TVOS 05- Panaginip at Pangako (part 2)

149 8 0
                                    

Neko Kaze Santillian


"Ano? Pero paanong nasaktan sya ng ganoon sir? Saka bakit ko iyon nagawa?" tanong ko kay Sir Iruka. Narito ako sa ospital at umaga na. Five am na akong nagising at si sir lang ang nakasama ko dito. Ipinaliwanag nya sa akin ang nangyari kay Kuro Kasai at nalungkot talaga ako, kinabahan at nasaktan sa mga narinig ko.

"Sa sinabi mo kanina at kung paano mo ginawa sa akin ito.." binugbog ko kasi si sir noong nagising ako kaya may mga pasa rin sya. Malalagot daw ako sa boyfriend nya kapag nakita nya ako. Pero hindi pa naman nya sinasagot kaya paanong naging boyfriend nya diba? ".. hindi mo na maikakaila sa aking may nararamdan ka na para sa kanya. Hindi na yan inggit o simpleng kyuryosidad. Gusto mo na sya Neko. Gustong-gusto." binibiro ata ako nito eh.

Sapakain ko pa kaya ng isa? 

"Naku sir kung hindi lang kita mahal bilang guardian ko sa pagiging 13th hindi kita ipapakita ng buo sa kasintahan kuno mo eh."


"ABA! Mas matanda pa rin ako sa'yo ha!" saway nya kaya binigyan ko sya ng malapad na ngiti. "Tsss.. tuwa ka talagang ginagalit ako."

"Naglalambing lang naman sir. Haha." biro ko pa.

"Tayo. Pupuntahan natin yung soon to be boyfriend mo." panunukso nya agad kong binawian ng sarili kong version.

"Sus, gusto mo lang makalampungan si sir Kakashi. Sabihin mo nga, sya ba yung nanliligaw sa'yo ha!" matawa-tawa kong sabi kaya napingot ako ng wala sa tyming. Walanjo.

"Tara na. Kulit mo."

Nasa may pintuan na kami ng may maalala ako.

"AYAW KO SIR!! GALIT SYA SA AKIN!" sigaw ko habang kumakawala sa pagkuha ng braso ko sa malalaki nyang kamay.

"Bakit naman sya magagalit sa'yo!?" sigaw naman ni sir Iruka sa akin habang hinihikit pa rin ako.

Pilit ko pa ring hinihikit ang sarili ko kahit na marami na ang mga nakatingin sa amin sa paligid.

"HINDI KO NATUPAD ANG PANGAKO KO!! GALIT SYA SA AKIN!!!!" sigaw ko naman tapos nagsalita na ang tao sa loob at binuksan ang pinto.

"Ang dami nyong arte. Pasok na." si sir Kakashi ang bumulaga sa akin. So totoo nga talaga yung kwento ni sir Iruka na si sir Kakashi ang nagdala dito kay Kuro? Wow.


Kilala ko kasi si sir bilang nakakatakot na tao dahil nakamaskara sya at iisang mata lang ang gamit nya. Nakakatakot talaga. Di ko na namalayang naitulak na ako papasok at ng makuha ko ang balanse ko nakita ko si Kuro. Nakatingin sa akin.


"Ano pa bang aasahan nyo sa ingay nyo? Ang ma-hele pa ako?"  medyo nahiya ako. Guilty as charge eh.

"Gommenasai." tangin sabi ko at iniyuko ko ang ulo ko bilang paggalang.

"Daijobu desu." napatingin ako sa kanya. Kung ganoon marunong din sya ng lengwaheng ito. Tingin ko hindi nga nagkamali si sir Iruka sa hinala nya. May nararamdaman nga ako para kay Kuro.


Dahan-dahan akong lumapit at naupo sa stall doon at hinawakan nya ang ulo ko. Pakiramdam ko'y nakuryente ako doon. Matagal nya akong tinitigan hanggang dumating ang mga medics at sinabing pupwede na kaming umuwi. Nagtalo pa ang dalawang guro kung saan kami tutuloy pero sinabi kong sa bahay na lang dahil alam kong masakit para kay Kuro na nasa bahay nya sya at wala si Sonata.

At least kung nasa amin sya, hindi nya mararamdaman ang pagkawala ni Sonata. Nakaramdam ako ng lungkot lalo pa't ako ang dahilan ng mga sugat na iyon. Walang paliwanag ko syang tinaggalan ng damit medyo nagulat sya doon kaya dinahan-dahan ko lang. Gusto kong palitan ang mga benda nya pero nagawa kong halikan ang mga iyon. Marami akong nasabi. Umiiyak na ako't ayaw ko ng alalahanin pa ang mga ginawa kong pagkakamali.

Two Voices One Song [Tear Chronicles]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon