Day Twelve

67 5 9
                                        

DAY TWELVE
[Jan. 18, 2019]

**--**

Inusog ko ang kasasara ko lang na libro tsaka tumingala upang silipin ang Review Teacher namin. Nakatutok ito sa kanyang laptop habang nagta-type. Mukhang abala nga ito kaya ibinigay na lang sa amin ang dalawang oras upang mag-self review.

Luminga-linga naman ako sa mga kakaklase kong tahimik ring nakatungo. Nagre-review naman talaga ang karamihan habang ang iba ay tinatapos ang mga takdang aralin sa ibang subject. Alam ko kasi tanaw ko na ibang libro ang nakabuklat sa kanilang mga mesa.

Itinungo ko nalang muli ang aking ulo at nakipagtitigan sa mesa ko sa loob ng apat na taong pag-aaral sa AFU. Inilapat ko ang aking mga daliri sa mga letrang nakaukit rito at dahan-dahan itong hinihimas habang binabasa ang mga ito sa aking isipan.

*Hi, destiny.

*Totoo ba talaga ang Golden Book Story #143?

*Bakit hindi ka sumasagot? Wala ba akong destined someone?

Napangiti ako. Ito ang mga mensahe ko sa aking destiny noong first year pa lang ako. Siyempre, dahil nga bago pa ako sa pinapasukan at na-excite ako sa ideya na makausap ang aking destiny gamit ang desk ko ay sinubukan ko na rin. But I've stopped after my third unanswered message. Naniniwala pa rin naman ako sa kuwento pero hindi naman ako paasa sa sarili ko.

But unconsciously, I took my pen and uncapped it. Habang nakatitig sa dulo nitong may tinta ay naisip ko bigla na dahil patapos na rin naman ako sa kursong ito at paalis na sa AFU, ay magsulat kaya ako ng huling mensahe sa destiny ko? Ilang buwan mula ngayon ay hindi ko na 'to magagawa ulit kaya let me leave one last message sa kanya. Isa pa, tinatamad na rin kasi akong magreview kaya aabalahin ko nalang muna ang sarili ko sa ibang bagay.

*Hindi ka ba talaga magre-reply? Malapit na akong maggraduate. Baka naman pwedeng kahit isang Congratulations man lang :)

Dahan-dahan ko itong isinulat upang masiguradong maayos ang aking sulat-kamay. Hindi naman ako umaasang may sasagot sa akin ngunit hindi ko pa rin napigilang tumitig sa blankong espasyo kasunod ng aking mensahe. Kung mayroon mang sasagot ay gusto kong makita kung paano unti-unting magmamarka ang mga letra ng mensahe nito.

Inilapat ko pa ang aking hintuturo sa huli kong isinulat nang matuyo na ito. Sinalat ko ang bawat letra, sinusubukang iimprinta sa memorya ko ang pakiramdam nito sa aking balat…

hanggang sa nahinto ako. Napatitig ako ng taimtim sa aking nakikita at ilang beses ko pang kinusot ang aking mga mata, sinisiguradonh hindi ako namamalikmata. Nang makitng yon a rin ang aking nababasa ay tinakpan ko ang aking bibig upang hindi marinig ng iba ang pagsinghap ko. Napatungo na rin ako lalo upang makasiguradong walang makakapansin sa akin.

Bawat linya ng letra ng kanyang mensahe ay nakita kong nagmarka sa espasyong katabi lang ng mensahe ko kanina.

**Congratulations!

Kulay ginto ang mga letrang umukit sa aking desk at hindi ko mapagilang mapangiti ng sobrang lapad. Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ba ako nananaginip? May sumagot talaga sa mensahe ko?

Huminga muna ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko bago hinigpitan ang paghawak sa pansulat. Inilapat ko ulit ito sa desk at nagsimula muling magsulat rito.

*Totoo ba 'to? Nagreply ka na matapos ang ilang taon???

Nanginginig pa ang mga kamay ko nnag isulat yan kaya medyo tagilid ang sulat kamay ko sa ikalawang mensahe kung ikukumpara kanina. Excited ako, eh!

**Oo, totoo.

Hinintay ko pa kung may kasunod pa itong mensahe ngunit ganoon lang talaga ka-ikli ang sagot niya.

He's my Genie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon