Chapter 12: Tristan Red Chavez

18 2 0
                                    

RED'S POV

"Tol. Kami na ni Cza." Sabi ko kay Ivan.

"Talaga?! Kelan?! Kelan naging kayo?!" Sigaw niya sakin.

"Pwede ba! Hinaan mo nga boses mo! Para ka diyang bakla!" Singhal ko sa kanya. Masiyadong OA naman 'to.

Katatapos lang namin magpractice ng basketball, malapit na rin kasi ang intrams namen. Pero ayoko pang umuwi. Tsh. Sa tuwing maaalala ko yung imagination ko noong naging kami ni Cza. Letse! Nakakahiya. Kahit ako lang yung nakakaalam ng tungkol dun. Aba!

Nagpunta kami sa tambayan namin, dito sa rooftop ng bahay. XD

"Arte mo! Yeah boy! Where's the key of my baby?" Ivan.

"Tsh. Wala pa! Masiyado ka namang excited." Sabi ko sakaniya. Ngumuso naman siya. Nagkamali ata ako ng kaibigan.

"Kung iniisip mong bakla ako, nagkakamali ka. Wag ganyan!" Magsasalita sana ako pero pinigilan niya ako "At kung iniisip mo kung Mind reader ba ako. Nagkakamali ka din diyan, malakas lang ang pakiramdam ko. --,"

"Ulol! Edi ikaw na! Pero teka, alam mo bang.. nakokonsensya na ako, Masiyadong mabait si Cza pati na rin ang kuya at mga kaibigan niya."

"Ay? Tol! 'Wag ganyan!"

"Ikaw naman nagsimula neto e! Nadamay lang ako." Ako.

*Flashback*

"Ang boring naman." Ivan na isip bata. "Di pa man nagsisimula ang klase nararamdaman ko na."

"Edi ikaw na ang may malakas na pakiramdam! Tsh." Pambabara ko sakanya.

"Gago!"

Sasagot sana ako sa walang kwentang usapan namen ni Ivan ng bigla siyang nagsalita na akala mo ay may naisip na napakaganda.

"Mwahaha. Tol, may naisip ako." Bago niya ituloy ang sasabihin niya lumapit siya sakin mg konte.

"Tutal bagot na bagot tayo, ang una nating makakasalabung na babae ay babanggain mo. Tapos liligawan mo at dapat kelangan maging kayo!"

"King inang pag-iisip mo 'yan! Unique na unique! Grabe." Sarkastiko kong sabi sakanya kaya nagpoker face naman siya.

"Okay na 'yan. Wala akong maisip! 'Wag ka nang maarte diyan!" Siya.

Hindi sana ako papayag, pero dahil ayokong kinukulit ako, ay pumayag na ako -_-

"Good. Yun nga dapat maging kayo tapos pag naging kayo na at nararamdaman mong nafafall na siya sayo, break her. Easy as that."

"Eh kung sinusuntok na kaya kita diyan! Anong easy?! Mananakit tayo ng inosente?"

"Madali lang naman 'yun ah!"

"Anong madali?! Bat di kaya ikaw ang gumawa!"

"Tol! Ayan si Cza, diba kaklase natin yan nung 3rd yr."

Itinulak naman niya ako doon kay Cza na may dala-dalang makakapal na Libro na sa tingin ko ay Algebra Books. Sino kaya nag-utos dito? Kawawa naman.

(See Chapter 1)

*End of Flashback*

"Pinilit mo pa rin ako!"

"Uto-uto ka naman!-- hehe joke lang naman. Di ka naman na mabiro diyan." Susuntukin ko na sana siya e. Nakakabadtrip.

"Tristan Red Chavez." Pagtawag sakin ni kuya.

"Kelangan banggitin ang buong pangalan?" Ngumuwi ako. "Bakit?"

"May girlfriend ka?" Pagtatanong niya at umupo sa silya na nasa tabi ko ngayon.

Tumango ako.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Ngumuso siya.

"Kuya, baka hindi tayo ang tunay magkapatid at si Ivan talaga ang totoong mong kapatid, putcha." Sumimangot naman ako.

Tumawa naman silang dalawa.

"Kuya Sei. Pustahan lang naman yung sa Girlfriend niya." Pagsabat ni Ivan.

"Ano?! Kelan ka pa natutong maging playboy ha?! Tan-Tan?!"

"Kuya! 'Yan sisihin mo yang si Ivan! Siya nagplano ng lahat! Nakokonsensya na nga ako e! At PLEASE 'wag mo kong tawaging TAN-TAN!"

"Tsh." Bumaling siya kay Ivan a sinamaan ng tingin. Lumapit naman si Ivan at inakbayan si Kuya.

"Sigurado naman akong mahal na ni Red si Cza e."

"Hahahahaha!" Pagtawa ko dahil kinutusan ni Kuya si Ivan.

"'Wag ka ngang B.I diyan ha Ivan!"

Nagpeace sign lang si Ivan kay kuya.

"I wanna met her." Nagulat ako sa sinabing iyon ni Kuya.

"S-sure."

"Then, papuntahin mo siya dito sa bahay mamayang gabi."

"O-okay." Nauutal ko pa ring sabi.

"Mahal mo naman diba?"

"Oo." Ngumiti ako.

Nginitian naman ako ni Kuya, at bumaba na siya.

"In love ka na tol! Congrats!" Ivan nakaakbay sakin.

"'Wag lang sana  niyang malaman na nagsimula lang 'to sa pustahan." Ako.

"Bakit naman?" Pag-uusisa niya.

"Dahil.. baka iba ang isipin niya. Kahit na sabihan natin ang totoo, baka ang isipin niya ay pinaglalaruan ko lang siya.. At iyon ang hindi ko kaya. At.. Ayokong mapahamak."

"Ha? San ka naman mapapahamak! Ikaw talaga kung anu-ano nanaman yang pumapasok sa isip mo. Dapat nga magpasalamat ka sakin dahil kung hindi sa henyo kong pag-iisip ay baka hindi kayo ni Cza ngayon at parang istranghero paren ang turing niyo sa isa't isa." Napamgiti naman ako sinabi niya.

"Salamat tol." Nakangiti ko pa ring sabi.

Pero nawala din ang pagngiting yun dahil sa isang linyang naalala 'kong muli.

"Red. Sa oras na malaman kong niloloko mo lang siya. Good luck na lang sayo. You don't know her. She might be kill you, emotionally, physically or mentally, OR if you want to be one her toys."

Mabait naman ako ah! T.T Si Ivan lang talaga masiyadong B.I.

"Nagsisimula pa lang ang laro." Ramdam ko ang pagbaling ng tingin sakin ni Ivan.

"Anong pinagsasabi mo Red? Kanina pa kita hindi maintindihan. Anong laro? Red 'wag mong sabihing--"

"Oo. I like her. But i don't and i can't love her."

"W-what?!"

Ngumisi ako.

TO BE CONTINUED..

VOTES GUYS. PLEASE? :*

SARANGHAE!
@AlvieNicole23

Tame A BadGirl | ON-GOING | EDITING |Where stories live. Discover now