CHAPTER FOUR
A walk to remember
SHE checked tito Arcel. Hindi naman ganoon kalala ang lagay nito kaya naman matapos itong painumin ng as needed medication nito ay lumabas na rin siya kaagad ng bahay kung saan ito nagpapahinga—ang bahay na iyon ay dating tirahan nila Chelsea na ngayon ay bakante na. Marahil ay na-stress lamang ito sa ingay ng mga bisita, idagdag pa ang mga usok ng sigarilyo.
Sa hallway pabalik sa bahay nila Kyshee ay hindi niya inaasahan ang makikitang nakaabang. “Chester!” bulalas niya. “What are you doing here?”
“Hinihintay kita, ate.” Straight-faced na tugon nito.
“Ba-bakit?”
“Papasama sana ako sa labasan. Gusto ko humigop ng mainit na sabaw. Meron na ‘yung tindang lomi sila Mang Roldan,” ang tinutukoy nito’y isang 24 hours na lugawan sa kanto ng kalyeng iyon.
She frowned. “Wala bang ibang gustong sumama sa iyo?” sa halip na sagutin ang inquiry niya’y bigla nalang siyang hinatak nito palabas ng gate. Wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod sa nais nitong mangyari.
Sa lugawan, akala niya’y mag-tetake out order na ito’t babalik na sila sa bahay. But she was wrong. Laking gulat niya ng dine-in ang inorder nitong dalawang mangkok ng umuusok na lomi. Ito pa mismo ang nagsilbi sa kaniya ng kaniyang serving.
“Ate, kumain ka!” inumang nito sa kaniya ang kutsara nang ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa rin siya tumitinag sa kinauupuan. “Believe me ate mas masarap ‘yan kapag mainit,” napakurap siya ng walang kaabog-abog na iumang nito ang kutsarang may laman ng lomi sa kaniyang bibig ng hindi pa rin siya kumilos upang kumain. “Nga-nga na ate… ahhh!”
Speechless na naibuka na lamang niya ang bibig. Matapos nito maisubo iyon ay inagaw na niya rito ang kutsara. “Ako na!” ngumiti ito’t maganang binalikan ang pagkain.
Wala silang kibuan habang kumakain. Nang matapos ito’y halos nangangalahati pa lamang ang kaniyang kinakain. Tuloy ay naiilang siya lalong sumubo dahil sa titig na titig ito sa kaniyang bawat kilos. “Chester!” kapag-kuwan ay hindi na niya napigil ang sariling sitahin ito.
He raised a brow. “Bakit?” maang na tanong nitong tila walang anumang ginawa. “Stop staring at me!” utos niya. Nagkibit ito ng balikat. “Wala namang masama sa ginagawa ko, di ba?”
“Haven’t your mom told you it’s rude to stare?” tila isang batang pinangaralan niya ito. Napamaang siya ng umiling ito.
“Patay na si mama. Namatay siya matapos niya akong iluwal.” Tila balewalang imporma nito. Hinaplos ng awa ang kaniyang dibdib. “I-I’m sorry,” napayuko siya dahil tila nasaktan niya ito sa ginawang hindi tuwirang pagpapadala sa ina nito.
Nangalumbaba ito sa mesa. “Okay lang, hindi ko naman siya nakilala kaya wala akong namimiss sa kaniya. Masakit lang ‘yung pakiramdam na hindi mo man lang naranasang magkaroon ng isang ina tulad ng ibang normal na bata.”
“Masamang tumalungko sa harap ng pagkain,” tinapik niya ang braso nitong nakapatong sa mesa. Sa kawalan ng masasabi’y iyon na lamang ang itinugon niya. Inalis naman nito ang braso’t humalukipkip na lamang.
“Ang lungkot, noh?” anito pa. hindi naman sa wala siyang pakialam sa sentimyento nito, iyon nga lamang hidi niya alam kung paano ipadarama rito ang simpatya kaya naman nanatili na lamang siyang tahimik.
BINABASA MO ANG
It doesn't Matter
RomanceSabi nila, age doesn't matter daw... pero paano kung hindi lang basta masyadong bata ang lalaking nangungulit sayo kundi isa ring playboy? Masasabi mo pa rin kayang, "It doesn't Matter"?