CHAPTER TEN
Sorry na, pwede ba?
PALIHIM siyang siniko ni Kyshee. Simula ng umumpok sila ni Chester sa pwesto ng mga pinsan nito sa canteen ay hindi na sila nagkikibuang dalawa. Lalo siyang napipilan ng akmang uupo siya sa tabi ni Angel ay agad siyang hinila ni Chester paupo sa kabilang mahabang upuan kung saan napagitnaan siya nito at ni Kyshee. Magkatabi nga sila subalit hindi sila nag-uusap. Tanging boses lang ng mga pinsan nito ang naririnig niya habang ini-enjoy ang meryendang libre umano ni Chester.
“Nag-away ba kayo niyang honey mo?” bulong ni Kyshee sa kaniya. Taas-kilay na napatingin siya rito.
“Honey?” patanong na anas niya.
“E, honey ang tawag niya sa iyo noong hinanap ka sa akin kanina,” kibit-balikat na paliwanag ng kaibigan. Kaya naman pala ito nawala sa tapat ng Siomai stall ay dahil hinila ng isa pang pinsan na naroon din sa school fair papunta sa canteen ng mamataan. Sa pagaakalang nakasunod siya sa mga ito’y nagpahinuhod ito. Only to find out she is missing when Chester immediately looked for her when he saw his cousin. Kaagad nga raw siyang hinanap ng lalaki sa quadrangle.
“So, nag-away nga kayo?” muling mahinang untag nito sa kaniyang pananahimik.
Napaungol siya nang muling maalala ang nakakahiyang eksena nila kanina. Hindi na siya nakapagsalita matapos nitong sabihin sa kaniyang nagseselos ito kay Angel. Of all the people, sa kaibigan pa nito. He’s acting so immature. Subalit, mas kinukwestiyon niya ang katinuan ng isip niya dahil ayaw man niya’y kinilig naman ang hudyo niyang puso, gayung hindi naman dapat.
Unang-una, wala naman silang relasyon ni Chester. Pangalawa, kaya nga siya nagtatago kila Kyshee dahil gusto niyang makalimot sa trauma na naranasan ng puso niya mula sa ginawa ni Rafael sa kaniya. Ngayon ay pupulot na naman siya ng batong ipupok-pok sa ulo niya.
“Nagkasagutan lang,” kasabay ng bulong niyang iyon ay may inusog na cheesecake ang pinsan nito sa kaniyang harapan. Hindi niya ito nilingon o nagpasalamat lang. Tutal, treat daw nito iyon sa lahat ng pinsan, girlfriend ng mga pinsan, at kaibigan na pumunta para suportahan ang kanilang banda. Dinampot niya ang iniusog ni Chester na cheesecake sa harapan niya saka isinubo iyon upang magkaroon siya ng dahilan na hindi na sagutin ang mga susunod na tanong ng kaibigan.
“Tungkol naman saan?” nginitian niya lang ang tanong nitong iyon sa pagitan ng pagnguya. Sa inakto niya’y hindi na nag-usisa si Kyshee. Inabala na lang nito ang sarili sa pakikipagtext. Nang silipin niya sa screen ng cellphone nito kung sino ang ka-text ay pangalan ni Angel ang nabasa niya roon.
Maya-maya’y bote ng mineral water naman ang inusog ni Chester sa harapan niya. Hindi na siya nakatiis, tumingin na siya sa gawi nito. Hindi na salubong ang kilay nito’t mahinahon na ang mukha. Nagtama ang paningin nila. “Sorry na…,” mahinang usal nito, sapat upang siya lang ang makarinig. Hindi rin naman siyang nag-aalalang maririnig sila ng mga kaumpok nila sa mesa dahil may sari-sariling diskusyon ang mga ito tungkol sa battle of the bands na gaganapin maya-maya lamang kung saan kasali rin ang banda ni Chester.
Uminom siya ng tubig bago sumagot. “Ewan ko sa’yo!” kandatakot na irap ang isinalubong niya rito. Hindi niya pa ito feel kausapin dahil hindi niya alam ang sasabihin. Isa pa ay napahiya talaga siya ng bonggang-bongga kanina.
“Per—“ aangal pa sana ito pero pinukaw ni Mike ang atensyon nito.
“Cj, kailangan na natin pumunta sa backstage. Nakakalimutan mo yata na first performer tayo, may katabi ka lang na maganda riyan, eh.” Tukso nito. Kay lapad nang naging ngiti ng mga kasalo nila sa mesa.
Nahihiyang nasapo niya ang noo. Tila hindi naman nauubusan ng surprises ang lalaki. He put his arm protectively around her. “Huwag niyo ngang tinutukso itong honey ko,” ngiting-ngiting anito.
“Hey! Shut up!” mariin na saway niya rito. Lalo tuloy itong kinantyawan ng mga pinsan nito’t kabanda.
“Whoah, may L.Q. ba kayong dalawa?” tanong ni Jenny, girlfriend ng pinsan nitong si Aj.
“Baliw ‘yan, eh!” angal niya kay Jenny na ginatungan naman ni Kyshee. “Tama! Baliwag nga iyang si Cj,” anito.
“Ate naman!” angal ni Chester.
“Hala, lagot ka pare!” si Aj
“Ano bang ginawa mo, tol?” usisa ni Mike.
“Basta! Nag-sorry naman ako,” katwiran nitong sa kaniya pa rin nakaharap. Ni saglit ay hindi siya nito nilubayan ng tingin.
“Patawarin mo na,” sa wakas ay nagsalita si Angel.
“Ano naman sa iyo kung patawarin niya ako?” bumaling dito si Chester, nanghahamon ang tingin.
“Whoah! Chill, bro! I’m not doing anything.” Tinaas nito ang dalawang kamay as if surrendering.
“Chester, ano ba?” napahawak siya sa balikat nito. Agad namang bumalik ang tingin nito sa kaniya.
“Can we talk, please?” mahinahon na muli ang tinig nito. Tumango na siya para matapos na ang gulo. Baka maka-apekto pa ang love quarrel nila kuno ng lalaki sa performance ng mga ito mamaya. Hinila siya nito patayo sa upuan. “I’ll be back, bro. Mauna na kayo sa stage.” Paalam nito kay Mike.
“Sige, basta bilisan mo lang!” pahabol na bilin nito bago sila lumabas ni Chester ng Canteen.
Sa loob ng isang bakanteng kwarto sa first floor ng isang building sila humantong lalaki. “Ano bang pag-uusapan natin?”
“Iyong sinabi ko nga kanina…”
“Alin doon? Ang dami mong sinabi kanina,” nagkakailang aniya kahit pa alam niya ang tinutukoy nito.
“Iyong nararamdaman ko para sa iyo.”
“Ano bang nararamdaman mo?”
“Na nagseselos ako,” frustrated na anito.
“Dahil?”
“Honey naman, pinagmumukha mo naman akong tanga rito, eh…” mas lalong naging frustrated ang mukha nito.
Napataas lang ang kilay niya. He called her honey again, iyon ang mas napansin niya. “Sagutin mo kasi ng malinaw ang tanong ko.”
“Oo na sige na! Sasagutin ko na ng maayos,” he paused and took a deep breath. “Gusto nga kita.”
“Matanda ako sa iyo ipinapaalala ko lang. At broken hearted pa ako ngayon, baka maging rebound ka lang. Saka playboy ka, eh kapag may someone ako, ang gusto ko akin lang. Ayoko ng nakikihati sa iba. Kasi kung may kahati ako, it only means you can’t stay true with your feelings. Nag-aaksaya lang ako ng panahon noon, kaya ipamimigay ko na lang siya sa kahati ko.” Mapanghamon ang mga binitiwan niyang salita.
Napakurap si Chester saka napakamot sa ulo. “Ano? Keri mo? Well, hindi naman ako ang mawawalan. Sige, pag-isipan mo…,” nagpatiuna na siyang lumabas ng kwarto. Mukha namang wala itong planong seryosohin siya. Kaya lamang siguro ito nagkakaganoon ay dahil natsachallenge sa kaniya.
“Huwag ka namang ganiyan,” humarang ito sa kaniyang daraanan. “What can I do to make you believe that my intentions are true?” nagtagisan silang dalawa ng tingin. Sa bandang huli ay inilahad niya ang kaniyang mga kondisyon. Kung susundin nito iyon ay tanging ito na lang ang makakapag-desisyon. But she doubts it. Hindi na siya aasang magagawa pa nito ang mga ito.
“If you fail to do those things then be prepared to remain as one of my friends,” she smiled sweetly, patted his shoulder and headed to where she saw Kyshee with her bunch of cousins.
BINABASA MO ANG
It doesn't Matter
RomanceSabi nila, age doesn't matter daw... pero paano kung hindi lang basta masyadong bata ang lalaking nangungulit sayo kundi isa ring playboy? Masasabi mo pa rin kayang, "It doesn't Matter"?