Chapter Seven

88 2 4
                                    

CHAPTER SEVEN

The Taxi Driver’s Curse

NASISIYANG napangiti siya sa sarili habang pinagmamasdan ang pigura ni Chester na nakayuko habang ang mga kamay ay nakasuporta sa tuhod. Halatang hingal na hingal ito.

            She settled comfortably at the backseat of the public utility vehicle after telling the driver where their destination is.

            “May lover’s quarrel kayo ng boyfriend mo, miss?” pukaw ng taxi driver.

            Nagtama ang paningin nila sa rearview mirror. Abuhin ang mga mata nito, matangos ang ilong, may kissable lips at maputi. In short, gwapo. At kung tatangkain niyang bahagyang tumingkayad para mapagmasdang maige ang porma nito, masisiguro niyang magiging tama ang sapantaha niyang malaki ang katawan nito, based from the muscles tightly flexing as he grip the steering wheels as they turn around a corner, while he waits for her response. Kaya katakatakang nauwi ang tulad nito sa pagiging isang taxi driver lamang, gayung mas babagay itong ramp model sa ibabaw ng entablado o dili ka’y artistang palaging makikita sa television.

            “A-anong lover’s quarrel? Hindi ko nga boyfriend iyon, eh.”

            Napapailing na ibinalik nito ang sulyap sa daan matapos siyang sulyapan pansumandali. “Ang mga kabataan nga naman ngayon, masyadong in denial!” sumipol-sipol pa ito.

            Aba’t—antipatiko itong driver na ito, ah. Pakialamero pa!

            “Hoy, kuya ano naman sa’yo ngayon kung may L.Q. man kami ng lalaking iyon?” sikmat niya. Hindi na niya napigilan ang paglabas ng taray.

            “Eh, kasi sayang lang… bagay pa naman kayo,” pinalungkot pa nito ang tinig, tila ba hinayang na hinayang nga gayung bakas naman sa mga mata nito ang amusement.

            Mang-inis daw ba talaga?

            “Alam mo kuya, driver ka nga, bolero ka, eh!”

            Napangise ang lalaki. “Hindi mo ba ako kilala?”

            Maang na napatuwid siya ng upo. Muli niya itong hinagod ng tingin sa rearview mirror. Pero hindi niya talaga ito mamukhaan. May memory gap na talaga siya. Nitong mga nakaraang araw ay nagiging makakalimutin na nga siya.

            “Aba, malay ko sa iyo! Ano ka si doctor love?” pilosopang tugon niya.

            Mahina itong natawa. “Mataray ka pa rin hanggang ngayon, heart!”

            Muntik na siyang himatayin sa sinabi nitong endearment. Sino pa bang ibang pwedeng tumawag sa kaniya ng ‘heart’ kung hindi ang kahulihulihan niyang boyfriend? Pero bakit hindi niya ito kaagad namukhaan, gayung halos umabot din ng three years ang naging relasyon nila?

            “Ma-marlon?” nagugulumihan niyang tanong. Hindi na siya nakatiis, tumingkayad siya sa harap ng taksi matingnan lamang ng maige kung ito nga si Marlon. Ahh, kaya pala hindi ko siya nakilala agad-agad. It’s the fault of his skin color. Marlon had been dark skinned, and looking at him now… mas lalo nga itong gagwapo at hindi makikila kaagad ng mga kakilala nito ngayong pumuti ito. Kaya naman pala parang pamilyar ang mga mata nito sa kaniya.

            “Wala ng iba,” he grinned widly.

            “Anong nangyari sa iyo? Nag-gugluta ka ba? At saka ano ito, paano ka naging taxi driver? Bago mong raket?” Noon pa mang magkasintahan sila ay nabubuhay na ito sa pagpasok sa kung anu-anong sideline para lang maka-ipon sa pagpapa-aral ng dalawa nitong kapatid. Dahilan upang mawalan ito ng oras sa kaniya paminsan-minsan, ang madalas nilang pagtalunan.

It doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon