CHAPTER TWELVE
The playboy’s in Trouble
TUWANG tuwa si Chester sa victory ng banda. Sino ba namang hindi? They just won! Tama ang hinuha niyang makakahatak ng votes ang gimmick niya kaninang paghatak kay Miriam sa stage.
Sa totoo lang, tutol sa ideyang iyon ang member ng banda. Dangan nga naman kasi’t last minute na sila nagpalit ng kanta para lamang magawa ang kantang iyon.
Suntok sa buwan, ika nga. But at least, that’ll be hitting two birds with one stone.
Somehow, blessing in disguise ang binigay na ten tasks ni Miriam, dahil doon ay naisip niya ang pakulong iyon.
“Congrats ‘tol!” masiglang bati ni Angel habang papalapit sa pinagtitipunan ng banda, kasunod ang mga iba pang kaibigan at mga pinsan niya, maliban kay Miriam. Hindi niya ito makitang kagapay ni Kyshee. Tinaguan niya lang si Angel at agad bumaling kay sa babaeng pinsan, “Si Miriam?”
“Nagpunta lang saglit sa restroom. Congrats nga pala, libre mo kami, ah!”
“Siya lang mag-isa?” sa halip na tugunin ang hirit nitong libre ay tanong niya. “Bakit mo iniwan? Mamaya mawala na naman ‘yun!”
“Over sa worry cousin? Tingin mo naman sa kaibigan ko, bata?”
Napakamot siya sa noo. Subalit imbes na magatwiran ay tinalunton niya ang daan papaunta sa ladies room, matapos mag-excuse sa mga kasama na kinantyawan siya kaagad. Naligunan niya pa si Kyshee na umiiling-iling. Ito rin naman ang nagsabi sa kaniyang walang sense of direction ang kaibigan nito, madalas mawala dahil sa sobrang makakalimutin. Iyong simpleng mag-load nga lang ay nakakalimutan nito ano pa kaya kung mas importanteng bagay.
Napangiti siya ng manumbalik sa kaniyang alaala ang mga kundisyong sinabi ng dalaga.
“Huwag ka namang ganiyan,” humarang siya sa daraanan nito. “What can I do to make you believe that my intentions are true?” nagtagisan silang dalawa ng tingin.
“Let go of whatever you are feeling Chester, that’s not beneficial for both of us,”sa wakas ay anito habang salubong ang kilay nitong kinulayan ng kapares ng kulay ng buhok nito. Halatang malapit ng mapikon sa kakulitan niya.
“But, I want to hold on with,” muli’y mapanghamon niyang aniya. “If I’m going to let go, that’s the time that I’m going to be serious.”
“Huh? Ano? Linawin mo nga iyang baluktot mong logic!”
“You see, you think that what I’m feeling for you is not real and just superficial, but what if you’re wrong? What if it’s not superficial? Either way, I want to hold on to this feeling so that when I finally admitted to myself that you’re right I can let go and hold on to another feeling that’s true and not just superficial. Gets mo na o tagalugin ko pa?”
Tila nga napatid na ang pisi nito. Nangigigil na kinuyom nito ang mga palad at impit na sumigaw. “What am I going to do with you, brat?” maya-maya’y bulyaw nito. Nang huminahon na’y muli itong nasalita. “if you want to be serious, be serious right now! Bakit ipagpapabukas mo pa?”
“Nakikinig ka ba sa explanation ko ng baluktot kong logic?” binigyang diin niya pa ang huling tatlong kataga.
“if you’re that willing, then, may I ask, are you willing to change?”
“What if I am?”
Miriam inhaled sharply, almost forcefully. “I’m going to give you ten tasks. If you managed to do all of those tasks, then you passed.”
“After I passed, whre that leaves me?”
“That’s only when, I’m going to consider letting you step in my life.”
MATALINO nga talaga ang babae, hindi ito papayag na maisahan. Tulad na lang noong nakipagpustahan siya rito noon sa arcade. Pinili nito ang mga games kung saan ito magaling. Ni sa hinagap niya’y hindi naisip na makaka-shoot oto ng gannon karaming bola at dalawa lang amng mintis.
Since that day, she gained his respect. Kaya nga kahit ang mahal ng biil sa pinasukan nitong restaurant ay hindi siya nagreklamo. Bulsa niya lang ang umangal. Isang linggo siyang kapos sa allowance.
Maging ang kiss na sana ay premyo niya’y hindi niya siningil. Pero noong nakita niya itong natutulog sa sofa sa living room ng bahay nila Kyshee ay hindi niya napigilan ang sarili.
Bahagyang nakaawang ang mapupula nitong mga labi. He found it cute. Hayun at ninakawan na naman niya ito ng halik. His Kissnatcher joke proved to be right.
Ewan niya ba kung anong meron sa labi nito’t palagi siyang namamagneto. Para siyang palaging lumilipad sa alapaap habang hinahaplos ng mabining hangin sa tuwing hgahalikan itpo. Oo nga’t kay bilis ng tibok ng puso niya subalit sa kabila noon ay kalmado ang buong sistema niya.
Serene and peaceful. He must admit it’s quite addictive.
Bago pa man makarating sa dulo ng pasilypo ng Engineering department kung saan umano nag-cr si Miriam ay may sumulpot sa harapan niya. Hindi niya kaagad napansin ang babae dala ng malalim na iniisip niya. Kung hindi pa ito kumapit sa braso niya’y baka nalagpasan niya pa ito.
“Venice!” gulat na bulalas niya.
Lumabi ang babae. “Mukhang nakalimutan mo na ako, baby kaya kung sinu-sino na lang ang inaakyat mo sa stage.” Hinampong anito.
Napapalatak ang isip niya. Nakalimutan niyang schoolmate niya ang isa pang nobya. Palpak! Disaster!
Di bale, aamuin niya na lang ang ababae. Dalangin niyang hindi muna lumabas ng ladies room si Miriam.
Inalis niya ang kamay nito sa kaniyang braso upang maakbayan ito. Pasimple niya itong iginiya papunta sa kabilang corridor ng building.
“Hindi naman sa ganoon, baby,” pinaliguan niya ng halik ang buhok nito. Venice once commented how she loves that simple-corny-gesture. “Medyo busy lang talaga sa praktis ng banda. Alam mo naman kung gaano ka-istrikto si Mike.” Binunton niya ang sisi sa kabanda, makalusot lang. Subalit mukhang hindi pa rin kumbinsido si Venice.
“Then, what’s with te show earlier?” may bahid na ng selos ang tinig nito.
He sighed. Hindi naman siya santo at alam ng babaeng hindi ito nag-iisa sa buhay niya kaya naiiinis siya ngayong tila nakalimutan nitong naiirita siya sa mga girlfriend na selosa at nagger.
“New applicant,” pinilit niyang pakaswalin ang boses. “That’s all!”
“Really? Tumaas ang kilay nito, halatang hindi kumbinsido. Ayaw niyang maging sagabal ito sa diaskarte niya.
“Really!” he said huskily while slowly bending down to kiss her violet colored lips.
Pinatagal niya kaysa sa karaniwan ang halik. He has to work his magic on her. He has to convince her that Miriam‘s not a competition but just another added toy in his collection/.
O talaga bang laruan lang para sa kaniya si Miriam? Napaungol siya, seems like his self needs more convincing than the girl he’s kissing senseless.
“Chester!”
Napaunat ang likod niya ng marinig ang malamig na tinig ni Kyshee.
Uh-oh, he’s no doubt in trouble.
BINABASA MO ANG
It doesn't Matter
RomanceSabi nila, age doesn't matter daw... pero paano kung hindi lang basta masyadong bata ang lalaking nangungulit sayo kundi isa ring playboy? Masasabi mo pa rin kayang, "It doesn't Matter"?