Two Voices One Song

495 21 9
                                    

Napangiti ako habang nakikita syang naglalaro sa tabing ilog. Palagi ko syang pinagmamasdan ng ganyan. Araw-araw kapag uwian. Palihim ko syang sinusundan hanggang sa magpunta sya sa may lagi kong tinatambayan noong nabubuhay pa ang aking mga magulang. Hindi pa sya tumatambay dyan dati pero nitong nakaraan sya na lang ang nakikita ko sa dati kong tambayan.


Sya si Neko Kaze Santillan. Isang pusang hangin. Biro lang. Pero iyon ang palaging biro sa kanya. Hindi ko namang sya pinapansin hanggang sa makita ko na nga lang sya dito sa aking tambayan. Nakakapanibago na ang walang alam na ito ay masayang naglalaro sa tabing ilog na tambayan ko.


Gusto ko syang lapitan at sabihing, "Hoy, ako ang may-ari ng lugar na ito. Umalis ka na." pero hindi ko magawa dahil wala naman talaga akong paki-alam dapat sa kanya. Naiinip na akong intayin syang umalis doon kaya inalis ko ang ngiti ko at lumapit papunta sa palagi kong pwesto.

Kita ko sa gilid ng mata ko na natigil sya sa paglalaro nya ng dumating ako pero hindi ko sya pinansin sa halip ay nakapamulsa akong naglakad hanggang sa maupo ako sa tabi ng ilog.


"Kuro. Halika laro tayo. hihihi. ang sarap ng tubig dito oh." pagyaya nya sa akin pero hindi ko sya pinansin. "Ang daya mo naman. Sa lahat ng kaklase natin ikaw lang ang hindi nakikipaglaro sa akin." parang nagtatampo sya ng sabihin nya iyon.


Ako lang ang hindi nakikipaglaro sa kanya? Lahat naman ng tao umiiwas sa kanya. Palihim nga lang kung makipaglaro sa kanya ang ibang kaklase namin at nakikipaglaro lang sila dahil may gusto silang makuha mula sa'yo. At ikaw si tanga hindi mo man lang napansin. 


Gusto kong sabihin ang lahat ng iyan sa kanya pero hindi ko rin ginawa. Bakit? Ano ba nya ako? wala naman diba? Hindi nya ako katulad na lasinggero ang ama at babaeng bayaran ang ina. Oo nga't patay na ang mga magulang ko at wala akong kasama kundi ang nakababatang kapatid ko pero hindi nya ako katulad na walang pakinabang sa mundo.


"Sige na naman Kuro Kasai. Wala namang ibang makakakita oh. Saka minsan lang ako humingi ng pabor oh." Aba, talagang binuo pa ang pangalan ko na parang matalik kaming magkaibigan ah.


Hindi na lang kita papansinin. Akala mo ha.


"Ang sama mo. Hindi mo ako pinapansin! Eto'ng sa'yo! Ummpf!"

"Tanga ka ba?!! Bakit mo ako binasa! Alam mo ba kung gaano katagal magpatuyo ng damit ngayon?!!" sigaw ko sa kanya habang tinitingnan ko ang sarili ko na basang-basa ng tubig.

"Ah.. Ano.. gusto ko lang namang makipaglaro eh.." Kita ko ang takot sa mukha nya siguro dahil sa galit na expression ng mukha ko. "Hmmpff Ang sama mo. Dyan ka na nga. Akala mo naman gusto talaga kitang kalaruin. Naaawa lang ako sa'yo dahil wala ka ng mga magulang! Bleeee" natigilan ako sinabi nyang iyon.


Totoo ngang wala na akong mga magulang at nalulungkot ako hanggang ngayon pero ang makita syang naglalaro mag-isa kanina ang nagpapasaya sa akin dahil hindi lamang ako ang nag-iisa sa mundong ito. Tulad ko nag-iisa din sya oo nga't may kapatid ako at may mga magulang sya pero sa huli, miserable kaming pareho. Pero mas mababa ang tingin ng lahat sa kanya maging ang kanyang ama't-ina dahil bakla sya.

Napatingin pa sya sa akin matapos nya akong belatan at sa itsura nya para syang nakonsyensya o naawa pero wala syang dapat ika-awa dahil sya ang mas kaawa-awa.

Two Voices One Song [Tear Chronicles]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon