Day One

2.2K 102 22
                                    


Day One (Jan. 7, 2019)

[To my Destiny...
Bagong taon na, ni isang sagot mula sa’yo hindi pa rin ako nakakatanggap. Pero para klaro, ‘di ako nagrereklamo. Sinasabi ko lang. Baka kasi sakaling sa pangungulit ko, mapapasend ka ng kahit exclamation point man lang. :) Alam m ]

Hindi ko na natapos ang bagong email ko para sa aking destiny nang makita ko nalang ang cellphone ko na lumipad sa ere at bumagsak sa unahan. Kasabay din nito ay ang paghalik ko sa sahig ng classroom at pagbangga ng patapatin kong braso sa mga nakaharang na mga silya.

Isang segundo lang matapos nang aking pagkakabagsak ay naramdaman ko na ang tila kidlat ng sakit na tumama sa buo kong katawan. Napapikit ako kaagad sa sobrang sakit pero pinigilan ko ang aking sarili na mapaiyak dahil dito.

Hindi naman masakit Llana!

‘yan ang paulit-ulit kong iniisip habang nakadapa pa rin sa sahig. Alam kong niloloko ko lang ang aking sarili pero ito lang kasi ang tanging alam kong paraan upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.

“Haharang harang kasi. Tanga!” Isang malutong na sipa ang natanggap ko sa aking tagiliran dahilan para mapasigaw ako sa sakit... na isang malaking pagkakamali.

“Did I just hear you scream?” Narinig kong tanong niya at alam ko na ang susunod na mangyayari.

Mabilis kong kinagat ang aking ibabang labi para pigilan ang sarili na mapadaing ulit nang marahas niyang hilahin ang aking buhok na para bang gusto niyang ipaghiwalay ang mga ito mula sa aking anit.

Ang sakit! Sa sobrang sakit ay gusto kong sumigaw muli, gusto kong kumalawa sa hawak niya. Kaso ayoko ng panadaliang kalayaan para sa mas masakit na kaparusahan. Alam ko kasing lalo niya akong hindi tatantanan kung manglalaban ako.

Naramdaman ko ang labi niya sa tabi ng tenga ko at bumulong sa akin. “You know the rules here, Llana. Don ka lang sa posisyon mo, hindi ka masasaktan. So if I were you, stay were you’re supposed to be. And by that I mean... OUT OF SIGHT.” Isang huling malakas na paghila pa ang ginawa niya bago ako tuluyang bitawan. Nakita ko ang mga paa niya na palayo sa pwesto ko hanggang sa mahinto ito sa may pinto.

“For the nth time Llana, I’d suggest you just quit this school. Huwag mong hintaying grumaduate bago umalis dito, baka kasi naka wheelchair ka na papanhik sa stage.”

Nanginig ang buo kong katawan hindi dahil sa malakas na pagkakabagsak niya sa pinto pero dahil sa mga binitawan niyang mga salita. Kilala ko siya. Hindi kasi siya ‘yong tipong hanggang salita lang. Hindi siya takot na totohanin ang mga banta niya.

Hindi ako kaagad na nakatayo matapos nang nangyari. Para kasing bawat parte ng aking katawan ay nananakit. Ang hinihiling ko lang ay sana walang mamuong bagong pasa dahil sa nangyari ngayon. Ang hirap ng itago eh.

Itinukod ko ang aking palad sa mga nakatayong silya at dahan-dahang itinayo ang aking sarili. Agad kong hinanap ang tumilapon kong cellphone sa bawat sulok ng classroom hanggang sa nakita ko ito sa ilalim ng malaking cabinet. Inabot ko ‘yon kahit na ang dumi-dumi ng ilalim.

Nang makuha ko na iyon ay hindi ko mapigilang na mapangiti nang makitang hindi nabasag ang screen nito at gumana pa.

Buti naman. Hindi ko yata kakayanin pag ka nasira ito. Dito ko lang kasi nagagawang ilabas ang aking sama ng loob, sa pamamagitan nang pagpapadala ng at least isang email sa Destiny ko. Hindi man ako nire-reply-an non ay masaya pa rin ako kahit papa’no dahil may masasabi akong kaibigang nakikinig sa mga nangyayari sa buhay ko.

Napatingin ako sa aking relo. Alas dyes na pala.

Mabilis akong lumabas ng classroom dala ang aking bag at tinahak ang daan kung saan may kakaunti lang estudyante para hindi ako ulit mapagkatuwaan.

He's my Genie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon