chapter 20- the plan..

1.2K 27 3
                                    

Harvey’s pov..

            Andito kami ngayon sa room kung saan pinatay si Sheila at si paul.

            Sukang suka kami sa nakita. Mukhang babaliktad na nga sikmura ko eh dahil sa nakita ko ang kalagayan ni Sheila na wakwak ang tiyan at wasak na wasak ang bituka.

            “may iba..pa..hwag tayong mawalan ng pag asa!hanggat di na uubos ang sampung minute natin, walang titigil”nagsalita si Alfred.

            Tama si Alfred may iba pa, may iba pa kaming mga kaklase na dapat namin tulungan..

            Shit..ano bang nangyari sa amin??sino ba ang killer??hayop sya, napakawalang hiya nya??

hindi ko mapigilan ang umiyak, dahil sa galit ko sinipa sipa ko ang pader, sinuntok ko ito, hindi ko alintana ang sakit, inaparta naman nila ako.

“tama na Harvey..tama na..plz..magpakatatag tayo okay..makalalabas tayo ng buhay dito lahat!”pag papakalma sakin ni grace, umiyak na din sya. Niyakap nya ako para mawala ang sakit na nararamdaman ko pero hindi pa rin mawala.

“hindi mo ako naiintindihan grace???nakikita nyo ba iyan??dalawa na ang namatay,,??pagkatapos sino naman??tayong lahat mamamatay dito sa letseng eskwelahan nato!”humagulhol na ako ng iyak dahil hindi ko na mapigilan ang emosyon ko, hindi ko maintindihan takot na pwedeng mamatay kaming lahat o pangamba na makatakas sa skwelahang ito.

“ano ba kayo?magsisihan nalang ba tayo dito ha,,lahat naman tayo takot mamatay,,ano ba!magpapakatatag naman kayo oh..plz..tayo nalang ang inaasahang ng mga classmate natin para makaligtas sila!”sumingit si mau, umiyak na din, inalo naman sya ng boyfriend nyang si jim.

Parang nalakasan kami ng loob sa sinabi ni mau.

“ok..here’s our plan, jim, mau, lester dun kayo sa 3rd floor, ako, Harvey, grace dun tayo sa rooftop. Kayo naman tatlo punta kaya sa radio station sa bandang kaliwa ng building!”instruction ni Alfred agad naman kaming sumangayon.

“sige go!”sambit ni nilo, at pumunta na kami sa aming rota.

Magkasama kami ni Alfred grace at ako, tinungo namin ang 5th floor dahil dun ang rooftop.

Umakyat kami dun sa rooftop dahil sa pagmamadali, nagkahiwa-hiwalay kami. Hindi ko na alam kong saan ako nasuot.

Bahala na.

Naglakad ako sa madilim na hallway, nararamdaman kong may sumusunod sakin, napalinga ako pero walang tao,  binilisan ko ang lakad ko, ganun din ito rinig ko ang mga yabag ng paa nya. Until narinig ko ang kalinsing ng bakal??hindi ko mawari kung itak ba o bakal ang dala nya basta ang alam ko masakit sa tenga.

Kinabahan ko, mas lalo kong binilisan ang paglakad hanggang tumakbo na ako dahil sa kaba at takot na baka ako na ang susunod.

Takbo..

Takbo..

Takbo..

Hanggang makarating ako sa hagdan ng rooftop, paakyat na ako dahil sa pagmamadali ko may nabangga ako.

“ahhhhhhhhh”sigaw ng nabangga ko, agad kong tinakpan ang bibig nya at pumanog kami para magtago sa likod ng hagdan, kinakabahan ako.may mga bakas na paa ang aking narinig.

Aina’s pov..

            “ahhhhhhhhhh!”napatili ako dahil may nabangga ako, agad nyang tinakpan ang bibig ko at pumanaog kami sa likod ng hagdan at nagtago.

            “hwag kang maingay..kung ayaw mong mamatay!”bulong nya sakin, nakilala ko na kung sino to, si Harvey, kilalang kilala ko ang boses nya.

school killer <F.I.N.I.S.H.E.D>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon