Mau’s pov..
Nasa room na ako kasi nawalan ako ng gana, dahil may pumasok na pervert at may kasamang babae, hmm..npakalanding babae.tsk..akala mo kung sinong maganda, mas maganda pa kaya ako sayo.
Dito muna ako sa room tambay muna, study mode maaga pa naman kasi 10 pa ang pasok namin. Nagbuklat ako ng libro,buklat buklat lang ang ginawa ko pero wala talaga sa isip ko ang pagstudy dahil andun kay jim, shit napakabadtrip naman oh,,grrrr….
BOGSHHHHH!!
Narinig kong parang may sumabog.
Hala..ano iyon..(O_O)
Kinakabahan ako,kung ano ang sumabog.
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto, paglabas ko nagpanic ang mga estudyante.
“ang 4-E section na may sumabog na chemical!”
Tumakbo ang mga estudyante papuntang 4-E section sa kabilang building iyon, kung saan ang skwelahan na pinag aaralan namin.
Tumakbo din ako, isa lang ang nasa isip ko si jim..alam kong hinatid nya ang taga 4-E section kanina dahil nakita ko sya mula sa bintana ng kwarto na hinatid nya ang taga 4-E.
Takbo..
Takbo.
Hanggang sa makarating ako sa room ng section 4-E.
Maraming mga estudyante ang nakiusyoso sa labas ng section 4-E.
Hindi ko maaninag ang nasa loob kasi ang kapal ng usok.
Hindi ito pangkaraniwang pasabog lang,alam ko ito ay mga chemicals na mali ang paghalo, pwede kang mamatay dahil sa usok nito pagnakalanghap ka.
Nagpanic na ang mga estudyante lahat kami nagtabon ng mga panyo sa ilong baka mamatay kami.
“anong nangyari mau?”narinig kong mula sa likuran ko, sila Sheila, grace,reyna at lester.
“hi..hindi ko alam basta ang alam ko, may sumabog!”naghysterical na ako, dahil sa kaba.
“student,,go to your room now..kasi pagnalanghap nyo ang usok nito maaari kayong mamatay.”utos sa amin ng dean, na ngayo’y nagtatakip ng ilong din. “ kami na ang bahalang mag fix nito!”pagpapatuloy ng dean.
Mga 3-D section na lang ang natira, 17 nalang kami.
Hindi ako mapakali dahil alam kong andun si jim, shit what happen to me,,bakit inaalala ko ang hayop na iyon?? Pero kahit anong pilit ko na pakalmahin ang sarili ko na hindi magpanic sa pervert na iyon pero bigo ako.
I need to help him..wala akong pakialam kong masawi man ako.
Lumabas ako ng kwarto at dali daling pumunta sa 4-E section.
Nakita ko si dean na abala, sa pag uusap ng mga reporters sa labas, hindi namin namalayan na nakarating napala ang mga reporters at mayron na ding mga ambulansya sa loob at dun ako nagkaron ng pagkakataon na pumasok sa loob, nagdala ako ng panyo ko at tinakip sa ilong. Kahit anong takip ko nanghihina pa rin ako dala ng usok,
“Ahoo..ahooo”ubo ako ng ubo..
Hindi ko maaninag dahil puno ng makapal na puting usok ang room.