Jesus YOU, our Lord our God. The most astigin and the best Dhad in the whole wide world!
Paano kaya kung makita ako ng mga estudyante ko kung paano ako makipag-usap kay Lord.. na parang sumbongerang bata sa Papa nya. Ganyan kasi ako eh. Kahit anong issue isinusumbong ko talaga kay Lord. Pagtatawanan ako ng mga iyon. Pero, okay lang. Di naman ako nabuhay para sa kanila eh. Nandito ako para mag-glorify sa pangalan ng Lord ko! ヽ(´▽`)/
Kahit kasi napakarami kong mga kaibigan, alam ko naman na may kanya-kanya rin silang baggages na dinadala. May mga oras talaga na kay Lord ka lang makakasandal. Iyong pakiramdam ng, di ka man maintindihan ng karamihan. Behlat! Bahala sila. Basta naiintindihan ako ni Lord. May mga bagay kasi na kami lang ni Lord ang makakaintindi. Dikit kami ni Lord eh! Hehe.
Praise the Lord!
Sobrang bigat na naman ng baggage ko kanina. Nung nag devo ako ang sabi sakin ni Lord.. "Anak, kalma lang. Ang di mo na kaya, ako ang gagawa. Sabay tayong matatalo kung sakali man, at syempre sabay din tayo sa lahat ng tagumpay!" Pinasaya na naman ang puso ko ni Lord.
I can't even explain how.. but what's important is He did helped me out, AGAIN.
Thank you, Lord. Astig ka po talaga. Wag ka pong magsasawang makinig sa mga emotes at kacornihan ko ah? Loveyoumuch!
LORD, Jesus Christ.. All we need is YOU. And we will be victorious already, Ikaw lang po. Kahit wala na ang iba! ヽ(´▽`)/
Kaya po Lord, please prepare our hearts sa lahat po ng pwedeng mangyari. In Jesus' name.. Amen and amen?