Day Five [Jan. 11, 2019]
Sa ikatlong pagkakataon ay umikot akong muli sa harap ng malaking salamin upang siguraduhing natatakpan lahat ng hindi dapat makita sa buong katawan ko. And by that I mean, all those bruises I got from the bullies at school. Sapat na sa akin ang pinagtitinginan at pinag-uusapan dahil sa pagmumukha kong sinauna sa sobrang balot ko kaysa makakuha na naman ng uninvited attention mula sa lahat kapag nakita nila ang mga ito. I know it would cause another series of bullying and I don’t think my body could handle the pain anymore.
Nakakapagod na. Sobrang sakit na. Kung pwede nga lang sana akong magcamouflage sa lahat ng dadaanan ko upang hindi na nila ako mapansin pa, ginawa ko na sana noon pa. Ngunit hanggang ngayon, hanggang sa paglipas ng ilang taon... nasa akin pa rin ang atensyon nila na para bang kaninang umaga lang nila nalaman ang totoong katauhan ko.
When will they ever stop? Kapag patay na rin ako tulad ng ama ko?
Napanglingo ako sa direksyon ng aking isip. I should really just stop thinking about the time when they would decide to stop because for sure, that won’t happen anytime soon.
“Master,” tawag ni Fiel mula sa labas ng kuwarto ko dahilan upang magising ang aking diwa.
Kaagad kong sinukbit ang bag sa aking likod at sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Sinubukan ko pa ngang hilahin ang 3/4 sleeves ng suot kong shirt upang matakpan lang ang sumisilip na pasa dito.
Bakit kasi hindi ko nalabhan ‘yong itim kong long sleeves? Magtitiis na naman ako sa paghila nito para hindi masyadong halata.
I sighed in defeat. Bahala na.
Tumungo na ako sa pinto at inikot na ang hawakan nito.
“Oh?” Hindi ko mapigilang magreact nang salubungin ako nang isang malapad na ngiti ni Fiel pagkabukas ko ng pinto. Nakaabang siya sa akin na para isang butler na naghihintay sa kanyang amo. “Ang laki ng ngiti mo ah.” dagdag ko pa nang isara ang pinto.
“Master, upang maging magandang ang umaga mo, dapat masilayan mo ang mala-anghel kong ngiti.” sagot niya naman kasabay ng mas lalong paglapad ng ngiti niya.
“Hindi ka rin masyadong mayabang.” saad ko bago maunang maglakad pababa ng hagdan.
I took every step slowly like some kind of princess on her birthday celebration. Ginawa ko ito hindi dahil feeling princess ako with a genie behind me, pero dahil sa masakit pa rin ang mga pasang natamo ko noong isang araw and I don’t want Fiel recognizing the pain I’m feeling.
Wala akong balak sabihin sa kanya ang totoo. Natatakot ako sa maaaring maging reaksyon niya. Paano kung maisipan nalang niya na iwan ako kasi hindi ako deserving na maging Master niya dahil sa kung sino talaga ako? Paano na?
Edi balik ulit ako sa dati. No one to talk to.
Loner. Aloof.
“Master, malungkot ka na naman.” Nakaharang na siya sa harap ko bago ko pa napansin. Taimtim siyang nakatitig sa aking mga mata dahilan para mapalunok ako ng laway at mabilis na mapaiwas tingin. Looking at someone else’s eyes is like seeing their soul and I couldn’t bear to let him see right through me... especially with his capability as a genie. “Master-”
“Hindi ako malungkot.” putol ko sa sasabihin niya.
“Hindi naman iyon ang sasabihin ko, Master.”
Ipinukol ko ang isang nagtatanong na tingin sa kanya at narinig ko nalang ang tanong niya, “Bakit ka laging naka-long sleeveless, Master? Pati suot mong uniform, ganyan rin hindi ba Master?”