TVOS 12- Kapag Kasama Ka!

114 6 4
                                    

"Kaze?" takot at pagtataka. Iyan ang rumihistro sa mukha ko.


Imposibleng sya si Kuro. Kanina lang sya si Sasuke at... at.. ang ginawa nya sa akin ay walang kapatawaran!


"HUWAG!!!! Ayoko na. Sasuke paki-usap gawin mo na lahat ang gusto mo huwag mo lang gayahin pa si Kuro. Paki-usap!" sigaw ko habang nakahiga dito sa sahig puno ng galos at tinatakpan ang mga mata kong patuloy lumuluha. 


Naramdaman ko ang paghawak nya sa magkabilang balikat ko kaya napapikit na ako habang umiiyak. "Tama na paki-usap." hiling ko pero iba ang ginawa nya.


Inalis nya ang mga braso ko sa mukha ko at hinawakan iyon sa itaas ng ulo ko. 


Sabi ko na nga ba sya pa rin si Sasuke. Gagawin nya ulit. Gagawin nya ulit!! HINDI PWEDE!!


 Pinikit ko ng mahigpit ang aking mga mata ayaw kong makita ayaw ko ng maramdaman pero patuloy ang sakit kasabay ng aking mga luha.


"Shhh.. tahan na Kaze nandito na ako." pinunasan nya ang mga luha ng aking mga mata pero hindi ko pa rin magawang maniwala. Hanggang sa.. "Tadaima.(I'm home)" ...sabihin nya iyon.


Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ang parehong ngiti noon. Ang ngiting lagi kong hinahanap kaya puro ngiti ako hanggang sa makita ko rin syang ngumiti kahit kaunti lang.

Sya nga ang Kuro ko.


"KURO!!" sigaw ko at agad ko syang hinalikan sa labi.


Halos mapahiga sya ng gawin ko iyon. Napapikit na rin sya kaya ipinagpatuloy ko lang. Sya nga. Sya nga ang aking Kuro ang Kuro na submissive. Ang natatangi kong Kuro. Ang saya. Ang saya-saya na narito na sya sa tabi ko. Hawak ko ang magkabila nyang pisngi habang patuloy ko syang hinahalikan. Nakatuon naman ang mga kamay nya sa likuran para hindi kami tuluyang matumba. Tumagal ang halikan namin ng ilang minuto at ako na ang umalis sa sandaling iyon.


Di mapakaling katahimikan at hindi kami magkatinginan. Yan ang napaibabaw sa amin sandali hanggang sa hawakan nya ang ulo ko.


"Ayos ka lang ba?" rinig ko ang pag-aalala nya kaya napatingin ako sa kanya pero hindi sa mukha ko sya nakatingin kundi sa aking leeg na may bahid pa ng kataksilan kanina lang.


"Kuro." kunot noo kong sabi at lumayo ako habang hawak ko ang aking sariling damit.


Muli akong naiiyak. Ngayong bumalik sya anong mukha ang maihaharap ko sa kanya? Anong pwede kong sabihin sa nangyari?


"Huwag kang tatakbo Kaze. Hindi kita sasaktan. Ginawa ba nya ang iniisip kong ginawa nya? Alam mong hindi na tayo mga bata Kaze kaya.." napaluhod ako habang sinasabi nya iyon.


Ang sakit na naiintindihan nya ang nangyari at dahil dito hindi ko na masasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi ko na maiipadama ang pagmamahal ko dahil hindi na ako puro. Hindi na ako ang dati nyang Kaze dahil sa ginawa ni Saske.

Two Voices One Song [Tear Chronicles]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon