Chapter 16: The Prankster

16 2 0
                                    

KYLIE'S POV

Hi! I'm Enxozane Kylie Medina. 18 years old. Kpopper *wink*

"I Don't Care
Geumanhallae
Niga eodieseo mwol hadeon ije jeongmal sanggwan
Anhalge
Bikyeojullae
Ijewa ulgobulgo maedallijima
'Cause I Don't Care eh eh--"

"Anak! May naghahanap sa'yo sa labas!" Sigaw ni Yaya sa labas ng kwarto ko kaya napatigil tuloy yung pagkanta ko.

Anak na ang tawag niya saken, kase wala naman dito yung mama ko. You know. Business.

Binuksan ko yung pinto at hinarap si Yaya.

"Sino daw po?"

"Hindi ko nakilala. Nakasumbrero kase siya. Pero, mukhang manliligaw mo ata, ang gwapo eh. Hihihi."

Nangunot naman yung noo ko.

"Manliligaw?"

"Daliiii. Kylie. Bumaba ka na."

Dali-dali naman akong bumaba. Manliligaw?

Pagbukas ko ng pinto.

*swoooosh*

Hangin yan. =____=

Wala namang tao.

"Ya! Nasaan wala namang tao dito! Pinagtitripan mo nanaman ako e!" Sigaw ko mula dito sa baba

Bumaba naman si Yaya.

"Ha?! Eh nandiyan talaga 'yon. Nakasumbrerong itim tas may kulay ang buhok niya."

"Ya! Lahat naman ng buhok may kulay."

"Ehehe. Oo nga nuh? Pero hindi ako nagbibiro may tao talaga diyan kanina. Hinahanap ka."

"Ano bang sinabi niya?"

YAYA'S POV

*FLASHBACK*

Nagluluto ako ngayon ng meryenda ni Kylie, pero biglang may kumatok at iniwan ko muna saglit hung ginagawa ko.

Binuksan ko naman yung pinto.

"Magandang hapon po. Nandiyan po ba si Enxo?" Nginitian niya ako.

Aba'y ke' gwapong bata. Sayang lamang at hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil na rin sa kanyang sumbrero.

"Oo. Nandito siya. Sino ho sila? Manliligaw ka ba niya?" Hindi siya sumagot, pero nginitian niya ulit ako.

Ginantihan ko naman siya ng ngiti at sinabing "Sige. Sandali at tatawagin ko."

*END OF FLASHBACK*

KYLIE'S POV

"Ayun nga, pumunta na ako dito sa taas. Hindi naman ako pwedeng mamalik mata kase nakausap ko siya." Pumunta si Yaya sa may pinto. "Titingnan ko Kylie. Baka nandito siya ulet."

Binuksan niya naman yung pinto at biglang natuwa.

"Kylie! Oh! Nandito na ulit siya." Nilingon naman ako ni Yaya para sabihin 'yon. Nasa may pinto pa rin kase siya.

Nagmadali naman ako sa pagpunta sa may pinto.. =_____=

"Ya! Ako ba'y pinagloloko mo?! Wala naman e!"

"Eh? Nandito lang 'yon. Nginitian nga ulit ako. Nakakapagtaka naman." Saba'y nangamot siya sa ulo niya.

"Nako Ya! Halika na nga! Pagod ka lang siguro, kaya ka nagkakaganyan! Magpahinga ka muna sa kwarto mo."

Pinagmasdan ko si Yaya na pumuntasa Kwarto niya. Masama ang kutob ko.

Iisang tao lang ang tumatawag sakeng Enxo. Siya lang.

Bumalik na ako sa kwarto ko, upang sabihin kay Kuya Jaxz ang nangyaring 'to.

"What the?! Nasan na yung cellphone ko?! Nandito lang yun e!"

Aisht! Ano bang meron ngayong hapon na 'to. Dito ko lang naman yun iniwan sa Kama ko.

Hindi ko na muna sasabihin kay Kuya Jaxz yung nangyari ngayong araw, kase nasa palagid ko lang siya ngayon..

"Kram.." mahinang sambit ko.

***

TO BE CONTINUED.

Hi! SALAMAT SA MGA NAGBABASA ^_^

VOTES AND COMMENTS :)
Saranghaeyo!♥~~
@AlvieNicole23

Tame A BadGirl | ON-GOING | EDITING |Where stories live. Discover now