chapter 24- the finale

1.2K 28 1
                                    

3rd person’s pov..

            Nakatihaya si grace sa sahig, duguan ang ulo nito bunga ng pagpokpok sa ulo nito.

            Gumalaw bahagya ang kanyang kamay, kasunod noon ang pagmulat ng kanyang mga mata.

            Bumangon sya at sinapo ang ulo nya.

            May nararamdaman syang likido na nagmula sa kanyang ulo, tiningnan nya ang kamay nya, may dugo.

            Kinabahan sya, naalala nya  sila Harvey at aina, pati ang mga kaklase nya.

            “si..sila!”mahinang bulong nya at dali daling bumangon kahit hirap sya pero kailangan nyang gawin para mailigtas ang  kanyang mga kaklase.

            Tumakbo sya, nasa rooftop pa sya, kinailangan nyang pumanaog ng hagdan dahil sira ang elevator ng school kaya  tumakbo sya, hanggang sa baba, hingal na hingal sya dahil sa taas ng tinakbuhan nya.

            Nakarating na sya sa baba.

            Napadako ang paningin nya sa gate, dali dali nyang pinuntahan ang gate, hindi nya alintana ang pagod.

            Pagdating nya dun. Nakalock ang gate..

            “shit!”napamura sya, pinilit nyang buksan pero ayaw pa din..

            Hanggang sa napagod sya, napaupo sya sa tabi na nawawalan na ng pag asa, umiyak nalang si grace sa tabi.

            Nahagip ni grace ang security guard, na nakatihaya sa damuhan, alam nyang patay na ito.

            Dali dali nyang pinuntahan ang guard at hinalungkat ang mga gamit nya, nahagip ng kanyang mga mata ang baril at dali dali nya itong kinuha at tumakbo.

“ahhhhhhhhhhhhh!” narinig nya ang sigaw na nagmula sa gym kaya agad nya itong pinuntahan.

====

Grace pov..

            “ahhhhhhhhhhhhh!” natigilan ako dahil may naring akong sigaw na nagmula sa gym kaya agad akong pumunta dun.

            Pagdating ko dun. Nanlaki ang mga mata ko.

Si Alfred na may dalang bakal at papaluin nya sina angelo at reyna.

Hindi ako makapaniwala sa nakita, nanginginig ang mga kamay ko na ikinasa ang baril at itinutok sa nakatalikod na si Alfred. Napipikit ako bago ko pinutok.

BANGGGGGGG!

  Natumba si Alfred sapol ang ulo nito.

            Pagmulat ko ng mga mata, nakita ko sila reyna at angelo na nagyayakapan.

Agad nila akong nilapitan at niyakap ako ni reyna.

            “grace..salamat sa dyos at buhay ka?”mangiyak ngiyak na sabi ni reyna sa akin, hilam sa luha ang mga mata nito, namumugto na dahil sa takot.

            Hindi pa rin ako makapagsalita, still in shock pa rin ako dahil nakapatay ako ng tao. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko dahil sa takot.

            “tapos na…!” masayang sabi ni angelo sa amin, tumulo ang luha nya pagkasabi nyang iyon.

            Parang bumalik na ako sa realidad.

            “a-asan sila..?” tanong ko sa kanila.

            Hindi sila sumagot bagkos umiyak sila at umiling.

school killer <F.I.N.I.S.H.E.D>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon