CHAPTER Fourteen
The Break ups
TASK number one: I love flowers. Figure it out.
That's another thing unique about Miriam. She sometimes talks in riddles. Madali namang ma-figure out ang mga task nito, mapapaisip ka nga lang talaga.
Pero sa ngayon, hindi ang mga task ang dapat inaalala niya kung hindi kung paano malulusutan ang dare nito. Paulit-ulit niyang tinatanong sa sarili kung papayag ba siyang manipulahin nito ang desisyon niya gayung all his life ay walang nakikialam sa mga ginagawa niya. Walang nanay na magdidikta kung ano ang tamang gawin at kung ano ang maling hindi dapat gawin. Maski ang papa niya'y hindi nakikialam sa mga nais nilang gawing magkakapatid.
"May sari-sarili kayong utak at hindi ko sakop ang mga iyon." Minsang sabi nito sa kanila sa hapag habang nag-hahapunan sila.
Importante na nga yata talaga sa kaniya si Miriam, dahil kung hindi ay hindi siya maguguluhan ng ganoon. Do the dare and have a chance with her or just ignore the dare and lose her. His pride is what at stake.
"Chester, may sinumbong sa akin si Kyshee," agad na bungad ng kapatid na si Chelsea ng pumasok sa kwarto.
"Kahit kalian 'di ka marunong kumatok." Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama. Magkahati sila roon ng kuya Cholo niya. Sa kaniya ang kaliwang bahagi ng kwarto at sa kanan naman ito.
"At kahit kalian, wala kang pakialam sa damdamin ng iba." Umupo ito sa tabi niya.
"Ano naming kinalaman niyan sa sumbong ni ate Kyshee sayo?"
"Alam mo naming marami kang extra girlfriends liligawan mo pa ag kaibigan niya." Sumbat nito.
Napaunat siya sa pagkaka-upo. "Binigay niya ang number noong hiningi ko, so, it means okay lang sa kaniyang digahan ko. Para pa ngang kinilig siya sa amin noong isang araw, eh."
"Hindi niya alam na may tatlo ka palang girlfriend as of the moment. Ang alam niya, kasalukuyang wala kaya pumayag siyang mag-date kayo. Akala naman niya pagkatapos niyong mag-date titigilan mo na ang kaibigan niya, na marerealize mo ring hindi bagay si Miriam para sa iyo. And I quite agree. Hindi kayo bagay. Matinong babae si Miriam, hindi tulad ng mga extra mo. Pumapayag maging extra." Napailing pa ito.
"Kasalanan ko bang ma-adik ako sa labi niya? Kasalanan ko bang gusto ko siya nakikita, nakakasama at naakakausap?" he suddenly blurted. Maski siya'y nagulat sa tinuran.
He saw amusement cross his sister's eyes. "Now you're talking. Tao ka na kapatid." Nasisiyahang anito.
Nangunot ang noo niya. "Anong sinasabi mo riyan?"
Tumawa ito ng malakas. "Malalaman mo rin ang ibig kong sabihin kapag natanggap at naamin mo na sa sarili mo iyang nadarama mo." Tinapik nito ang balikat niya't lumabas ng silid. May nakalimutan pa pala itong sabihin kaya muling dumungaw sa pintuan. "For the meantime, sundin mo muna ang dare ni Miriam. Believe me; it'll be all worth it afterwards."
Napanganga siya sa kinauupuan. Parang alam na niya ang ibig nitong sabihin. Tama nga ito, hindi matanggap.
NANG araw na iyon ay may date sila ni Fatima. Inadya na rin siguro ng pagkakataon na si Fatima ang naka-schedule para sa araw na iyon.
Nagdadalawang isip pa rin siyang gaawin ang dare. Labag sa prinsipyo niyang madiktahan. Isa pa, nakikipagkalas lang siya sa mga nagiging nobya oras na magsawa na siya sa company ng mga ito. Iyon pa ang isang hadlang... hindi pa siya nasasawa sa tatlo.
BINABASA MO ANG
It doesn't Matter
RomanceSabi nila, age doesn't matter daw... pero paano kung hindi lang basta masyadong bata ang lalaking nangungulit sayo kundi isa ring playboy? Masasabi mo pa rin kayang, "It doesn't Matter"?