Sinong Pipiliin ko?

215 7 1
                                    

Waaaah!!!! Alam mo po ba Lord? Kung hindi nyo po ako tinulongan kanina na ma’overcome iyong pansarili kung kagustohan, paniguradong natalo na ako. Hehe. Pero, lucky me! Again, you helped me out.

Totoo po pala iyong sinasabi nila na minsan talaga pag di tayo nag-ingat pwede tayong matalo. Sabi nga nila The Spirit is willing, but The Body is weak.

May mga pagkakataon kasi talaga na minsan kailangan nating pumili, halimbawa pag may free time tayo..

“Ano ba ang gagawin ko? Makikipag-usap ako kay Lord, o Gagawa ng mga trip kong gawin na mga bagay, manunuod ng mga palabas na gusto ko total minsan lang naman ako maging free. Maiintindihan naman kasi ni Lord”

Napaka tempting talaga ng mga pwedeng gawin dito sa mundo. Pag ginawa mo iyong mga iyon siguradong masasatisfy ka.

Pero hanggang kalian ka naman masasatisfy?

Baka naman iyong satisfaction na gusto lang nating makuha ay iyong temporary lang?

Baka naman, sa sobrang busy natin nawawalan na tayo ng time para makausap man lang iyong Lord natin?

Baka naman hindi na tayo sa Lord nagsusumbong ng mga bagay-bagay sa buhay natin? May iba na tayong pinagsusumbongan? Hindi na tayo sa Lord nagsusurrender? Kasi feeling natin, mas naiitindihan tayo ng iba kaysa sa Lord. Iyong iba kasi, nakakasama natin, nakakausap (literally), nahahawakan, nararamdaman..

GANOON NA BA? DAPAT BA GANOON TALAGA?

Dapat ba talaga iyong kagustohan natin palagi ang nasusunod para maging Masaya? BAKA NAMAN HANGGANG SA SURFACE LANG IYONG SAYANG IYAN. Iyong tipong, kahit sumasaya ka, kahit tumatawa ka ng kahit papaano sa labas, sa loob pala pag ikaw na lang mag-isa wala paring pinag-iba.. mas lumala pa.. malungkot parin iyong puso mo.

Alam mo kung bakit? May kulang kasi.. inalis mo kasi si Lord sa sistema mo. Hinayaan mong matalo ka ng pagiging abala mo. Nawalan ka na ng oras para makausap iyong nagpapala at nagpapalakas saiyo.

Walang masama kung gusto mong sumaya. Kung gusto mo free ka.. Just make sure na totoo talaga iyong happiness na iyan, na totoo talaga iyong freedom na iyan.

Baka kasi akala natin, FREEDOM is doing what we want. Talaga? Hindi eh. Hehehe.

Minsan kasi nagiging god na natin iyong mga iyan. Sa kanila na umiikot iyong mundo natin. Just like facebook, twitter, instagram at marami pang iba.. akala natin tayo ang may control sa mga bagay na iyan, kasi tayo ang may account diyan eh.. But the sad truth is, SILA na pala ang mang-ari sa atin.

Hawak na nila iyong oras mo, iyong attensyon mo, PATI IYONG RELATIONSHIP MO WITH GOD NADAMAY NA..

GANOON BA TALAGA DAPAT?

Come to think of it..

Weigh facts..

It is not about us. Hindi po iyan ang dinesign sa atin ng Lord. Hindi tayo dinesign ni Lord para maging slave ng social networking sites na iyan, ng mga computer games na iyan. Ang gusto ng Lord, ibless tayo, para makapag-bless rin tayo ng iba.. in that way we will be able to glorify our GOD.

Ayaw mo ba noon?

God is good. YES!

Lagi niya tayong iniintindi, naiintidihan at iintindihin pa lalo. Pero, tayo lang ba talaga dapat lagi ang iniintindi?

Ano, have you made your decision?

Huwag mo nang idahilan iyong pagiging abala mo..

Ang Lord nga, araw-araw inaalagaan niya tayo LAHAT eh. Mabait man tayo o pasaway, still He loves us so much.. LAHAT. YES. NO EXCEMPTION!

SI LORD NA LANG!

Sa kanya ka na lang! Pag pinili mo Siya, you will never regret choosing Him whatever happens.

Hindi ka na mahihirapan ng nag-iisa. Tulong na kayong magdala niyang problema mo. Pag malapit ka nang matumba, aakbayan ka Niya.. Aalalayan.

ALL WE NEED IS JESUS! HAYAAN MO NA IYANG IBANG BAGAY. As long as you have Jesus, you have everything that you need.

#AllWeNeedIsYou #Jesus #HartHartOverload :D

All I Need is YOU ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon