Chapter 8: Bullies and Haters

21 2 0
                                    

CZARENA'S POV

May pasok na ulit ngayon, hinihintay ko na lang dumating yung apat pero malapit ng matapos yung klase at wala pa rin sila.

To: Alecxis, Kaye, Hannah, Kylie
HOY! NASAN NA KAYO?!!
Message Sent!

From: Alecxis
Sorry Czarena, hindi kami makakapasok ngayon biglaan yung pagkakasakit namin e. Sorry.

Pupuntahan ko sila, papalabas na sana ako ng room..

"Ms. De Vera where do you think you are going?" Natigilan ako, tsk. "Go back to your seat now!" Wala na kong nagawa at bumalik na lang sa upuan ko. Tsh. Badtrip.

"Papansin naman yan si Cza. Porket nililigawan siya ni Red." Classmate kong isa. "Hoy! Ano ka ba! Wag kang bitter! Bagay nga silang dalawa." Hindi ko na sila at pinansin at nakikinig na kay Ma'am na nagsisimula na pala mag leksyon. Nasa kalagitnaan naman ako ng pakikinig ng biglang tumabi sakin si Red.

"Oh? Bat ka nandito?"
"Woah, sungit mo ata ngayon ah, nasan pala yung mga kaibigan mo?" Tanong niya. "Nagkasakit." Tipid kong sagot.

"Nang sabay-sabay?" Tanong niya muli pero hindi ko na nasagot ng biglang nagsalita si Ma'am.

"Baka gusto niyong ishare ang pinaguusapan niyo Ms. De Vera."

Siniko ko naman si Red.

"Ahm. Tinuturuan lang po ako ni Czarena, may hindi po kasi ako naiintindihan." Sagot ni Red.
"It's that true Ms. De Vera?" Tanong muli ni Ma'am. "Yes Ma'am."

Nanahimik naman na kaming dalawa. Hinihintay ko na rin magrecess dahil aalis ako, kelangan ko silang puntahan, mamaya baka hindi naman talaga sila nagkasakit, tinamad nanaman lang pumasok. Pektus abot sakin ng mga yon mamaya. Biglang tumunog ang bell hudyat na iyon na recess na. Nagmadali akong lumabas at hindi na nilingon pa si Red, pero nagulat ako ng biglang sumulpot si Stella sa harapan ko.

"Hi Czarena! ^__^"

"H-hello."

"Sorry nga pala sa mga nangyare noon between us. Hehehe." Nagpeace sign naman siya.

"Sige. Wala yun. Aalis na ko. Bye." Dadaan na sana ako sa tabi niya pero pinigilan niya ako, nagtaka naman ako dahil hindi niya kasama yung mga alipores niya.

"Nagmamadali ka ata. Wait. May peace offering sana ako sayo. Punta ka sa garden mamaya. Papasamahan kita kay Miley pag punta mo dun. Maghihintay ako. ^____^ see yah later." At umalis na siya.

Umalis na rin naman ako. Pero bago paman ako makalabas ng gate ay tinawag naman ako ng magaling kong kuya.

"Where do you think you're going Ms. De Vera?"

"Ts. Kila Alecxis."

"And why?"

"May sakit sila."

"And?"

"And what? I have to go."

"You can't go. Stay here in school."

"And why?"

"Cause i said so. Mamaya na lang natin sila pupuntahan. Go back to your room."

Tatalikod na sana siya ng pigilan ko.

"Wait. Alam mo palang may sakit sila?"

"Yeah."

"Bat hindi mo sinabi sakin?"

"Kasi alam kong di ka papasok. Wag mong intindihin yun apat na yun, They're strong Girls asdfghklqwertyuiop." Sabi niya pero hindi ko na masiyadong narinig yung huli niyang sinabi.

Tame A BadGirl | ON-GOING | EDITING |Where stories live. Discover now