Chapter Five

78 2 2
                                    

CHAPTER FIVE

Is it a Date?

“SAAN kayo nanggaling ni Chester kagabi?” tanong kaagad ni Kyshee pagmulat palamang ng kaniyang mata. Pungas-pungas na umupo siya sa tabi nito. “What do you mean?” she asked, still sleepy.

            “Kagabi kasi bigla nalang kayong nawalang dalawa. Sabi tuloy ni Happy nag-date kayo.” Mapanukso ang ngitig sumilay sa mga labi nito.

            Nang makabalik sila sa bahay ni Chester ay may kani-kaniyang pwesto na ang mga kainuman nila sa sala habang himbing na natutulog. Noon lamang niya natantong matagal-tagal na rin pala silang nawala ng lalaki.

            “Miriam,” naramdaman niyang hinawakan nito ang kaniyang siko. Shock na nilingon niya ito. ‘He… he called me Miriam?’ Nawala na ang magalang na ‘ate’ karugtong ng kaniyang pangalan sa tuwing bibigkasin nito. “Sorry!” he murmured, not looking at her.

            “Let’s just forget that ever happened, okay?” mahinahong aniya bagaman tila parang yanig pa rin ang kaniyang diwa sa ginawa nitong kapangahasan na hindi niya rin lubos maisip kung bakit pinatulan.

            “Hindi mo ba itatanong kung bakit ko ginawa iyon?”

            Diretso niya itong tinitigan sa mga mata, “Bakit nga ba?”

            “I think I like you,” nakangiting anito. ‘Whoah!’

            “Think? Hah! That’s absurd, Chester. You don’t know me well. So, for like the hundredth time, forget what freaking happened out there!” mariin subalit mahinang aniya. “Matutulog na ako, good night!” tinalikuran na niya ito’t tumungo sa kwarto ni Kyshee. “Miriam!” muli’y walang galang na tawag nito sa kaniyang pangalan. Huminto siya sa tuluyang pagpasok sa kabubukas na pinto. Subalit, pinigil niya ang sariling lingunin ito. “What?” angil niya.

            “Good morning na!” nahimigan niya ang pigil na tawa sa boses nito. Nasapo niya ang ulo. “Whatever!” tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kwarto upang maipahinga na ang natotoreteng isip.

            Ngunit, paghiga niya’y hindi pa rin siya agad na dinalaw ng antok. Naging maramot ang kapayapaan sa kaniya. Mukhang naragdagan pa ang problemang magpapasakit sa kaniyang ulo.

            “Mars?” untag ni Kyshee sa naglalakbay niyang diwa. Noon lamang niya natantong lumilipad na sa kung saan ang kaniyang isip.

            “Hah?”

            “You’re kind of spacing.”

            “O, sorry! Ako nga ulit ‘yung sinasabi mo about Chester and I?”

            “Hmmm… is there something I need to know?”

            Pailalim niya itong tinitigan. She sighed, “Naglakad-lakad lang kami para mahulasan. That’s all!” she chose to lie. It embarrassed her.

            “Iyon lang?” disappointed na tanong nito.

            “And why do you sound like that?”

            Maikli itong natawa, “Wala naman.”

            She didn’t retort anymore to end the conversation. She knows there are more questions up her sleeves.

NANANGHALIAN sila ng walang anu-ano’y nag-vibrate ang android phone sa bulsa ng bulaklaking high waist short na suot. ‘Hi ate, busy ka ba later?’

It doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon