluhan, ang mga ninja ang nagiging kanilang sandata. Isang may-ari ng lupa ang nakipaglaban sa mga ninjang ito dahil hindi lang sya ordinaryong tao. Mayroon syang kapangyarihan at kaya nyang pabagsakin ang sino man.

"Ikaw. Ikaw ang taong hinahanap namin." sigaw ng ninjang si Choji kaya napalingon ang may-ari ng lupa sa gawi nya matapos nitong pabagsakin ang isa sa mga kalaban. Malaki ang pangangatawan nya kaya napalingon kaagad ang may ari ng lupa para harapin sya.

Papatamaan na nya ng malakas na hangin ang kalaban subalit biglang may mga aninong kumapit sa mga paa nya na naging dahilan ng hindi nya pag-galaw. Pilit nyang nilingon ang aking likod nya kahit sya ay nalilito pa sa nangyayari at doon nya nga nakita ang ninjang si Shikamaru. Nakangisi sya at kitang-kita sa mukha nya na may balak syang gawing masama sa kanya. Si Shikamaru ay kilalang ninya na kayang komontrol ng anino. At isa sya sa kinatatakutang makalaban ng lahat kahit na ang may-ari ng lupa.

"Mukhang maganda itong nahuli natin ah, choji." matawa-tawang sabi nito.

"Sya ang kailangan natin. Sa ipinakita nya kanina, sigurado akong sya ang may-ari ng lupa." Kinabahan na sa narinig ang may ari ng lupa. Pinilit nyang gumalaw pero wala syang magawa laban sa lakas ni Shikamaru.

Ipinikit nya ang kanyang mga mata at tumawag ng hangin.

Ipinikit ko ang aking mga mata at doon ko inisip ang hangin. Hanggin. Hanggin. Hanggin. At doon na nga kumawala ang aking lakas dahilan para mahinto sa paggalaw sina Choji at Shikamaru.

Two Voices One Song [Tear Chronicles]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon