chapter 19-find the others..

1.1K 28 5
                                    

Alfred pov..

            "ahhhhhhhhhhhhhhhh"may narinig akong sigaw sa di kalayuan, napatingin ako sa pinanggalingan ng sigaw, dun nanggaling sa kaliwang pasilyo.

            Tinignan ko ang mga kasamahan ko narinig din nila iyon.

            Kaya dali dali kaming tumakbo sa bandang kaliwa.

            Pagdating namin dun, halos masuka kami sa nadatnan.

            Si paul, nagkalat ang mga bituka nya sa sahig.

            "arghhh!"Sabay kaming lahat.

            "umiyak na rin ang mga kasama naming babae na sina mau, grace at reyna.

            "shit..sinong gumawa nito!"galit na napasigaw si Harvey. Tumulo ang luha ni Harvey sag alit.

            Napansin ko ang room na nakabukas,mukhang dito galing si paul dahil ang dugo nito ay galing sa room na iyon.

            Bilis kong pumunta dun, napakadilim ng room na iyon, tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw mula sa bintana ng room na iyon.

            Hinanap ko ang switch ng ilaw. Kinapa kapa ko ang pader, ng matunugan kong switch na ito, tinurn on ko.

            Napamura ako sa nakita, pagbukas ng ilaw.

            "Shit.."napalakas ang boses ko.

            Dalawang silya at may nakataling dalawang tubo na matulis, sa kabilang silya, nakita ko si Sheila wala ng buhay, wakwak ang tiyan nito, at wasak na wasak ang bituka buhat ng tubo.

            Hindi ko namalayan dumating pala sila sa kwartonh iyon.

            "sheila!"malakas na sigaw ni reyna, habang umiiyak.

            Pinigilan sya ni mau para hindi sya makalapit sa bangkay ni Sheila. Niyakap sya ni mau.

            "reyna..tama na..wala na tayong magagawa..patay na si Sheila!"sabi ni mau para huminahon si reyna.

            "mau..wala na si Sheila..wala na sya"mangiyak ngiyak na sabi ni reyna, napahigpit ang hawak ni reyna sa damit ni mau.

            Nanlulumo kaming lahat, patay na ang dalwang klasmyt namin, pero hindi pa rin kami nawawalan ng pag asa, mayron pang iba.

Julianne's pov..

            Nagising ako sa rooftop.

            Nasapo ko ang ulo ko dahil kumikirot ito. Tatayo sana ako pero nakagapos ang mga paa ko.

            Tumingin ako sa kanan ko may kasama pala ako. Nag makilala ko ito si aina pala.

            "aina!gising..!"niyugyog ko sya, para magising.

            "hmmm!"ungol nya dahil nagising na sya.

            "saan tayo julianne?"Tanong nya sa kin ng mapagtanto ang lugar.

            "nasa rooftop tayo!"sabi ko sa kanya.

            "aalis tayo dito!" pangako ko sa kanya.

            Nahagip ng mga mata ko, pareho pala kaming nakakadena.

            "ju-juliane..pa-paano nangyari ito..??ma-may kadena ang mga paa natin"kinakabahang sulyap ni aina sa paa nyang may kadena.

school killer <F.I.N.I.S.H.E.D>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon