JAXZ'S POV
Nandito ako ngayon sa Black Jade Palace. Nakatambay sa isa sa mga terrace dito. Hindi naman ako natatakot na baka masundan ako ni Jade kase wala naman siya sa bahay ngayon. Nagdate sila ni Red. Magkasama na nga sila ni Red kagabi hanggang umaga pa naman ba?
"Tol!" Si Majinbu
"Baket Majinbu? Pft. HAHAHA." Sumimangot naman siya.
"Ewan ko ba kung anong problema ni Jade kung baket niya binansag saken 'yon samantalang ang gwapo ng pangalan ko." Nagtatampo pa ring sabi niya. "Kent Aries De Lima." Pagmamalaki niya pa sakanyang pangalan.
Tinawanan ko na lang siya. Pero biglang suneryoso ang mukha niya kaya sumeryoso naman ako.
"Tol, pano pag bumalik na sila? What will you do?"
"Tinatanong pa ba yan? I'll protect Jade, ayokong may mangyari katulad ng nangyari ka--!! Ugh! Nevermind tol. Alam mo na 'yon."
"Hehe. Sorry, minsan habang inaalala ko ang mga nangyari noon. May gusto akong baguhin. Baka sana nandito pa siya. Sorry tol." Emosyonal niyang sabi.
"Wala kang kasalanan do'n ano ka ba. Sila ang nagsimula hindi tayo. At 'wag na muna nating pag-usapan ang nakaraan. Kailangan muna nating maghanda sa kasalukuyan."
Tumango siya bilang pag-sang ayon at pinag-usapan na namen ang mga dapat pag-usapan.
HANNAH'S POV
I'm Deia Hannah Rivarez. 18 years old. Tambay muna ako ngayon s Park ng Subdivision namen. Kasama ko ngayon si Nix. Tiningnan ko naman siya na nakaupo sa upuan at nakatingin saken. Ang cute niya talaga ♥ ~
Katamtaman lang ang klima ngayong hapon. Buti na lang at walang masiyadong tao.
Lumapit naman siya saken, at biglang humiga sa hita ko.
"'Wag ka namang matulog dito!" Sigaw ko sakanya. Pero hindi ako nakatanggap ng sagot. Napabuntong hininga nalang ako.
"Halika dali. Maglalakad lakad nalang tayo Nix." Tumayo naman siya at sumunod sa aken.
Pero bigla siyang tumakbo at nagpunta sa isang malapad na bato.
"Ano bang gagawin mo diyan ha?" Kagaya pa ren kanina ay hindi muli ako nakatanggap ng sagot sakanya.
Lumapit ako sa malapad na bato. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at tiningnan ang buong paligid.
Marami nang nangyari sa lugar na 'to. Maraming alaala.
Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Napa upo naman ako sa malapad na bato na iyon at tumingala ako sa langit.
Mula sa magandang panahon kanina ay biglang sumama, uulan..
Di nagtagal ay bumuhos na rin ang malakas na ulan.
Pero imbis na umalis ako dito sa kinauupuan para maghanap ng masisilungan ay hindi. Hinayaan ko lang na tumama ang butil ng ulan sa aking mukha. May mga naalala ako pero pilit 'kong inaalis iyon sa memorya ko.
"Arf! Arf!" Kahol ni Nix.
Naagaw naman niya ang aking atensyon at tiningnan kung sino ang kinakahulan niya.
Nanlaki bigla ang mga mata ko sa aking nakita.
Hindi maaari. Hindi ito isang panaginip.
Nasa harapan ko siya, medyo malayo lang pero nasa harapan ko siya at nakangiti sa aken.
"Rain.." at pagkasabi ko 'non ay biglang nag init ang aking mga mata. At bigla akong napaluha.
Bumabalik na nga sila..
---
♚TO BE CONTINUED..♚
VOTES AND COMMENTS! :*
KAMSARANGHAEEE♥~@AlvieNicole23
YOU ARE READING
Tame A BadGirl | ON-GOING | EDITING |
Teen FictionA Simple girl, that have a simple life. Her Simple life has changed when he met Tristan Red Chavez. But what if this person is a Bad person? and her past came back? what will happen to his Simple life? She will changed.. because of him.. Whose him...