chapter 1 - forcing to go in ford academy

3.9K 77 4
                                    

” Jim..saan ka mag aaral?”tanong ni grace sa kaibigan habang nagkasalubong sila sa daan.

            “sa Ford academy..ikaw??”balik tanong ni jim.

            Nagulat si grace sa sinabi ni jim, hindi ba sya natatakot sa paaralang iyon, napabalita na marami ang nawawalang guro sa paaralang iyon at maging mga estudyante.

            “what??..hindi ka ba natatakot sa paaralang iyon” bulalas na sagot ni grace.

            napailing lang si jim ..”natatakot??? ano naman ang ikakatakot ko dun “napangiti si jim sa sinabi ni grace.

            “hindi ka ba nanonood ng mga news..napabalitaan na nawawala ang mga guro at iilan pang mga estudyante sa ford academy”nahintatakutan si grace ng sabihin nya iyon.

            “aisshh, news??hwag kang maniwala dun..kung totoo man iyon di ipinasara na ng DepEd ang akademya na iyan!”pagbabalewala ni jim  sa sinabi ni grace.

            “hindi tayo nakakasiguro jim..baka totoo na hindi lang nawawala ang mga guro dun..kundi pinatay sila!”si grace.

            “hehehe!alam mo..iyan…iyan..ang napapala mo sa panonood ng horror movies..tingnan mo..nalalason na iyan pati utak mo!”tinawanan lang sya ni jim..

            Galit na galit syang tinalikuran ang kaibigan..”Ewan ko sayo!”pagkasabi nyon agad syang umalis, tawa lang ng tawa si jim sa kanya.

                        *************************

            “grace..sa Ford Academy ka..mag aral..tapos ang usapan” galit na galit si mrs. Donna sa anak.

            “ma..ayokong mag aral dun..natatakot ako..ma..hindi ka ba nanonood ng mga balita maraming nawawalang guro dun..ma..wala kaba talagang paki alam sakin huh!!”emosyunal na sabi ni grace sa ina, dahil naramdaman nya na wala syang kwenta dahil puro talak lang ang naririnig nya mula dito at puro kamalian lang ang napapansin nito sa kanya.

            “grace..plzz..parang awa mo na..hwag mong idahilan ang news na iyan, dahil walang katotohanan iyan? Isipin mo ng gusto mong isipin grace,,na wala akong pakialam sayo,,pero para rin ito sa ikabubuti mo.anak..”napapikit na si mrs.donna sa anak dahil napakatigas ng ulo nito. Barkada lang ang inaatupag nito, kaya nga pabalik balik ng 1st yr college si grace dahil sa katigasan ng ulo nito, bakit kaya nagrerebelde ito??na lahat binigay na ito sa kanya kung anong kailangan nya andyan. Kaya nya naisipan na sa ford academy ang anak dahil duon mababantayan sya at bantay sarado dahil ang ford academy ay parang boarding school, uuwi lang pag weekends at bakasyon..babalik naman kong may pasukan nanaman.

            “ikabubuti..??paano makakabuti sa kin,, kung mag aral ako sa eskwelahang iyon..ma..plzz,,natatakot ako dun..ayokong mag aral dun..”pag mamakaawa ni grace sa ina.

            “wala ng pero pero..grace,,basta dun kita ipapasok sa ayaw mo at sa gusto mo..”angil ni mrs donna sa anak..at tinalikuran ito, walang magawa si grace kundi ang umoo dahil alam nya ang ina kung ano nag desisyon ay masusunod, napalugmok syang napaupo sa sofa.

 ____________________________________________________

hehehe..pacensya,,kung natagalan po pag UD..hehehe..pasensya kung medyo sabaw ang chapter nato at kunti lang kasi.. hindi po ako gumamit ng pov...heehhee..pero sa chapter to napo gagamit naako..

enjoy reading!!

plzzz..vote and comment

tnx

school killer <F.I.N.I.S.H.E.D>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon