TVOS 04- Asahan mo ako

196 10 5
                                    

Neko Kaze's PoV


Tumingin kami sa unahan at hindi ko ubos maisip na sya ang makakalaban namin. Kung pupwedeng umiwas ay maari pa. Pero ang babaeng iyon ay nasa panganib. In-aninag ko kung sino pa ang naroon. Naririnig ko ang bawat paghinga at nagkamali ako ng sabihin kong isang tao lang ang naroon.


Nagkamali ako may isa pang tao dito. Kung sino man sya maaaring kalaban din sya.


"Humanda ka Kuro, mauuna ako manood ka lang dyan." sabi ko sa kanya pero parang may kakaiba sa paghinga nya kaya ng tingnan ko sya ay doon ko napatotohanan ang hinuha ko.


Wala na ang dating Kuro. Nilamon na sya ng takot at agad niyang sinugod ang lalaking may pulang mga mata. Isang suntok na sumapol sa kaliwang panga ng lalaki. Masasabi kong malakas ang suntok na iyon pero hindi parin noon napatumba ang sinasabi ni Kuro na kuya nya.

Nagulat si Kuro sa nagawa nya. Napabaling kasi sa kanan ang mukha ng kuya nya. Ilang segundo din itong hindi tumingin sa kanya hanggang sa gumalaw ito at mapaupo si Kuro sa semento sa labis na takot. Ako din naman ay napaatras dahil sa nangyari. Alam kong 13th din sya tulad namin pero iba ang level nya. Parang act lang ang lahat ng ito. Parang may kakaiba dahil madali syang nasuntok ng ganoon ni Kuro.


"K-Kuya KURO!!!!" sigaw noong Sonata at doon ko lang naaninag ang mukha ng lalaking kasama nya sa likuran nito. "AHHHHHHH!!!!" matinis ang sigaw na iyon na nagpabalik sa katinuan ni Kuro pero huli na dahil natangay na ng lalaking mahal ko ang babaeng iyon.


Oo si Neji ang isa pang taong iyon.


"SONATA!!!!" sigaw din ni Kuro at muling napabalik sa pwesto nya ng humarang ang kuya nya. "Umalis ka dyan Kuya!" sigaw ni Kuro pero wala pa ring imik ang lalaki. "UMALIS KA!!" sigaw ulit nya at nanlaki ang mata ng kaharap nya.


Hindi maari! May mangyayari!!


Agad akong tumalon pataas ng hawak ko sa bewang si Kuro. Nailipad ko sya sa itaas at ilang sandali lang na naroon kami ay nakita namin ang pagiging itim ng pwesto kung nasaan sya kanina. Kung natamaan sya ng kapangyarihang iyon baka may pinaglalamayan na kami bukas.


"Ang kakayahan nya ay kakaiba. Kaya nyang wasakin ang ano mang matitigan ng kanyang mga pulang mata tama ba? Ganoon kasi ang tingin ko. Maiba ako bakit ganyan ang pamilya nyo Kuro?" takang tanong ko pero hindi nya ako sinagot ng ilang sigundo. Sasagutin na sana nya ang tanong ko ng maisipan kong ibaba muna kami.

Ibababa ko na sana kami sa ligtas na lugar pero nakita ko kung paano tumaas ang lalaking iyon kaya agad na lang akong umiwas habang nasa ere matapos ay inilapag ko kami sa lupa at hinawakan ang kamay ni Kuro habang medyo inilayo sya doon. Bumababa muli ang lalaki at hinarap kami, ako.


"Tama na muna ang chikahan natin Kuro. Dyan ka lang poprotektahan kita." matapang kong sinabi kahit alam kong wala akong panalo dito.

"Huwag mo akong pangunahan, ako ang lalaban sa kanya. Kapatid ko sya at itinakda na ito." Nais kong sumalungat doon subalit laking gulat ko na lang ng nakatali na pala ako sa isang puno.

"Kuro! Pakawalan mo ako dito hindi pupwedeng ikaw lang mag-isa! Mas malakas sya sa atin kapag nakipag-one on one lang tayo!" babala ko pero hindi sya nakinig. Nagpupumiglas ako sa mga wire cord na ito pero nasisira lang nito ang damit ko at kapag nagpumilit pa ako'y balat ko na ang mapupunit nito.

Two Voices One Song [Tear Chronicles]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon