Chapter Two

118 4 5
                                    

CHAPTER TWO

The playboy

MATAGUMPAY ang ngiting nakapaskil sa mga labi ni Chester ng mga sandaling iyon. Paano’y kababasa niya lang ng text mula sa babaeng isang linggo na rin niyang nililigawan.

            Nakilala niya si Fatima sa isang basketball tournament na dinaluhan nilang magpipinsan. Isa siya sa star player ng Saint Dominic Christian Academy basketball team. Matangkad, mestiso, gwapo, at matalino, ang tipong tinitilian at hinahabol ng mga babae. Kaya naman siguro na-smitten niya ng sobra si Fatima na isa sa mga nanunood noon ng tournament.

            Their team won. Kitang-kita niya kung paano sumigaw sa tuwa noon ang babae. Since then, she had caught his attention. Sa tulong ng isa niyang pinsan ay nakuha niya ang number nito ng walang kahirap-hirap.

            Ngayon nga ay girlfriend na niya ang babae, ang matamis nitong ‘oo’ ang laman ng text message na kababasa niya lamang, ang kaniyang pangatlong girlfriend.

            SI Venice ang una niyang naging nobya para sa taong iyon. Sweet, matalino, maganda, at sexy kung pumorma. Schoolmate naman niya ang babae. Minsan niya itong nakabangga sa corridor ng kanilang paaralan. Noong una ay hanggang flirtation lamang ang namamagitan sa kanilang dalawa hanggang sa makipag-break siya sa huling nobya ng nakaraang taon. Noon niya naisipang ligawan si Venice. In just three days ay naging nobya niya ito.

            Si Angel, mala-anghel ang mukha at pangalan, subalit hayop naman kung humalik, ang pangalawa niyang nobya. Record breaker ang isang ito dahil mismong araw na yayain niya itong maging nobya ay sumagot ito kaagad ng ‘oo’. Game na game!

            Napapitlag siya sa prenteng pagkaka-upo ng marinig ang matinis na boses ng kapatid. “Ngumingiti-ngiting mag-isa ka na naman diyan. ALam ko na ang ibig sabihin niyan. May bago kang babae, noh?”

            Itinaas niya ang dalawang kamay pasapo sa kaniyang batok saka mayabang na sumagot. “Ako pa! Kataka-taka pa ba iyon?”

            Umiling ito, “Hindi na, ikaw na! Talagang-talaga!”

            “Maiba tayo ate, tama na yung puro tungkol sa akin, nakakasawa na rin naman na puro na ako. Bakit ba bihis na bihis ka? May date kayo ng boyfriend mo?”

            Tatlo silang magkakapatid. Siya ang bunso. Si Chelsea ang panganay habang pangatlo naman si Cholo. Close silang tatlo sa isa’t isa. Siguro dahil lumaki silang wala na ang ina at tanging ama na lamang ang kasama.

            “Sira, hindi! Nakalimutan mo bang ngayon ang celebration ng birthday ni Kyla?” nakapamaywang na tinaasan siya nito ng kilay.

            Ang tinutukoy nitong Kyla ay ang pinsan nila sa side ng ama. Anak ito ng kapatid ng kanilang papa Keith. Parehong nagtapos ng HRM ang kaniyang tito Arcel at Papa Keith. Gayunpaman, magkaiba ng linya ang dalawa. Ang ama niya’y isang bartender, samantalang head waither naman sa isang hotel-restaurant ang tito niya.

            Tulad nilang magkakapatid ay close rin sila sa kanilang mga pinsan. Malaki kasi ang angkan ng mga Domingo.

            “Ngayon ba iyon? Akala ko bukas pa, eh.”

            “Ulyanin ka na ang bata-bata mo pa. Ngayon iyon kaya magbihis ka na. Kailangan nating pumunta dahil baka magtampo pa si tita Elsie sa atin. Mauuna na akong pumunta roon. Sumunod ka, ah!”

            “Areglado, bossing!” mabilis siyang sumaludo sa nakatatadang kapatid. Pailing-iling na lamang ito habang papalabas ng bahay.

PAGDATING niya sa bahay ng pinsan ay konti na lamang ang tao. Ang mga bata umano kasing bisita ni Kyla sa 9th birthday nito ay nagsiuwian na. Alas otso y’medya, tamang uwi lamang ng mga bata, total ay may kasama naman ang mga itong mga guardians.

            Agad niyang binati ang tito at tita niya kasunod ang iba pang mga pinsan, na naki-celebrate rin, lalo na ang birthday girl.

            Iyon nga lamang… wala siyang dalang regalo dahil nakalimutan niya ngang ng araw na iyon ang kaarawan ng bata. “Okay lang iyon Cj,” ani tito Arcel.

            Tumango siya saka inilinga ang paningin sa paligid. “Si ate Kyshee po?” dangan kasi’t hindi niya makita ang nakatatandang pinsan, ang panganay na anak ng tiyuhin.

            “Andiyan lang ‘yun sa kwarto kasama ang friend niya,” si tita Elsie ang sumagot. “Halika na muna sa kusina, Cj nang makakain ka,” nagkibit-balikat na lamang siya’t sumunod sa tiyahin patungong kusina. Sa sala kasi’y nagsisimula na ang inuman kasama ang dalawa niyang kapatid at iba pang pinsang on legal age na para uminom.

            Masarap magluto ang asawa ng tiyuhin niya. Nabusog talaga siya. Sakto sa ginawa niyang pagpapagutom buong maghapon sa bahay dahil walang magluluto.

NANG muli niyang tunguhin ang sala ay naroon na ang ate Kyshee niya’t isa pang babae na marahil ay ang tinutukoy na kaibigan ng pinsan. Medyo maputi ang babae, chinita (pero ewan kung dahil lamang iyon sa eyebags nito), mahaba ang buhok na tuwid na tuwid at naka-highlights at bangs. Mukha itong koreana, in short.

            Base sa naabutan niyang diskusyon ay inglesera ang babae. Nakikipagsabayan kasi ito sa pinsan nilang kauuwi lamang mula sa Amerika ng wikang banyaga.

            “O, Chester!” sinalubong siya ng yakap ni Kyshee nang mapansin ang presensya niya sa hallway.

            “Sorry late,” umupo siya sa gilid nito, malapit kay chinita girl.

            “Okay lang ‘yun. Ah, siya nga pala high school bestfriend ko, si Miriam,” sa kauna-unahang pagkakatan ngumiti si Chinita girl. Lalo tuloy nawala ang mga mata nito.

            “Hello!” kumaway lamang ito’t hindi nakipag-handshake. He did the same, nag-‘hi’ siya rito.

            Sa paglalim ng gabi, nalaman niyang batchmate din pala ito ng kapatid na babae. Then, she must be 23? tanong niya sa isang bahagi ng utak. Hindi kasi ito mukhang ka-edad ng mga ate niya. Kung tutuusin ay mas papasa pa itong ka-edad niya lamang, and he’s only nineteen.

            Nagkaroon siya ng pagkakataong masagot ang tanong ng mapatabi siya rito. “Ilang taon ka na, ate?”

            “Ako?” itinuro pa nito ang sarili. “Twelve lang ako!”

            “Imposible! Kaibigan mo nga si ate Kyshee, eh.”

            She laughed. ‘Marunong din pala itong tumawa,’ he amazingly murmured to himself.

            “I’m 23, three months older than your cousin.”

            “Pero hindi ka mukhang 23,” sabat ng isa pa niyang pinsan na kanina pa pala nakikinig sa kanilang usapan. Muling tumawa si Chinita girl.

            “Looks can be deceiving children.” Mukhang matalino rin ang dalaga. ‘Easy rin kaya ito tulad ng ibang babaeng nakakasalamuha ko?’ biglang may pumasok na kapilyuhan sa kaniyang kukote. Pasimple niya itong didigahan.

            “Nurse!” biglang pumasok sa pinto ang isa pa nilang pinsan, si Chris.

            “Sino bang tinatawag nitong si Chris na nurse?” bulong niya sa katabi. Napahagikgik si Chinita girl.

            “Nurse?” muli’y tawag ni Chris. Pumormal ang anyo ni Chinita girl. Laking gulat niya ng tumayo ito’t lumapit sa kaniyang pinsan. “Bakit?”

            “Si tito Arcel kasi mukhang sinumpong ng sakit niya,” hindi na niya narinig ang sagot ni Chinita girl dahil nawala na ang dalawa sa kaniyang paningin patungo sa kabilang bahay kung saan malamang nagpapahinga ang kaniyang tiyuhin.

            ‘So nurse pala siya… interesting. Masaya ito!’ sa isip niya’y may tumatakbo ng plano.

It doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon