Prologue

3.6K 152 28
                                    


[PROLOGUE]

I randomly read a few of the thousand emails she sent me over the years.

[From your Destiny...
Hello? Sinusubukan ko lang, baka sakaling totoo ‘tong bagong pamahiin nila.]

[From your Destiny...
Sa tingin ko, fake ‘to. Di ka kasi nagre-reply... O baka naman, wala talaga akong destiny. :( ]

[From your Destiny...
Kahit ‘K’ ba hindi mo ko re-reply-an? Ilang taon na kitang minimessage pero... Hay. Sige na nga, kuwento nalang ulit ako tungkol sa exam namin kanina...]

[From your Destiny...
Nakita ko si Ate Chenee kanina, ni-libre niya ako! Sabi niya going strong daw sila ni Sir Miro na s’yang destiny niya. Kainggit! Sana tayo rin, magkita na.]

[From your Destiny...
Muntikan ng makita ni ina ang mga pasa ko. Buti nalang mabilis kong naisuot ‘yong long sleeve ko na uniform.]

[From your Destiny...
May isa na namang estudyante na nakilala ang destiny niya sa pamamagitan ng mga pamahiin. First try pa langdaw niya ‘yon! Swerte~]

[From your Destiny...
Kasalanan ko ba na siya ang naging ama ko?]

[From your Destiny...
Nakakapagod na. Ang sakit na. Ayoko ng umiyak pero ito lang ang tangi kong magagawa.]

[From your Destiny...
Nga pala, pag nakilala mo ko, huwag kang magtaka kung wala akong kaibigan. Ipapaliwanag ko nalang sa’yo. Sana hindi mo ko husgahan.]

[From your Destiny...
Sabi nila malaki daw ang posibilidad na kapag hindi nagreply ang destiny mo sa mga emails mo, hindi daw siya taga-AFU kaya wala siyang paraan para mabasa ang mga mensahe mo. Saan ka ba nag-aaral? Hindi ba dito sa AFU? Kaya ba hindi ka nagre-reply?]

[From your Destiny...
May nangyari. Hindi kapani-paniwala.]

[From your Destiny...
Okay lang ba kung ikukuwento ko sa’yo? Wala kasi akong mapagsabihan. Siguradong walang maniniwala sa’kin.]

[From your Destiny...
Wish granted. :)]

[From your Destiny...
Sorry. Mahal ko na yata siya.]

[From your Destiny...
Should I use my last wish?]

[From your Destiny...
Last day na niya...]

[From your Destiny...
... Bakit pakiramdam ko may kulang?]

That was the most recent until a new email came in.

[From your Destiny...
Ipi-play na yata nila ang huling kanta. :( Sana hindi nalang talaga ako sumali. Wala rin namang sasayaw sa’kin.]

I tore my eyes off the screen of my phone and glanced at the girl sitting alone in a table at a corner.

I smiled.

Then, I emailed my destiny.

[To my Destiny...
Mayroong sasayaw sa’yo. Ako.]

He's my Genie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon