Grace pov..
Nasa kwarto ako ng mga sandaling ito kasi hindi pa rin mawala ang galit ko kay mama. Sa totoo lang ayokong pumasok sa ford academy, natatakot ako dahil napabalita na maraming nawawalang guro at estudyante sa paaralang iyon.
I hate you ma..hindi ka ba natatakot para sakin na baka mapano ako dun.
Naisipan kong tawagan si jim para sabay na kaming mag paenroll sa ford academy.
Nagring ang cp nya at nang sinagot nya ito.
“hello..”jim.
“jim..kailan ka mag papa enroll sa ford?" Tanong ko.
“bakit?? Akala ko ba, ayaw mong mag aral dun..?" nagtatakang tanong ni jim sakin.
“oo nga..pero..si mama..eh.. gusto nyang dun ako mag aral..wala akong magawa?” I rolled my eyes.
“hehe..sabi ko naman sayo eh..nakakaexcite mag aral sa horror school, ika mo..hahaha!”tinawanan ako ng walang hiya.
“napasubo lang ako,,sa totoo lang I hate ford academy!”sabi ko…
“ui..hwag mong ganyanin ang dream school ko huh..!”dream school nga pala to ng kumag hahaha..noon pa, pangarap na nyang makapag aral ditto..hehhe.
“sorry..but.. totoo naman ang sinasabi ko..ah.. may masama ba sa sinabi ko…”pagtatanggol ko sa sarili.
“wala…pero nilalait mo ang dream school ko..”galit na galit ang kumag,,hahaha.
“oh..sige..na..kailan ba?”tanong ko.
“hmm..bukas”-jim.
“sige,,sasabay ako..puntahan mo lang ako ditto bukas”ako at nag paalam na.
===========
Kinabukasan..
“ang tagal naman ni jim??shit..”napamura ako dahil 30mins na akong naghintay sa kanya. Tiningnan ko ang wrist watch ko pasado alas 9;00 na ng umaga.
Sa wakas nakita ko din na papalapit sya.
“kanina ka pa ba?” nagtanong pa.
“hindi..ngayon lang..gusto mo??ba’t ngayon ka lang..kanina pa ako naghihintay ditto”singhal ko sa kanya dahil naiinis ako.
“aishh…tama na..tara na…”pagkasabi non pumara sya ng taxi.
Huminti ang taxi sa harap namin at sumakay kami.
Tinahak naming ang daan papuntang ford academy.
“isang guro na naman ang nawala sa ford academy, kinikilalang si mrs. May Gomez, isang math teacher ng naturang akademya, nag overtime daw ito noong isang araw dahil inutusan ng principal pero biglang naglahong parang bula ang naturang guro…”narinig naming ang balita sa stereo ng taxi. Kinilabutan ako sa narinig. Binalingan ko si jim habang pa simple na nakaupo sa tabi ko.
“OMG..narinig mo iyon may nawawala na namang guro, jim sa ford academy”takot na takot ako sa balitang iyon.
“balita??balita..puro ka nalang balita hwag kang maniwala don, sinisiraan lang nila ang dream school ko” pangarap ni jim ang makapag aral sa ford academy, magkapitbahay kami noon, pero dahil sa circumstances between my parents kaya lumipat kami. 5 yrs ang tanda ko sa kanya, hehehe..nakakahiya naman…dahil sa katigasan ng ulo at naimpluwensyahan ng mga kaibigan tuloy pabalik balik ng 1st yr college, hahaha..ayan tuloy napasok sa pinakamatakot na school sa ford academy, matatakutin pa naman akohuhuT_T..