Chapter Six

71 1 0
                                    

CHAPTER SIX

The Real Thing: it’s a date

“ANO ba? Sinabi ko nang ayoko!” subalit kahit anong gawin niyang pagtanggi ay patuloy pa rin ito sa paghatak sa kaniya paupo sa harap ng car race video game.

            Gusto lang naman kasi ng isip batang si Chester na makipagpustahan sa kaniya. Ang premyo ng mananalo? Halik mula sa matatalo.

            O, hindi ba’t unfair?

            Pihadong magaling iyon sa larong iyon kaya naman ayaw niyang umayon sa nais nito.

            “Sige na, ate, please?”

            “E, ayoko nga, kulit mo!” muli niyang hinatak ang kamay mula rito. Sa wakas ay nakawala rin siya sa mahigpit na pagkakakapit nito roon. Nagdudumali nagsumiksik siya sa mga tao patakas dito.

            Subalit, hindi pa man siya nakakalabas ng timezone ay narinig niya ang sigaw nito, “Honey!” napahinto siya sa paglalakad, biglang nanigas ang kaniyang binti. “I’m sorry na honey!” lalo pa nitong nilakasan ang boses nito.

            Nanlalaki ang mga matang napalingon siya rito. Sa paligid ay unti-unti na nilang nakukuha ang atensiyon ng mga manlalaro sa loob ng game center na iyon. Lalo pa siyang nahindik sa sumunod na ginawa nito. Bigla na lang itong lumuhod sa harap niya, sa gitna ng maraming tao. “Honey, patawarin mo na ako, please? Hindi ko kakayanin kapag iniwan mo ako ngayon dito!”

            Sa malas ay nakuha nito ang simpatya ng kanilang audience. “Patawarin na iyan,” singit ng isang estudyanteng napahinto sa paglalaro ng Tekken. Tila nakakalukong nag-puppy eyes pa ang hudyong boyfriend niya kuno.

            Isang bata ang nalingunan niyang humihila sa laylayan ng suot niyang dress. “Ate, sabi po ng mommy ko sa akin bad daw po mang-away ng kapwa. Eh, bakit niyo po inaaway si kuya? Bad po ‘yun!”

            Bago pa man niya maipagtanggol ang sarili ay sumulpot mula sa kung saan ang yaya ng bata. “Hansel, ano ang ginagawa mo riyan? Halika rito, maling makiusyoso.” Hinila na ito ng yaya nito palabas ng game center.

            Ibinalik niya ang tingin sa nakaluhod pa ring si Chester. Tahimik na nakasunod lang sa mga nagaganap ang mga taong naroroon na napahinto sa kaniya-kaniyang nilalaro.

            Bagaman hindi naman siya papayag na maagrabyado basta-basta, pinasya niyang sakyan ang nais nitong laro.

            She sighed. Isang pekeng ngiti ang pinaskil niya sa mga labi bago dahan-dahang naglakad palapit sa lalaki. Yumukod siya upang bulungan ito. “Namumuro ka na sa aking lalaki ka,” mahinang aniya. Umunat siya’t sweet na sweet na nagturan ng kaniyang patawad. “Sige na nga honeybabe. Tayo ka na riyan, I’m forgiving you na.”

            Nasiyahan naman ang mga tao sa nasaksihang reconciliation. Nagpalakpakan ang mga ito na may kasama pang kantiyaw. “Kiss. Kiss. Kiss!” they all chanted, even the timezone staffs joined in.

            Habang si Chester ay kay lapad ng ngiting ng mga sandaling iyon. Samantalang siya’y plastic na plastic ang bawat aksyon. Kung pwede lang bigtiin ng mga oras na iyon ang lalaki ay ginawa na niya.

            Isang quick peck on the forehead ang ginawad ni Chester sa kaniya na siyang ikinagitla niya. She never expected that. Ang buong inaakala niya’y magtetake advantage na naman ito. Subalit, nagkamali siya.

            Ilang saglit pa ang lumipas, nanatili lamang sila sa kinatatayuan. Siya’y titig na titig pa rin dito, as if she’s under some spell. Halos hindi na nga niya namalayan ang pagbalik ng audience nila sa kani-kaniyang business ng mga ito.

It doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon