DAY NINE
[Jan 15, 2019]
**--**
"I am terribly sorry for what my daughter has done to you again." Marahan nitong hinilot ang kanyang noo na pansamatalang nagbubura ng iilang kulubot nito. "Pinagsasabihan ko naman ang batang 'yon pero hindi pa rin natututo. Ang tigas ng ulo, mana sa kanyang Mommy. But don't worry iha, I'll try my best to knock some sense on her this time."Hindi na ako sumagot pa at tinanguhan ko nalang ito. Wala na akong balak pahabain pa ang pag-uusap namin lalo na at napansin kong kahit umagang umaga pa lang ay bakas ang pagod sa kanyang mukha pati na sa kanyang boses.
Tinapik niya ako ng mahina ang aking kanang balikat bago siya tuluyang naglakad palayo. Siya ang huling magulang na nakausap ko dahil nahuli ito sa pagdating.
Pinagmasdan ko ang likod nito, ang mabagal nitong paghakbang, at ang panay nito paghilot sa kanyang likuran… hanggang sa nakita ko itong lumiko at tuluyang nawala na sa aking paningin.
Tatay iyon ni Madonna at hindi ito ang unang pagkakataong magkausap kami dahil sa halos taon-taong pambubully ng anak niya sa akin ay napapatawag rin ito sa Guidance Office.
Kaso nga lang, sabi nga niya kanina, kahit anong supil niya kay Madonna ay bumabalik pa rin ito sa pananakit. Kaya nga ayoko na sanang umabot pa ito sa Guidance lalo na at alam ko namang pagkatapos ng limang araw na suspensyon ay babalikan pa rin ako ng mga ito. They will only hate and hurt me even more. Tulad nalang ng nangyayari sa mga lumipas na taon. Nasuspend silang magbabarkda at sa pagbabalik nila ay mas naging mas masahol ang pagtrato nila sa akin.
How could I expect less this time?
Subalit hindi ko naman ipagkakailang natutuwa ako kahit sa limang araw na wala sila rito. Isa pa ring biyaya ang ilang araw na wala akong matatamong bagong mga pasa.
"Llana." sambit nito sa aking pangalan dahilan para mabaling ang atensyon ko sa kakabukas lang na pinto. Nakadungaw si Sir Key mula rito.
Siya nga pala ang Guidance Councilor namin sa AFU, ang nagpatawag sa mga magulang nila Madonna para maipaalam sa kanilang suspended ang mga anak nila dahil sa insidente kahapon.
Mukhang close sila ni Ate Chenee kaya mabilis na naisumbong sa kanya ang pangyayari.
"Sir, bakit po?" takang tanong ko rito nang mapansing palinga-linga ito sa paligid. Napalinga rin ako ngunit wala naman akong napansing kahit isang anino.
Nang ibalik so kanya ang aking tingin ay sinenyasan niya ako gamit ang kanyang kamay. "Pwede bang pumasok ka muna rito sa loob at may pag-uusapan tayo?"
Hindi iyon isang tanong lalo na nang mas nilawakan pa nito ang pagkakabukas ng pinto. Kaya kahit medyo naguguluhan ako ay pumasok ulit ako sa loob ng opisina nito. Sa malambot na single chair na nakapwesto sa harap ng kanyang mesa ako dumiretso at naupo.
Napalingon ako sa kanya saglit bago napatitig sa mga papel na nakastack sa kanyang mesa.
Hindi ko napigilang maghabi ng mga konklusyon sa aking isipin kung saan man tungkol ang aming pag-uusapan. Nanggaling na kasi ako rito kanina kasama ang mga magulang ng mga sangkot kahapon at kung tungkol man ito kina Madonna ay dapat sinabi na niya ito sa akin sa kanilang harap. O baka naman tungkol nga sa kanila pero ayaw lang niyang sabihin sa harap nila para hindi naman mainsulto o masaktan ang mga magulang nito.
"You're over analyzing things again, Llana." Huli na nang mapansin kong nakaupo na pala ito sa aking harapan at pinagmamasdan na pala ako.
Minsan talaga hindi ko talaga napipigilang mamangha kay Sir Key sa mga pagkakataong tulad nito kasi para bang may kakayahan siyang mabasa ang takbo ng aking isipan. O baka nga naman bakas sa aking mukha ang mga iniisip ko?