Day Eleven

59 6 2
                                    

DAY ELEVEN
[Jan. 17, 2020]
**--**
"Master--"

"Oo na." Itinaas ko pa ang isang kamay ko sa harap ng kanyang mukha upang hindi na siya dumugtong pa. "Naiintindihan ko na. Hindi mo maalala."

Kasabay nang kanyang pagtango ay ang aking pagbuntong hininga.

Kanina ko pa tinatanong si Fiel sa maaari kaalaman niya tungkol sa nangyari sa paaralan noong 1984. Nagbabakasakali lang ako na baka siya 'yon o kaya may ibang genie sa kapanahunan na iyon at may maibabahagi siyang kahit na anong impormasyon. Subalit sabi nga niya noong mga unang araw na naging genie ko siya, wala silang masyadong naaalala sa mga naunang pinaglingkuran nilang Master maliban sa iilang bagay tungkol sa kapanahunan nito, ang mga emosyon natutunan nila mula rito at ang mukha ng kanilang mga Master.

Magandang lead na sana ito kung malalaman ko ang itsura ng mga naging Master niya. Sinubukan kong alamin ito mula sa kanya ngunit hindi niya ito maaaring ipamahagi. Ito raw ay labag sa kanilang batas.

Kaya hindi niya masabi kung siya ba ang genie noon. Hindi niya rin maiaalis ang posibilidad na baka nga ibang genie 'yon at sakto lang talaga na sa panahong iyon ay sikat pa rin si Engelbert.

"Bakit nga po pala ninyo naitanong, Master? May ibig ba kayong malaman kung makakatagpo niyo ang genie noong 1984?" nagtatakang tanong nito nang maupo sa tapat ko.

Umiling ako bilang tugon rito. "Hindi naman ang genie ang gusto kong makausap, Fiel… kundi ang Master nito sa panahong iyon."

"Bakit naman po, Master?"

Mataimtim itong nakatitig sa akin, hinihintay ang aking isasagot. At sa ilang segundong katahimikan na iyon ay napag-isipan kong huwag nang sabihin rito ang dahilan.

"Wala lang. Curious lang ako." sagot ko nalang. Paano ko ba kasi sasabihin sa kanya na gusto kong kausapin ang Master ng kung sino mang genie na yon upang malaman kung anong nangyari sa loob ng tatlumpong araw na kontrata nila at nagtapos ba ito ng maayos? At kung bakit rin hindi niya ito ipinaalam sa school administrators matapos ang kontrata?

Hindi naman lingid sa lahat na may mahika ang paaralan at nakakandarapa ang lahat kahit ibang Professors upang maranasan ito at ipatampok ang kuwento sa Golden Book Story. Kaya nakakapagtaka talaga. Unless, hindi talaga yon genie?

Ay ewan.

Iniligpit ko na ang pinagkainan kong plato at ang ginamit kong kubyertas nang mapansin si Fiel ay nakatitig pa rin sa akin.

"Bakit?"

Hindi ito agad na sumagot. Bagkus ay tinitigan pa ako lalo na para bang inaanalyze ako.

"Fiel, may gusto kang sabihin?"

Sa pagkakataong ito ay sumagot na rin siya at ang sagot nito'y nagpatunay nga sa aking hinala na inaanalisa na naman ako nito."Napag-isip ako ng tanong mo, Master. Hindi ko man ginustong isipin pero hindi ko na napigilang bumuo ng dahilan kung bakit ineteresado kang kausapin ang Master ng genie noong 1984."

Isinantabi ko na muna ang aking mga niligpit upang pakinggan siya. "Sige, sabihin mo nga."

"Ito ay aking pakiwari lamang ngunit maaaring gusto mo siyang kausapin upang malaman kung anong nangyari sa loob ng tatlumpong araw na kontrata at kung nagtapos ba ito na walang masamang nangyari." He said the words lingering my mind in his monotone voice. Hindi ako makapaniwala.

"Nababasa mo ang iniisip ko?" Hindi ko napigilang itanong rito. Sinabi lang naman niya ang sentiments ko kanina. It might not be the exact words but that thought is there. "Akala ko emosyon lang ang nababasa mo, Fiel?"

"Master," his lips pressed into a thin line."Maari mo bang sabihin sa akin… hindi mo pa rin ba ako pinagkakatiwalaan?"

Ibinuka ko ang aking bibig upang sumagot kasi akala ko ang maririnig ko sa kanya ay,'Oo nababasa ko ang isipan mo' ngunit imbes na sagot ay tanong ang ibinato nito sa akin. At hindi ko kaagad naiproseso ang tanong nito.

He's my Genie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon