Chapter Eight

70 1 0
                                    

CHAPTER EIGHT

Mommy and daddy

‘GOOD morning, ate!’

            Kasalukuyan siyang nagbabasa noon ng baong libro ng matanggap ang mensahe ni Chester. ‘Anong gud sa mrning qng ikw ang magttxt?’ taas-kilay na pinadala niya ang message. Tignan na lang natin.

            Hindi naman talaga niya mean iyon. Gusto niya lang asarin ang lalaki. Isang linggo na rin ang nagdaan mula ng iwan niya ito sa mall. Lumipas na ang inis niya rito. Na-ikwento niya rin kasi kay Kyshee ang naging pagkikita nila ni Marlon at ang mga sinabi nito.

            Ipinaliwanag sa kaniyang ng kaibigan ang ibig ipakahulugan ng dating nobyo sa mga salitang binitiwan nito. And somehow, bahagyang naliwanagan ang medyo kinakalawang na sa dahilang utak niya.

            ‘Galit ka pa rin? Sorry na po, patawarin mo na ako, please?’

            Lalong lumawak ang ngiti niya. Pinansin tuloy siya ni Jaycee na nasa kabilang dulo lamang ng sofa. “Kinikilig si mommy, oh!” tukso nito. Sa loob ng panahong inilagi niya roon ay nakahanap sa katauhan niya ng pinsan ni Kyshee ang isang mommy. Typical teenage thing. Kahit hindi naman nila mommy or daddy ay tinatawag ng ganoon, basta feel nila. “Si daddy ko ba iyan?” dagdag pa nito.

            “Heh! Anong daddy? Wala kang daddy, noh!” napalabi ang dalagita, kasabay noon ay ang pag-vibrate ng hawak na cellphone. Iniwas nya ang tingin dito.

            ‘Hindi na nagreply. Ate naman, huwag kang ganiyan. Please, forgive me! What should I do so you could forgive me?’

            Hindi niya nga pala ito kaagad na nareplayan dahil sa pag-uurirat ni Jaycee.

            ‘U need sumtng, noh?’ sa halip na sagutin ang inuungot nitong kapatawaran ay iyon ang ini-reply niya. Paano ba naman, napakatagal na noon eh ngayon lang nag-sosorry. So, something is up. Hindi siya maalala nito kung wala.

            Tila naman tama ang hinala niya. ‘Kapag sinabi ko ba papayag ka?’

            See, meron nga! ‘Sabi q na nga ba e!’

            ‘Galit?’

            ‘Hmpft! Wat is it?’

            ‘Sama ka sa akin sa Saturday. School Fair namin.’

            ‘Auq nga!’ agad niyang tanggi. Ano siya, sira? Mamaya maningil pa ito nga utang niya rito. Mahirap na.

            ‘Walang ganyanan, ate. Alam kong galit ka sa akin pero kailangan mo munang magbayad ng penalty mo. Natalo ka sa game, remember?’

            Sinasabi na nga ba niya. Naku naman!

            ‘Ano aq, bale?’

            ‘Buo ka pa naman ate, hindi ka pa naman nababale.’ Aba, ang loko, nakuha pang magbiro.

            ‘E, sa ayw q!’

            ‘KJ mo naman, honey. Kasama rin kaya si Ate Kyshee saka yung iba ko pang pinsan. Kaya sumama ka na, please?’

            Matagal niyang pinagmasadan ang screen ng iphone. Tinawag na naman siya nitong honey. Nagpapakipot lang naman talaga siya. Sabihin nito, easy to get siya. Easy to get ka pang nalalaman eh nahalikan ka na nga, tudyo ng utak niya.

It doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon