Day Three

1.1K 62 9
                                    

He's My Genie!

Day Three (Jan. 9, 2019)

Isang tahimik na umaga ang pinagsaluhan namin habang naglalakad mula sa boarding house na aking tinutuluyan patungong University. Nakakaramdam na nga ako ng pagkailang sa sobrang tahimik niya eh ngunit 'di ko naman siya magawang kausapin dahil pakiramdam ko makakagulo lang ako; na kapag ba isang buka lang bibig ko ay parang inahon ko siya ng walang dahilan sa dagat ng kanyang pag-iisip na kanina pa niya sinisisid.

Isa pa, hindi ko siya maaaring kausapin sa dami ng taong nakakasalubong ko. Sabi nga niya, hindi siya nakikita ng iba maliban nalang sa kanyang pinagsisilbihang Master kaya baka mapagkamalan pa akong isa na namang AFU student na lumuwag na ang turnilyo sa ilang taon kong pag-aaral doon.

Nakatungo lang ako habang binabagtas ang naturang bangketang naghihiwalay sa'kin at sa mismong pasukan ng University. Hindi kasi ako sanay na napapatitig sa mga mata ng ibang tao lalo na't tila pumapasok nalang bigla sa isipan ko na baka alam nilang anak ako ng isang kriminal.

Ilang minutong katahimikan pa ang lumipas hanggang sa makapasok na nga ako ng tuluyan sa loob ng University.

Tila isang ghost town naman ang sumalubong sa akin nang mapagmasdan ko ang katahimikang bumabalot sa buong lugar. Hindi ko na ito ipinagtaka. Alas syete pa naman kasi ng umaga at iilang estudyante pa lang ang naririto dahil sa alas otso y medya pa magsisimula ang lahat ng klase dito.

"Wala bang sasalubong sa'yo, Master?" Hindi ko naitago ang pagkagulat nang marinig ko ng biglaan ang boses niya sa likod ko. Napatalon pa talaga ako bago siya lingonin.

"Grabe ka, papatayin mo yata ako sa gulat!" sabi ko kasabay ng mahihinang paghampas ko sa aking kaliwang dibdib.

Jusmiyo, ang bata bata ko pa, aatakihin na ako sa puso ng dahil lang sa isang genie!

"Paumanhin Master. Hindi ko itensyon na kayo'y gulatin." Pagkasabi niya noon ay humakbang siya upang mas lalong mapalapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko dahilan upang ako'y manigas.

"T-eka, anong gaga-"

"Sigi sigi!" Sing lakas ng pagkakasabi niya no'n ay ang pag-alog niya sa buong katawan ko na para bang isang lang akong bote ng tubig. "Sigi sigi!" seryoso niyang pag-uulit.

'yong totoo, para akong na-Double Shock sa ginawa niya. Double kasi kahit alam ko ang intensyon ng ginagawa niya ay nagulat pa rin ako sa ikalawang pagkakataon dahil hindi ko akalaing alam niya rin ito.

Ngunit hindi ko naman napigilan ang mapangiti nang mapagmasdan ang seryoso niyang mukha habang inuulit-ulit iyon. Nakakatuwang sa tagal ng panahon ay may gumagawa ulit nito sa akin ngayon. At hindi lang kung sino, isa pang genie!

"Okay na po ba kayo, Master?" Bakas ang pag-aalala sa mukha niya nang itanong 'yon at sa tingin ko, hinding-hindi siya maniniwala na okay na ako kapag hindi nanggaling mismo sa bibig ko ang mga salitang iyon.

Kaya sinagot ko siya pero pilit kong itinago ang ngiti ko. "Oo. Okay na." Tumikhim ako bag nagtanong sa kanya. "Para saan ba 'yong ginawa mo?" tanong ko pa rin kahit na alam ko na ang sagot at hindi niya naman ako binigo sa sagot niya.

"Upang alisin ang gulat sa inyo, Master."

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan ang mapangiti. "Alam mo, naalala ko si ina sa ginawa mo."

Ganoon rin kasi ang ginagawa niya noong bata pa ako lalo na at gulatin ako. Nakakawala daw kasi iyon ng gulat eh. Ewan ko ba kung totoo pero para sa'kin epektibo dahil imbes na mapatulala ako sa biglang nangyari ay napapatawa nalang ako dulot ng pag-alog niya sa buo kong katawan. Pagkatapos pa non ay kinikiliti pa niya ako sa tagiliran para tuloy-tuloy ang pagtawa ko.

He's my Genie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon