CHAPTER ELEVEN
Harana
“LADIES and gentleman, ang unang bandang magpapakabog ng ating mga dibdib at magpapa-head bang sa ating mga ulo ay ang LadiesMen.” Malakas, excited, at energetic na bungad sa kanila ng female emcee ng programa.
“I’m sure maraming girls na diyan ang kinikilig sa kani-kanilang kinauupuan. Tama ba ako o tama ba ako?” the male emcee bemoaned. Ang mikroponong hawak ay itinapat pa sa audience na karamihan ay babaeng nagsitilian sa tinuran ng lalaki.
“Naku naman, pakner, pati tuloy ako kinikilig rito. Kay gwapo nga naman kasi ng mga miyembro ng una nating banda.”
“Ang mabuti pa niyan, pakner, ipakilala na natin ang ating unang banda.”
“Mabuti pa nga pakner…”
“Ladies and gentlemen let’s all welcome LadiesMen!” panabay na turan ng dalawang emcee.
Nagsisulputan sa stage ang mga miyembro ng bandang pinangungunahan ni Chester. Lalong nagsitilian ang mga estudyante ng St. Dominic na nakakikilala sa mga miyembro ng banda.
“Kamusta kayong lahat lovely ladies?” nagsalita ang bokalista, walang iba kung hindi si Chester.
Napairap siya sa hantarang pagpapakyut nito sa mga babaeng audience. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Kyshee sa kaniyang tabi. Pinagmamasdan pala nito ang reaksiyon niya.
Nakaupo sila sa unahan kaya naman kitang-kita nila ng malapitan ang mga nangyayari sa ibabaw ng entablado. Kasama nila sa pwesto nila ang mga girlfriend ng ilang miyembro ng banda maging ang mga pinsang lalaki ni Kyshee na todo suporta kay Chester. Naroon din si Angel na nakaupo sa kabilang tabi ni Kyshee.
“Go, cousin!” tili ni Kyshee na halos ikabingi yata ng tenga niya.
“I’d like to dedicate this song to the lovely lady sitting in front. Para raw kasi patawarin niya ako’y kailangan ko muna siyang haranahin. Honey, this song is for you!” naka-ngiseng sumenyas ito sa mga kabanda.
Pumailanglang sa bulwagan ang pamilyar na beat ng kanta kasunod ang malamyos na tinig ni Chester na swabeng swabe ang pagkakahagod sa bawat titik ng musika.
“Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko? Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko? Tatlong oras na akong nagpapacute sa iyo. Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko…
Siniko siya ni Kyshee. Halatang kinikilig ito sa ginagawang pagpapakyut sa kaniya ng pinsan nitong alam na alam namang babaero. Inirapan niya lang ang kaibigan at binalik ang tingin sa stage.
“Sagutin mo lang ako, aking sinta'y walang humpay, na ligaya at asahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga. Wag ka sanang magtanong at magduda dahil ang puso ko'y walang pangamba… lahat tayo'y mabubuhay na tahimika'at buong ligaya! Oooh... ooooh... ooooh...
Napaliyad pa ang lalaki sa pagbirit ng chorus. Napailing siya. Animo’y totoo nga sa puso nito ang bawat lirikong laan umano sa kaniya.
Kasabay ng muling pagtili ni kyshee ay ang tilian ng mga babaeng estudyante sa audience. Dalang-dala ang mga ito sa paraan ng pagkanta ni Chester. Hindi na katakataka iyon. May mala-Mr. Romantiko at Mr. Suave talagang hatak ang karisma ng lalaki sa mga babae kaya agad nitong nabobola.
“Ilang ahit pa ba ang aahitin, o giliw ko? Ilang hirit pa ba ang hihiritin, o giliw ko? Di naman ako mangyakis tulad nang iba. Pinapangako ko sa iyo na igagalang ka…
Aaminin niya, sa kaloob-looban niya’y talaga namang kinikilig din siya. Tulad nga ng naihayag na, nakakadala talaga ang karisma ng lalaki. His charms works as if an enigmatic magnet.
Sa laking pagkamangha ng crowd. Bago bumirit ng huling chorus ay walang tahasang bumaba ito ng stage papalapit sa kaniya. Ginagap nito ang kaniyang kamay, akmang hihilahin siya nito subalit nagmatigas siya. Pinanlakihan niya ito ng mata upang sindakin. Ganoon na lang ang gulat niya ng itulak siya ni Kyshee pasubsob sa katawan ng pinsan nito. Tuloy ay mas napadali ang trabaho ni Chester ngayong nakaakap na siya rito. Bumuka ang bibig niya upang magsalita subalit nabitin sa ere lahat ng nais sabihin ng halikan siya nito sa noo.
Nagsitilian ang mga babae. Bakas sa boses ng mga ito ang disappointment dahil hindi noo nila ang nalandingan ng pangahas niyang kissnatcher.
Agad niya itong itinulak. Noon na siya nito tuluyang nahila paakyat sa stage. Wala na siya nagawa dahil alam niya humahaba na ang dapat sana’y hindi naman ganoon katagal na performance ng banda.
Muling ipinagpatuloy ng lalaki ang kanta. “At asahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga… wag ka sanang magtanong at magduda, dahil ang puso ko'y walang pangamba. Lahat tayo'y mabubuhay na tahimika'at buong Ligaya…!”
Muling tumili ang mga fangirls nito ng tuluyang matapos ang kanta. Kuntodo ngiti naman sa kaniya ang hudyo.
“I hate you! Lagot ka sa akin mamaya!” nang gigigil na anas niya sa tenga nito.
Ngiting aso ang isinukli nito sa kaniya. Muli siya nitong ibinalik sa audience bago tumakbo sa backstage pasunod sa mga kabanda nito.
“Isn’t that an interesting performance pakner?” kinikilig na bulalas ng babaeng emcee.
Nagkibit balikat naman ang lalaki. “Well, let’s see if that’ll earn additional points from our panel of judges. Moving forward, let us introduce our next band…”
Anim na banda pa ang tumugtog bago inanunsyo kung sino ang nanalo. Muling tinawag ang mga contestants sa stage.
“Garnering an average score of 94.6%, to receive a plaque and ten thousand pesos in cash, our winner for Battle of the Bands 2013 is…” ibinitin ng babaeng emcee sa ere ang anunsyo. Napaungol naman ang audience, kabilang na siya. “The winner is Ladies Men!”
Nagtatalong sa tuwa ang mga miyembro ng banda. Habang napatayo sa upuan ng mga ito ang magpipinsan. In her astonishment, she found herself cheering with them, alongside the hordes of Ladies Men’s fangirls.
Iginawad ng dalawa sa apat na nag-judge ang plaka at sobreng naglalaman ng sampung libong piso.
“Libre! Libre! Libre!” kantyaw ng mga pinsan nito.
“May gusto ba kayong sabihin?” Inabot ng emcee ang mike kay Chester. “Thanks sa suporta mga chicks ko,” nakatawang anito. Natuwa naman ang mga fangirls nito kahit na tinawag na ‘chicks’. “lalong lalo na sa mga pinsan ko at kaibigan naming na narito ngayon. At syempre, sa special girl ko ngayon…!” ibinitin nito ang sasabihin, sa halip ay kinindatan siya nito.
Sa halip na mainis, natawa pa siya sa inasal nito.
Mukha ngang balak nitong totohanin ang pagtupad sa ten commandments na ibinigay niya rito. Well, she just has to wait and see until when he could keep up with the game he wants to play. In the end, what she’s praying for is that he’ll give up.
BINABASA MO ANG
It doesn't Matter
RomanceSabi nila, age doesn't matter daw... pero paano kung hindi lang basta masyadong bata ang lalaking nangungulit sayo kundi isa ring playboy? Masasabi mo pa rin kayang, "It doesn't Matter"?