Day Ten

68 3 7
                                        

Day TEN
[Jan. 16, 2020]
**--**
Naalimpungatan ako nang naulinigan ko ang mga kakalse kong nag-uusap.

Hindi naman ako 'yong tipong nakikinig sa usapan ng iba kaya sinubukan kong ilapit lalo ang dalawa kong braso sa aking mga tenga habang nakahiga ang aking ulo sa desk. Ayoko kasi ng nakaka-invade ng privacy ng iba.

Naririnig ko pa rin naman sila pero kahit papa'no ay ang mga salitang lumalalabas sa kanilang mga bibig ay hindi na masyadong malinaw kung ikukumpara kanina. Kaya dahan-dahan ko ring ipinikit ang aking mga mata para muling umidlip.

Ngunit hindi ko rin ito naituloy. Wala pang ilang segundo ay winaksi ng pag-uusap nila ang antok na kanina lang ay humehele sa akin.

Napamulat ako at inayos ang braso ko upang mapakinggang muli ng klaro ang sinasabi nila. Sorry, mukhang mapapa-evesdrop ako ngayon.

"Chills talaga Mars! Yong isa nga, sabi ng mga connections ko 'don sa batch nila, hindi pumasok ngayon sa sobrang takot." boses iyon ni Rowena, kaklase kong na ang upuan ay itong sa tabi ko. Sobrang lakas ng pagkakasabi niya na aakalain mong nasa kabilang seksyon pa ang kanyang kausap.

"First year ba? Malamang hindi na inform o kaya nainform  nga pero hindi palang talaga nasanay dito sa University kaya ganon nalang ang takot." kalmadong sagot ni Alma. Kasabay nito ay narinig ko rin ang paghila ng upuang nasa aking harapan na syang silya nito.

Hindi naman nila ako napansing nakikinig sa kanila dahil na rin sa nakatungo pa rin ako sa aking desk.

"Yah, first year. Pero Mars, kahit ba naman ako na nasanay na sa mga kababalaghan sa University na 'to, for sure hindi rin ako papasok if i were in his shoes. Like ikaw ba? Chill ka lang pag ikaw yon?"

"Mars… hindi naman sa hindi ako matatakot kung ako ang nasa pwesto niya. Pero ang ibig ko lang sabihin eh dapat ihanda niya puso niya kung dito man siya magkokolehiyo. Alam naman nating lahat na bahagi ng pagiging estudyante dito ang mga misteryo. Normal lang dito ang mga abnormal na nangyayari."

Sumasang-ayon ako sa sinabi ni Alma. Wala na ngang dapat ikagulat pa kung dito mo balak mag-aral dahil bahagi na ng kasaysayan ng Unibersidad na 'to ang mga kakaibang pangyayari.

You bear with it or leave.

"Well… true ka dyan. Kaya nga my parents ayaw akong pag-aralin dito in the first place dahil nga parang nababaliw ang ibang nakakapasok rito. But I still pushed for it. As if naman, pababayaan tayo ng admin."

"Tama. Hindi rin naman siguro bubuksan ang school na to kung hindi nila natitiyak ang kaligtasan natin. Isa pa, yong kahapon eh nagpamusic lang naman ang multo diba? Hindi naman sa pumatay. Kaya ano ba kinababahala natin?"

Nagsimulang maglarong muli sa aking isipan ang nangyari kahapon. It was honestly the most fun thing I had done for a long time. Oo, simple lang. Oo, saglit lang rin. Pero pang habang buhay kong aaalagaan ang ala-alang 'yon sa aking puso. Because somehow, it made me feel alive.

Gusto ko pa nga sanang ulitin, eh habang narito pa si Fiel subalit natatakot ako sa pwedeng mangyari. Yong kahapon pa nga lang nagkagulo na ang lahat, paano pa kung masundan ito?

"Ya. So Mars, naniniwala ka talagang multo nga ang nagparamdam kahapon?" kasalungat ng boses nito kanina ay mas naging mahina ito na tila bumubulong na.

"Syempre, Mars. May ibang paliwanag pa ba?"

"Ako rin. Napanood ko nga ang video kahapon, Mars. So creepy! Nai-record talaga ang pagsasalita nung multo! Like WTF. Kumo-concert pa rin pala ang mg multo kahit nasa kabilang buhay na." balik taas na naman ang boses ni Rowena.

Hindi ko napagiling mapangiti. Hindi multo si Fiel.
Genie si Fiel. Genie. Magkaibang-magkaiba sa multo.

"Ngunit ang ipinagtataka ko Mars, saan nanggaling ang musika? Saan ipinatutogtug, wala namang sound system?"

He's my Genie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon