TVOS 11- Patay-Malisya

93 8 3
                                    

Kuro Kasai


Pareho naming hindi maintindihan ni Naruto ang nangyayari. Minsan sinusubukan naming kumanta pero walang nangyayari. Walang Neko Kaze na nakatingin sa kabilang parte ng glass wall. Walang Sasuke na kamukha ko ang nakatingin din ng may halong pananabik at malisya kay Naruto.

Wala kaming nagawang dalawa kundi sabihin kina sir Iruka at sir Kakashi ang mga nangyayari at tulad ng dati, katulad ng nasa bayan ko pa ako, nakatanggap lang kami ng sermon. Sermon dahil bakit daw hindi namin sinabi kaagad. Kung sinabi daw namin, baka agad na akong nakabalik sa bayan ko at si Sasuke sa mundong ito.

Wala na lang tuloy kaming sinabi matapos kaming pagalitan. Pinagbilinan na lang kami noong dalawa na kapag mangyayari ulit ang ganoon ay agad silang tawagan. Mabilis ang tulad nilang mga ninja kaya naman mahahanap daw nila kaagad kami kapag nagkaroon ng pangyayari katulad ng kagabi. 


Sa nakikita ko ngayon ang level 13 sa amin ay mga Akatsuki sa kanila. Hindi ko alam kung paano mangyayari iyon dahil ang kuya Ikutzu ko sa mundong ito ay myembro ng Akatsuki; samantalang ang kuya ko sa aking mundo ay ang taong dinala sa level 13. Iisa lang ang papakapareho.

Pula ang kanilang mga mata at napagbibintangan na pumatay sa aming mga magulang. Sabi naman sa akin ni Naruto, pinatay daw talaga ni Itachi ang buong angkan ng Uchiha na kinabibilangan ng kanyang Sasuke. Dahilan para umalis ito noon ng Konoha at maging isang teribleng pangyayari iyon sa buhay nila.

Sinunog ko na lang sa utak ko ang pngyayaring iyon at kinalimutan. Kahit na sabihin nilang totoo iyon, hindi ko pa rin maisip na magagawa iyon ng sarili kong kuya Ikutsu. Mahal na mahal nya ang pamilya namin, ang aking ama't-ina. Kami ni Sonata. Kahit na siguro kami ang dahilan ng pagmatay ng sarili naming mga magulang, kahit na kami ang pinagbubuntunan nya ng galit nya ngayon... siguro naman hindi nawawala ang nakaraan kung saan mahal nya kami bilang mga nakababatang kapatid nya.


"Kuro, kain tayong ramen. Hih." Malapad ang ngiti ni Naruto ng sabihin nya iyon sa akin.

"May klase pa tayo. Bilisan mo na dyan." saway ko lang at nauna ng bumaba sa kanya sa hagdanan ng bahay nya. Hindi naman ako marunong tumalon sa mga building na yan.

Kung makikita ako ng lahat na tumalon sa mga bubong ng bahay, suguradong nagpapakamatay na ako noon.

"Tss.. Mabuti pa si Sasuke sumasama sa akin." Inis nyang parinig habang tumatalon nanaman sa mga bubung.


"Ows? Talaga? Sa nakita ko sa kanya kagabi sya yung tipo ng tao na hindi magka-cutting ng dahil lang sa ramen."


"Oo kaya. Sya ang katandem ko sa mga kalokohan." pagmamayabang pa nya.

"Huwag kang maniwala dyan. Di yan pinapansin ni Sasuke sa school o kahit saang lugar." sabi naman ni Sakura na katatabi lang sa akin habang naglalakad ako. Ikinagulat ko iyon sandali pero isa yata iyon sa mga tecnique ng mga ninja. Hindi na ata talaga ako masasanay sa mga gawain nila dito


"Hoy Sakura. Ano ka?"


"Babae. Tanga! Bleee.." pang-aasar ni Sakura at nauna ng lumakad sa amin.


"Tss.. Kung hindi ko lang sya crush nasampal ko na sya." Bahagya akong natawa doon kaya nagtaka sya. "Bakit ka tumatawa?"


"Pftt.. Ano lang kasi, sabi mo sasampalin mo sya. Kung si Kaze siguro nagsabi non baka ang salitang binanggit nya ay sasabunutan at hindi sasampalin." natatawa talaga ako dahil magkamukha nga sila pero iba ang mga lumalabas sa bibig nila.

Two Voices One Song [Tear Chronicles]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon