Chapter Three

92 2 5
                                    

CHAPTER THREE

First encounter

“TAMANG-tama ang dating mo, mars. Bukas ang celebration ng birthday ng bunso namin,” ani Kyshee. Nakahiga na sila noon sa kama nitong pink—buong kwarto nito ay puro pink at Hello Kitty, hilig na hilig nito.

            “Talaga? Ilang taon na ba si Kyla?” maliit pa ang bunso ng mga ito nang huli niyang makita noong high school sila. Ngayon ay malaking bata na.

            “Nine na ‘yun, malapit ng maging dalaga.” Kyshee joked. She laughed.

            She seldom laughs since that day. “Sakto nga pala talaga ang dating ko.”

            “You’ll enjoy the party for sure,” ani pa Kyshee matapos humikab.

            Her friend’s parents didn’t ask why she ran away from home. They just let her stay. She just has to be at least helpful with them in some ways.

            The following morning she wakes up feeling a little better. She had called her mom yesternight, while Kyshee sleeps beside her. Syempre pa’y hindi naiwasan ng kaniyang mama ang mag-alala, but she explained her need for space. Dahil kilala naman nito ang pamilya ni Kyshee, she let her do what she wants provided she’ll update her mother from time to time.

            “Oh, mars aga mo, ah!” paglabas niya ng kwarto ay nakadulog sa hapag si Kyshee habang nagkakape at kinakalikot ang cellphone. “Si tita?” wala sa paligid ang iba pang miyembro ng pamilya. Tanging sila lamang yatang dalawa ang nasa loob ng bahay.

            “Namili sila ni Jaycee sa palengke ng ihahaing handa mamaya,” ang tinutukoy nitong Jaycee ay ang pinsan nitong nakikitira rin sa bahay ng mga ito. “Sila papa naman andiyan lang sa kabilang bahay,” ang tinutukoy nito’y ang bakanteng bahay sa unahan ng lote ng mga ito.

            “Ah, I see… sinong ka-text mo?” nag-angat ito ng tingin, itinaas ang hawak na cellphone.

            “Eto ba? Wala akong ka-text, noh, nagbabasa lang ako ng ebook ditto sa ebook reader ko,” nangunot ang kaniyang noo kaya naman nagpaliwanag ito. “Galing ito sa friend ko na mahilig mag-download ng story from wattpad.” Namilo ang kaniyang mata. “You mean, nagbabasa ka rin ng stories from wattpad?”

            “Parang ganoon na nga. Bakit?” ito naman ang nangunot ang noo. “Don’t tell me…”

            “Yes my dear friend. Nagsusulat ako sa wattpad. Well not just in wattpad but also for Tagalogonlinepocketbook.”

            “Uy, talaga mars? Natupad pala yung isa sa mga dream mo noon, eh.” It’s no wonder na hindi ito updated sa kaniyang whereabouts kasi naman kahit meron siyang number nito ay bihira pa sa patak ng ulan kung makapag-text sila.

            “Yes. If you want you can also read my stories. Mayroon akong .txt version ng mga iyon.”

            “Magaganda ba?”

            “Oo naman! Walang tiwala sa talent ko, friend?” she kiddingly retorted.

            “Of course meron!” nakiayon naman ito sa biro niya. “Anu-ano mga title?”

            “My Sweet Stranger, Brewed Love, The Tigress Untamed Heart, and Is it wrong to love him? Iyong naunang tatlo, naka-post iyon sa Tagalogonlinepocketbook.com, while the last one’s posted on wattpad.”

It doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon